Dahil sa music video na “Ligaya,” naging kauna-unahang alagang actor ng O/C Records ng mag-asawang Kean Cipriano at Chynna Ortaleza si Gold Aceron.
Mula sa pagiging freelance artist, umoo raw agad si Gold nang alukin siyang i-manage ni Kean.
“Siyempre po, Kean Cipriano po ‘yan, Callalily. Idol ko po, pati ang mga kanta niya, kaya umoo po ako agad,” positibong pahayag ni Gold sa online interview niya sa entertainment press, kabilang ang Philippine Entertainment Portal (PEP.ph).
Karamihan ng mga nagawang pelikula ni Gold gaya ng Lando at Bugoy (2016), Metamorphosis (2019), at ang kasalukuyang napapanood sa Vivamax na Scorpio Nights 3 ay mapangahas ang karakter niya dahil sa mga temang hubaran at seksuwal.
May “say” ba ang O/C Records sa mga tinatanggap niyang proyekto?
Ayon sa aktor, “Sa pag-decide naman po ng project, palagi naman po nila akong kino-consult kung okay po ako sa project na ‘to. Kung may gusto raw ba akong ipatanggal, kung kaya ko raw ba ‘to.
“And kaya ko naman po kaya sinasabi ko kina Kuya, ‘Kuya, kaya ko ‘to.’ Kapag hindi ko kaya, sasabihin ko naman po.
"Guided naman po nila ako palagi. At palagi naman nila akong tinatanong kung okay naman ako."
Natanong din si Gold kung may expectation ba siya na contract artist na siya O/C Records.
Sagot niya, “Ine-expect ko na magandang flow sa ilang taon. More projects to come para sa ating team.”
Masaya ring binalita ni Gold na apat na buwan pa lang siya sa O/C ay may dalawa na siyang pelikula at may paparating pa.
REPRISING DANIEL FERNANDO'S ROLE
Sa Scorpio Nights 3, ginagampanan ni Gold ang dating karakter na ginampanan ni Daniel Fernando sa original 1985 erotic film ni Peque Gallaga.
Sobrang saya raw niya nang malamang siya ang napili ng Viva na maging bida sa remake, kasama sina Mark Anthony Fernandez at Christine Bermas. Mula ito sa direksiyon ni Lawrence Fajardo.
Read: Christine Bermas, hinigitan ang daring scenes ni Anna Marie Gutierrez sa orig Scorpio Nights
Lahad ni Gold, “Siyempre, sobrang happy ko noong nabanggit sa akin ang Scorpio Nights 3.
“Classic movie talaga siya, alam siya ng parents ko. Kabado pa nga ako nun, kasi hindi pa alam kung sino ang mag-i-Scorpio Nights 3.
"Nasa set ako nun, nagtatanong pa ako, kasi yung prod ng Scorpio Nights, may mga kilala ako. Sinabi nga, si Christine Bermas ang bida. Pero sa mga lalaki, wala pa raw napipili.
“Pero nasabihan na ako na isa raw ako dun. Siyempre, kabado na baka hindi ako mapili.
"Pero noong sinabi na, ‘Gold, tuloy ka na sa Scorpio Nights 3,' overwhelmed ako. Sobrang proud ako na napili ako.”
Nanggagaling din daw ang kaba niya dahil, kumpara sa aktor na susundan niya, magkaiba raw sila ni Daniel.
Sabi ni Gold, “Ang layo ng katawan ko kay Daniel Fernando. Tapos, batang-bata ako, yung character ko, yung mga eksena dun, pang-matured talaga. Pero naitawid ko siya.
"Yung character rito ni Matt, bata rin. So, parang ako siya, yung ganun. Thankful talaga ako.”
Patuloy niya, “Dahil dito sa Scorpio Nights 3, nag-prepare ako, nag-workout talaga ako para rito.”
Isa si Gold sa mga bagong artista na matapang gumawa ng mga maseselang eksena. Saan nanggagaling yung tapang niyang yun, katulad na lang sa Scorpio Nights 3 na all-out din siya.
Tugon niya, “Ako po kasi, all-out din kung ilaban ko siya. Para mas ma-portray ko ang character na hinahanap ng movie. And mas maintindihan ng tao na iba-iba tayong klase ng tao.
“Kapag tiningnan mo kasi siya na daring lang, papasok talaga sa isip mo, iba. Pero kung titingnan mo siya in a good way, siyempre masasabi mo na may natutunan tayo.”
