“Trabaho na lang muna. Minsan lang ang opportunity na ganito bilang alam ninyo na tumigil ako dati,” explains Kaye Abad why she prefers to remain single for now.

Photo: Noel Orsal

Pilit mang iniwasan ng frontman ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda ang mga tanong tungkol sa kanyang lovelife, hindi naman niya naitanggi na sila na nga ng Star Magic talent na si Neri Naig.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan, kinumpirma ng music artist na, “Yeah, we’re going out now, girlfriend ko siya. Are we official? I’d like to think official.”

(CLICK HERE to read related article.)

Hindi naman ito lingid sa kaalaman ng dating girlfriend ni Chito na si Kaye Abad.

Ayon sa dalaga, alam niya na may bago nang girlfriend si Chito. Minsan na rin daw niyang nakilala si Neri.

“Hindi kami close. Kumbaga, 'hi, hello' lang. Never kaming nagkaroon ng time na magkausap.

"Kilala ko lang siya from before, ‘yong Star Circle Quest,” nakangiting sabi ni Kaye nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media matapos ang story conference ng Angelito: Ang Bagong Yugto noong Martes, May 29.

Nang tanungin kung ano ang naging reaksyon niya nang malaman ito, aniya, “Okay naman kasi at least masaya na siya ulit. so masaya din ako.

"Basta masaya siya, masaya din ako,”

Bagamat naghiwalay na sila, nilinaw ni Kaye na nanatili pa rin ang pagiging magkaibigan nila ng miyembro ng Parokya ni Edgar.

“Nagte-text-an, nagkukumustahan, nagtu-tweet.

"Sobrang good friends. Sobrang okay kami.

"Kahit sa family niya, nagkukumustahan,” sabi ni Kaye.

Bagamat magkaibigan pa rin sila, hindi naman daw nagtatanongsi Kaye tungkol sa personal na buhay ng dating boyfriend.

Aniya, “Kumbaga, sa kanya na ‘yon. Ibibigay ko na sa kanya ‘yon.