Bea Alonzo thrilled to star with Alden Richards in first movie post-Star Cinema

by James Patrick Anarcon
Feb 12, 2021
Bea Alonzo and Alden Richards are doing a movie together, a wish on both their bucket lists coming true. And did you know he's been texting her now and then since they did a commercial together for a shampoo brand?
PHOTO/S: Courtesy of Shirley Kuan / @aldenrichards02 on Instagram

Kinumpirma ni Bea Alonzo na magbibida siya sa isang pelikula kasama si Alden Richards.

Ang upcoming movie, na unang naibalita sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong December 13, 2020, ay adaptation ng Korean movie na A Moment To Remember.

Ito ay sa ilalim ng produksyon ng GMA Films, VIVA Films, at APT Entertainment.

Sa panayam ni Bea kahapon, February 11, sa Summit Media—na merong 14 websites, kabilang ang PEP.ph—sinabi ng A-lister star na excited na siyang makatrabaho ang isa sa mga “favorites” niya.

Saad ni Bea: “He’s also one of my favorites! Even though we haven’t worked in a movie, na ngayon nga, finally, magkakaroon na ng chance.”

Nagkasama noon sina Bea at Alden sa TV commercial para sa isang shampoo brand, kung saan lumipad sila patungong Bangkok, Thailand, noong February 2020.

Sobra raw nag-enjoy si Bea sa unang pagkakataong nakatrabaho niya si Alden.

Kuwento niya, “He’s such a nice person, very pleasant, even his team.

Continue reading below ↓

“Although before, nami-meet ko na siya sa mga parties because meron kaming common friends, but doon lang kami nagkaroon ng time to bond.”

Napag-usapan nga rin daw noon ni Bea at Alden ang hiling nilang makatrabaho ang isa’t isa.

“What’s funny is that we were just talking about it there! Sabi ko, pareho kami na may balak makatrabaho iyong isa’t isa at some point, di ba?

“So, pareho kaming nag-uusap na sana we can have that chance to work with each other.”

VIVA’S PITCH TO BEA alonzo

Hanggang sa ilang buwan matapos noon, lumapit ang VIVA Films head honcho Vic del Rosario kay Bea para sa isang movie project.

Lahad ni Bea, “An opportunity occurred a few months ago. There was a script from VIVA, there was a story presented to me.

“Sinabi ni Boss Vic na it’s going to be with Alden, I was so excited.”

Ito raw ang isa sa dahilan kung bakit siya napa-oo sa proyekto, lalo pa’t napanood niya ang Hello, Love, Goodbye.

Continue reading below ↓

Ang Hello, Love, Goodbye ang 2019 blockbuster movie ni Alden—hanggang ngayon, nangunguna ito sa listahan ng box-office blockbusters—sa ilalim ng Star Cinema, na idinirek ni Cathy Garcia-Molina, at katambal ng box-office star na si Kathryn Bernardo.

Paliwanag ni Bea, “Honestly, that’s one of the reasons why I said yes—because it’s going to be with him. Kasi I watched his movie with Kathryn, yung kay Direk Cathy, yung Hello, Love, Goodbye, and I thought he was amazing.

“He did a very good job, and naisip ko, sana magkaroon kami ng chance, and right now, iyon iyong perfect, di ba?

“Kasi after the pandemic, parang siyempre, ang dami mong realizations, you opened yourself up to new opportunities and that’s what I’ve been doing.”

TEXT MESSAGE WITH KATHRYN

Sa katunayan, nang mapanood ni Bea ang Hello, Love, Goodbye ay puro papuri siya kay Alden.

Isa nga raw si Alden sa mga dahilan kung bakit personal na inimbita ni Kathryn si Bea para manood sa kanilang premiere night.

Continue reading below ↓

Pagbabalik-tanaw ni Bea, “I was invited personally by Kath sa premiere ng Hello, Love, Goodbye.

