Jhassy Busran given big break this pandemic; wishes to be part of KathNiel project

by Rommel Gonzales
Sep 16, 2022
Khassy Busran
Jhassy Busran is grateful for the movie projects coming her way this pandemic. Her dream is to work with her favorite love team KathNiel.
PHOTO/S: Rommel Gonzales

Masuwerte si Jhassy Busran dahil nag-umpisa ang kanyang showbiz career sa panahon ng pandemya.

Paliwanag niya, “Kasi po nag-start po ako mag-workshop-workshop bago pumasok ang pandemya. Kaya natapat talaga."

Huling napanood si Jhassy sa mga pelikulang Caught in the Act at Genius Teens, na parehong ginawa sa panahon ng pandemya.

“Sobrang thankful po ako na kahit may pandemic nakakagawa ako ng mga movies... kahit pandemya, may blessings po na dumarating po.”

Dahil dito, hindi na bago kay Jhassy ang sumabak sa lock-in shooting kasama ang buong cast ng Home I Found In You.

Aniya, “Nasasanay na rin naman po. Although medyo iba yung, di ba kapag lock-in, bawal lumabas, so nasasanay na rin po na lalabas ka lang kapag ikaw na ang kukunan ng eksena.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang dalagita noong September 2, 2022, ang araw ng celebrasyon ng kanyang 16th birthday at thanksgiving party sa Plaza Ibarra, Timog Ave, Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mukhang may bright future sa showbiz si Jhassy, na isang Grade 10 student sa Team Mission Christian School sa Marilao, Bulacan.

Umaasa ang young actress na magkaroon siya ng pagkakataong makatrabaho ang kanyang showbiz idols.

Kuwento ni Jhassy, “Yung pinaka nilu-look up ko talaga sa showbiz industry, sa pag-arte po is si Ms. Sylvia Sanchez.”

Hindi pa raw niya nakikilala nang personal si Sylvia.

“Hopefully soon, hopefully soon.”

Nakikita raw ni Jhassy ang versatilty ni Sylvia bilang aktres.

“Parang kahit anong role na ibigay sa kanya, nabibigyan niya po ng justice.”

Iniidolo rin daw niya ang tambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

“Fan po kasi ako talaga ng KathNiel,” bulalas ng magandang teenager.

Kaya nasa bucket list ni Jhassy ang makasama si Kathryn sa isang TV or film project.

Meron din ba siyang gustong maging leading man sa kanyang future projects?

Sagot ni Jhassy, “Wala po akong maisip na specifically kasi halos lahat ng teen actors ngayon may partner na, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kaya kahit sino po basta mabait.”

UPCOMING MOVIE

Samantala, dalawa ang leading man ni Jhassy sa pelikulang Home I Found In You.

Para sa teen actress, sino ang mas guwapo: si John Heindrick Sitjar (L) o si Harvey Almoneda (R)?

John Hiendrick Sitjar and Harvey Almoneda

“Parehas po, parehas naman po sila,” sabi ni Jhassy sa panayam ng PEP.ph.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sino naman sa dalawa ang makakatuluyan ng kanyang karakter sa ending ng pelikula?

“Bawal pong mag-spoil,” at tumawa si Jhassy.

Gaganap si Jhassy bilang si Selene dela Cruz sa Home I Found In You.

Paglalarawan niya sa kanyang role, “Probinsiyana po siya dito and very hardworking po siya.

"And lahat po gagawin niya para matulungan niya yung papa niya at yung sarili niya na makaahon po sa hirap.

“And she likes painting po, hobby niya dito is painting.”

Para maiahon ang sarili sa hirap, magtatrabaho si Selene sa resort-hotel na pagmamay-ari ni Mama Rona, na gagampanan ng komedyanteng si Diego Llorico.

Pagtuloy ni Jhassy tungkol sa kanyang role bilang Selene, “Nagwo-work po siya dito kay Mama Rona, which is si Sir Diego po.

“Nag-iipon po siya para makapag-enroll po siya, para makapag-study siya, para ma-finish niya yung pag-aaral niya.

"And iyon po, makakuha siya ng trabaho na gusto talaga niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama rin sa cast ng Home I Found In You sina John Heidrick bilang Sitjar Redjie “Red” Alvarez, Harvey Almoneda bilang Aldrin Padua, Orlando Sol bilang Arnold Jimenez, Soliman Cruz bilang Mario dela Cruz, at Eunice Lagusad bilang Judy-ann Pineda.

Ang Home I Found In You ay sa direksiyon ni Gabby Ramos at mula sa produksiyon ng REMS Films (represented by AJ Ungson at Marlon Climaco).

Nasa post-production na ang pelikula at malapit nang mapanood sa mga sinehan.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jhassy Busran is grateful for the movie projects coming her way this pandemic. Her dream is to work with her favorite love team KathNiel.
PHOTO/S: Rommel Gonzales
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results