Andre Yllana, 22, going full-time in showbiz; signs up with VIVA

by Rommel Gonzales
Feb 4, 2021
Aiko Melendez is excited about son Andre Yllana, who is going full-time in showbiz. "Patapos na ang schooling niya," she says.
PHOTO/S: @aikomelendez @andreyllana on Instagram

Pipirma na sa VIVA Artists Agency si Andre Yllana, ang solong anak na lalaki ni Aiko Melendez at ng dati niyang asawang si Jomari Yllana.

Sasamahan si Andre nina Aiko at ng kasintahan ni Aiko na si Zambales Vice-Governor Jay Khonghun sa pagpunta sa opisina ni Vic del Rosario, ang head ng VIVA Entertainment, para sa contract-sigining ng binata sa Biyernes, February 5, 2021.

Ayon kay Aiko na kausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, February 3, via Facebook private messaging, "Sasamahan namin siya ni VG Jay, kasi si Jay ang nag-ayos ng contract niya with Atty. Sancho Abasta na maging okay ang lahat."

Si Atty. Abasta ay pulitiko rin sa Zambales. Siya ay kasalukuyang naninilbihan bilang board member sa second district ng probinsiya.

Samantala, si Jay raw ang kumausap kay Andre tungkol sa pagpasok ng huli sa showbiz.

Sa pagpapatuloy ni Aiko, "He convinced Andre na it's about time na mag-work na siya ulit habang patapos na ang schooling niya.

Continue reading below ↓

"So nakinig naman si Andre kay Jay nung nag-heart-to-heart talk sila."

Graduating student si Andre sa kursong Automative sa Don Bosco Technical Institute of Makati. May kinalaman sa paggawa, pag-aayos, pagkukumpuni, at pagre-restore ng kotse ang kurso ni Andre, na gaya ng dad niya ay mahilig sa kotse at car racing.

Alam naman raw ni Jomari ang tungkol sa pagpasok ng anak sa bakuran ng VIVA, pero sina Aiko at Jay na ang nakipag-negotiate sa VIVA.

Masaya si Aiko sa magandang relasyon ni Jay kay Andre at sa isa pang anak ni Aiko na si Marthena, 14.

Dagdag na kuwento ni Aiko, "Mahal talaga ni VG [sina] Andre and Marthena kasi iyong future ng mga bata ang gusto niyang ma-secure niya."

Continue reading below ↓

Bilang 22 na si Andre at nasa legal na edad na, siya ang signatory sa kanyang kontrata.

"He will sign a five-year contract with VIVA, and may work na agad si Andre na series, binigyan siya agad ni Ms. Veronique [del Rosario ng VIVA] ng work.

"So happy kami at sana this time, tuluy-tuloy na si Andre sa kanyang showbiz career," sinabi pa ni Aiko.

Noon pa sinubukan ni Andre ang showbiz, humigit-kumulang tatlong taon na ang nakakaraan.

Nag-guest na ito sa ilang shows ng ABS-CBN. Pero hindi nito itinuloy ang pag-aartista dahil nakakasagabal sa kanyang pag-aaral.

Ngayong ga-graduate na siya ay handa na si Andre na harapin ang pag-aartista. Marami raw possibilities na puwedeng ibigay ang VIVA kay Andre.

At open ang binata na mailinya sa drama, action, comedy, at maging sa hosting.

"Kasi pipirma siya ng movies and TV, exclusive sa VIVA also. Ang maganda, iyong contract ni Andre, hindi one-sided," sabi pa ni Aiko.

Continue reading below ↓

"So Atty. Abasta made sure na both parties, happy! And happy kami kasi super excited si Ms. Veronique kay Andre."

Samantala, hiningan naman namin si Aiko ng reaksiyon tungkol sa isyu ni Jomari at ng dating partner ng aktor na si Joy Reyes. Recently, ipinost ni Joy ang unpaid MERALCO bill nila na umabot sa PHP100,000.

Ang maikling pahayag ni Aiko, "Sana maayos na nila para hindi na mahirapan ang mga bata, kawawa ang mga bata. Sana i-consider nila ang pagiging magulang nila and huwag na ang mga pride nila.

"Tulungan na ang dapat tulungan."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aiko Melendez is excited about son Andre Yllana, who is going full-time in showbiz. "Patapos na ang schooling niya," she says.
PHOTO/S: @aikomelendez @andreyllana on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results