“Tinext niya ako, gusto raw akong makatrabaho ni Alden, and it would really mean a lot if I went, so I went.

“‘Tapos napanood ko, ‘tapos itinext ko pa si Kath, sinabi ko kay Kath na I’m so proud of her kasi ang galing ng performance niya sa Hello, Love. It is one of my most favorite movies from Star Cinema.

“I also commended Alden through that text na sinend ko kay Kath. 'Tapos sinabi nga niya na, ‘Naku, si Alden gustong-gusto kang makatrabaho.’ Doon pa lang, alam ko na.”

At noon ngang magkasama sila sa Bangkok, hindi rin naman daw nahihiyang magsabi si Alden na gusto niyang makatrabaho si Bea at maging ang perennial on-screen partner ng aktres na si John Lloyd Cruz

Patuloy ni Bea, “Si Alden naman, he’s not arrogant na hindi niya aaminin. Kasi noong nandoon siya sa Bangkok, he was very open to saying na sana nga.

Continue reading below ↓

“And sinasabi niya, hindi lang ako. Fan siya ni John Lloyd!

“Di ba, isa-isa niyang naaano iyong bucket list niya. Si Direk Cathy, nakatrabaho niya and ako makakatrabaho niya. I think nga he has so much to give.”

Huli raw nagkita sina Bea at Alden noong nag-shoot ng bagong commercial para sa shampoo brand na kanilang iniendorso bago matapos ang 2020.

Nagte-text din daw si Alden sa kanya paminsan-minsan.

SEEING THE ORIGINAL MOVIE

Ang A Moment To Remember ay isang 2004 Korean film tungkol sa mag-asawang dumaan sa pagsubok matapos ma-diagnose na may early-onset Alzheimer’s disease ang babae.

Gumanap na bidang babae si Son Ye-jin, na kilala bilang Yoon Se-Ri sa Crash Landing On You. Ang bidang lalaki naman ay si Jung Woo-Sung, na bida sa K-Drama na Padam Padam.

Ang A Moment To Remember ay base sa 2001 Japanese TV series na Pure Soul.

Son Ye-jin, Jung Woo-Sung in A Moment to Remember

Continue reading below ↓

Jung Woo-sung and Son Ye-jin in A Moment To Remember (2004)

Ito ang unang pelikula ni Bea sa labas ng Star Cinema, na mother studio niya mula 2001.

Sa pagkakataong ito, GMA Pictures, VIVA Films, at APT Entertainment ang magpoprodyus ng pelikula.`

Ayon kay Bea, hindi pa niya napapanood ang pelikula at sinadya niyang hindi pa panoorin ito.

Paliwanag niya, “The reason why I did not see it is because I wanted to talk to the director first and Alden, so we would know how to go about it, because I don’t want to be a copycat.

“So I want to read the script first before I watch the Korean version and the Japanese version.”

Ang direktor ng pelikula ay si Nuel Naval, na nakasama na rin ni Bea sa 2010 drama series na Magkaribal at sa ilang MMK episodes.

Sa ngayon, hindi pa niya alam kung napanood na ni Alden ang pelikula.

Continue reading below ↓

“I will be seeing him soon, so I’ll ask him.

“Kasi ayoko naman parang maging mahadera, ayoko naman parang pakialaman iyong process niya as an actor. Sabihin niya, nagmamarunong ako ano!” natatawa niyang sinabi.

Pero naniniwala ba si Bea na may chemistry ang magiging tambalan nila ni Alden?

Nakangiting sagot ng aktres, “Feeling ko nakakakilig naman siya kasi ang gwapo ni Alden, sino ba namang hindi!”

HOT STORIES

Video: FM Ganal.

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo and Alden Richards are doing a movie together, a wish on both their bucket lists coming true. And did you know he's been texting her now and then since they did a commercial together for a shampoo brand?
PHOTO/S: Courtesy of Shirley Kuan / @aldenrichards02 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results