Pumirma ng kontrata sa Viva Artists Agency si Andre Yllana ngayong Biyernes, February 5.
Si Andre ang anak ni Aiko Melendez sa ex-husband niyang si Jomari Yllana.
Si Andre, 22, ay nagbalik-showbiz dahil natapos na niya ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo.
Sa pagpirma niya ng kontrata sa Viva, sinamahan si Andre ng inang si Aiko at ng boyfriend ng aktres na si Zambales Vice Governor Jay Khonghun.
Post ni Aiko sa Facebook matapos ang contract signing at Zoom conference ng anak, “Thank you Boss Vic and Boss Vincent and to my friend ms Veronique Corpuz for the warm welcome for Andre Yllana.
“He is now under contract with them. Full support for our young man!
"Vg Jay Khonghun played an important role in making Andre realized how blessed he is to be Under Viva and to have work during this pandemic Jay also helped me with his contract with Atty Jim Guttierez. Salamat Lord.”
“AYAW NI ANDRE”
Dahil personal niyang sinamahan ang anak, inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aiko kung magiging "stage mother" ba siya kay Andre.
Ang stage mother ay tawag sa ina ng celebrity na laging sumasama sa lakad ng kanilang mga anak na related sa showbiz.
Natatawang sagot ni Aiko, huli na rawang pagsama niyang ito kay Andre.
Ayaw raw niya, pati ng anak, na ma-label siyang stage mother.
Tugon ni Aiko, “Hindi naman. Sinamahan lang namen kasi friend ko Ms. Veronique.
“Binilin ko na, after niyan, he is on his own na.
“Ayaw ko ma-label ng ganyan, ayaw ni Andre haahhaahha.”
Bakit ayaw ni Andre?
Sagot ni Aiko, “Siyempre binata na kasi, so gusto niya me sarili siyang identity.”