PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Diana Zubiri to auction bathing suits on FHM and PEP

Included is the bathing suit she left at Marvin Agustin's house.
Published Jul 11, 2008
Diana Zubiri cover girl of FHM
"Magaganda ang mga bathing suits ko. Yung iba, galing pa sa U.S....Kung gusto nila, pipirmahan ko pa ang mga ‘yon bago nila mabili," says FHM cover girl Diana Zubiri.
PHOTO/S: Noel Orsal; Diana Zubiri on Facebook

Kabilang ang July 2008 cover girl na si Diana Zubiri sa magpa-participate sa online auction ng FHM magazine.

Bago tumungo sa autograph signing si Diana sa Robinson's Galleria last July 9, naikuwento nito sa opisina ng Summit sa Pioneer na mga sexy bathing suits ang ipapa-auction niya sa FHM.

"Yun kasi ang naisip ko na magandang ipa-auction sa mga mahihilig sa ganyan," nakangiting sabi ni Diana sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Marami kasi akong bathing suits na hindi ko na masyadong nasusuot. So yung mga hindi ko na masyadong nagagamit, yun ang makikita nila sa online auction ng FHM.

"Magaganda ang mga bathing suits ko. Yung iba, galing pa sa U.S. na pinapabili ko sa mga kaibigan ko. May bikini, one-piece at iba't ibang kulay. Kung gusto nila, pipirmahan ko pa ang mga iyon bago nila mabili."

Bukod sa online auction ng FHM ay nagpaunlak din si Diana para naman sa auction ng PEP sa mismong event ng FHM's Sexiest Women sa July 17 sa World Trade Center.

Isa ring bikini ang ibinigay niya sa PEP.

Maaaring mag-bid ang mga pupunta sa event sa personal items mula sa Top 5 Philippine's Finest na kinabibilangan nina Marian Rivera, Katrina Halili, Angel Locsin, Ehra Madrigal, at si Diana nga.

Biniro namin si Diana kung isasama ba niya ang iniiwan niyang bathing suit sa bahay ng co-star niya sa Gaano Kadalas ang Minsan na si Marvin Agustin.

"Oo naman!" sabay tawa niya. "Masyado nang kontrobersiyal ang bathing suit na iyon kaya isasama ko iyon sa auction. Dapat malaki ang pag-bid nila sa bathing suit na iyon kasi ilang beses nang naisulat iyon."

Pero paano kung si Marvin ang mag-bid nang mataas para sa bathing suit na iyon? Okey lang ba sa kanya?

"Why not? Kung feel ba niyang itago ang bathing suit ko, di ba?" tawa niya ulit. "Dapat mas malaki ang pag-bid niya. Huwag siyang magkuripot this time kung gusto niyang mapasakanya ang bathing suit na iyon."

Kakauwi lang ni Marvin mula sa U.S. dahil nag-show ito roon kasama si Katrina Halili to promote GMA Pinoy TV.

Tinanong ng PEP si Diana kung may pasalubong ba si Marvin sa kanya. Sagot ni Diana ay meron daw pero wala pa raw sa kanya.

"Meron daw siyang ibibigay sa akin, pero hindi pa raw nakakarating kasi nasa balikbayan box pa," ngiti ni Diana.

"Ewan ko kung totoo yung sinabi niyang iyon pero mukhang serious naman siya.

"In fairness, noong manggaling siya ng Rome, rosary na binendisyunan ng Pope ang pasalubong niya sa akin. Hindi lang naman ako ang binigyan niya kundi yung iba pang mga kaibigan namin. Feeling yata ni Marvin, religious ako kaya rosary ang ibinigay niya."

Sinabi rin ni Diana na happy siya na muling magsasama nina Marvin at Jolina Magdangal sa isang show sa GMA-7 titled Dear Friend. Ikinuwento nga raw ni Marvin ito sa kanya at aabangan daw ito ng sexy actress.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Magaganda ang mga bathing suits ko. Yung iba, galing pa sa U.S....Kung gusto nila, pipirmahan ko pa ang mga ‘yon bago nila mabili," says FHM cover girl Diana Zubiri.
PHOTO/S: Noel Orsal; Diana Zubiri on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results