“Civil naman kami pero hindi rin kami close na, kasi may kanya-kanya na kaming buhay. So, okay na yung ganun na lang. Basta ang importante, wala naman yung sungitan or tarayan kasi ang tagal na rin naman. May girlfriend na siya, may boyfriend na rin ako. Tama na. Okay na kami pareho,” says actress Michelle Madrigal about ex-boyfriend Jon Hall. Michelle and Jon are co-stars in the upcoming GMA-7 primetime series Love and Lies.

Photo: Noel Orsal

Masaya ang Kapuso actress na si Michelle Madrigal na kabilang siya sa cast ng bagong primetime teleserye ng GMA-7 na Love and Lies.

Hindi pa man natatapos ang acting stint ni Michelle sa Temptation of Wife ay mapapanood muli siya sa naturang “suspenserye” na magsisimulang umere sa April 8, Lunes.

Ang Love and Lies na pagbibidahan nina Richard Guiterrez at Bela Padilla ang siyang papalit sa Tempation of Wife nina Marian Rivera, Dennis Trillo, Rafael Rosell, at Glaiza de Castro.

Sa isang press launch kahapon, April 1, sa GMA Network Annex Studio, sinabi ni Michelle na “very grateful” siya sa Kapuso network na hindi siya nababakante sa trabaho.

Consistent ang aktres na hindi nawawalan ng teleserye.

Matatandaang si Michelle ay kabilang sa cast ng mga GMA-7 shows tulad ng Luna Mystika (2008), Zorro (2009), First Time (2010), Survivor Philippines: Celebrity Showdown (2010), Captain Barbell: Ang Pagbabalik (2011), Kung Aagawin Mo Ang Lahat (2011), Faithfully (2012), at Temptation of Wife.

Para sa Love and Lies, si Michelle ay gaganap na Cathy, isa sa leading ladies ni Richard.

Nang batiin dahil sa kanyang pagiging leading lady, nakangiting sinabi ni Michelle na ito raw ang mas focus niya ngayon: “Yung makita yung acting kaysa yung … sexy body!”

Hangad daw ng FHM cover girl na mas maging magaling na aktres.

May pressure ba siyang nararamdaman sa kanyang pagbibida?

Sagot ni Michelle, “Confident ako na maganda ang ipapalabas namin kasi pinaghirapan.

“Pero… yung pressure lang dun kasi, papalitan namin yung Temptation of Wife, e. Tapos dun din ako galing!

“Sobrang successful nung show na yun tapos papalitan namin. So, yun yung kinakabahan ako.”

Maliban daw doon ay kayang-kaya naman daw ng aktres ang “kahit anong iharap” sa kanya.

May tiwala rin daw ito sa kanyang mga kapwa artista: “Alam ko naman na lahat ng co-actors ko, ibinibigay naman lahat yung one hundred percent nila sa trabahong ito, sa show na ito.”



JON HALL. Sa pagbanggit ng “co-actors” ay hindi naiwasang tanungin si Michelle ukol sa kanyang ex-boyfriend na si Jon Hall, na kasama rin sa cast ng Love and Lies.