Veteran kontrabida Telly Babasa recounts working with FPJ and other big action stars

by Bernie V. Franco
Sep 15, 2022
telly babasa kontrabida
Telly Babasa has been known for portraying kontrabida roles in action movies and has worked with some of the biggest action stars in local showbiz, including Fernando Poe Jr..
PHOTO/S: Main Photo: YouTube (Robatology)

Hindi na mabilang ang mga nakatrabahong action stars at icons sa local showbiz ng beteranong kontrabida na si Telly Babasa sa maraming taon niya sa showbiz.

Si Telly, 76, ay pamilyar dahil lagi siyang gumaganap na goon at nakikipagbugbugan sa mga bida sa action movies, mula dekada ’70 hanggang early years ng 2000.

Marahil, hindi lahat ay kilala ang kanyang pangalan, pero isa siyang familiar face sa action genre.

Tawag sa kagaya niya ay kontrabida, goon, at stuntman.

Pero huwag tatawaging “extra” na aniya’y nagpapainit sa dugo ng nag-iisang Da King Fernando Poe Jr. [FPJ].

Naging malapit si Telly kay FPJ dahil sa maraming pelikulang kanilang pinagsamahan.

Telly Babasa

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kadalasan ay gumaganap si Telly Babasa (left) bilang isa sa mga goon sa action movies.

Sa ngayon ay hindi na aktibo si Telly, bagamat may mga kumukuha pa raw sa kanya.

“Ayaw pumayag ng mga anak ko, e, tsaka yung asawa ko. Ayaw na akong payagan...” ani Telly sa September 3, 2022 YouTube video ng vlogger na si Robatology.

Nakatira ngayon si Telly sa Batangas kasama ang mga anak at asawa.

“Awa naman ng Diyos, e, maganda ang buhay ko," pakli niya.

kontrabida to BIG STARS

Inusisa si Telly kung sinu ang mga nakatrabaho niyang malalaking artista.

“Nakatrabaho ko si Robin [Padilla], si FPJ… lahat ng naging bida natin sa pelikulang Tagalog nakasama [ko].

“Ako yung ginugulpi lagi. Lahat ng bida natin…" sabi niya.

Inisa-isa ni Telly ang ilan sa mga nakatrabahong action stars na nakasama sa higit sa dalawang pelikula.

Kabilang na rito sina Bong Revilla, Ronnie Ricketts, Jestoni Alarcon, at Phillip Salvador.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maging ang yumaong icons na sina Dolphy, Eddie Garcia, Rudy Fernandez, at si FPJ na kung tawagin niya ay “Manager.”

Telly Babasa Ronnie Rickets

Telly Babasa Rudy Fernandez

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Telly with Ronnie Rickets (top photo) and the late Rudy Fernandez (bottom photo)

Ani Telly, dahil marunong siyang mag-karate, hinikayat siya noon ng dating action star na si Roberto Gonzales na pasukin ang pag-aartisa.

Sabi raw nito sa kanya, “Bakit di ka maging artista?”

Sagot daw ni Telly, ‘E, hindi naman ako magandang lalaki,’ kasi ang lalaki ng taghiyawat ko noon.”

Nagsimula raw siya noon sa mga pelikula bilang stuntman.

Telly Babasa

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Telly Babasa ay 76 anyos na ngayon at hindi na aktibo sa showbiz.

WORKING WITH FPJ AND OTHER STARS

Pagbabalik-tanaw ni Telly, ang big star na una niyang nakasama sa pelikula ay si Dolphy noong ‘70s.

Nagsisimula pa lamang noon si Telly sa showbiz.

“Sabi ni Dolphy, ayaw [niya] ng mga lumang kontrabida,” pagbabalik-tanaw ni Telly.

Naibahagi rin ni Telly ang magandang karanasan niya kay FPJ.

Matapos unang makatrabaho si FPJ sa isang pelikula, nag-out-of-the-country trip si Telly.

“Pagbalik ko, niregaluhan ko si Manager [FPJ] ng susian. Tuwang tuwa si Manager, [sabi niya], ‘Mabuti naalala mo ako, Telly.’”

Bukod sa pagiging kontrabida, binibigyan daw siya noon ni FPJ ng iba pang mga trabaho.

“Sabi ni Fernando Poe, ‘Akong bahala sa iyo, Telly,’ kaya inabot ako ng PHP12,000 a day, e, kay Fernando Poe.”

Hanga rin si Telly sa magandang trato ni FPJ sa mga katulad niyang hindi bida sa mga pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento niya, "Si Manager, si Fernando Poe, kapag nalaman na tumawag ka ng katulad ng sinasabi mong mga extra, magagalit diyan si Manager.

“Ayaw niyang tatawaging extra [ang] mga artista. Basta ang gustong tawag sa kanila, mga talent iyang mga iyan.”

Dugtong pa ni Telly, tinitiyak noon ni FPJ na pareho ang pagkaing kinakain ng mga bida sa pelikula at “talents” sa pelikula.

Hindi raw niya malilimutan nang ipatigil ni FPJ ang pagsu-shooting at nakipagpulong sa film producers nang malaman niyang iba ang kinakain ng mga talent at mga bida.

Aniya tungkol kay FPJ, “Napakabait na tao, kaya lang super-tapang….

“Pagka hindi ka niya gusto, hindi ka niya sasamahan. Pag gusto ka niya, isasama ka niya.”

telly babasa fpj

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa sa mga huling pelikulang pinagsamahan nina Telly (nakatalikod) at FPJ ay ang Isusumbong Kita sa Tatay Ko (1999).

THE PRETTIEST OF THEM ALL

Tinanong din si Telly kung sino sa mga babaeng artista ang sa tingin niya ay pinakamaganda noon.

“Nakalimutan ko na ang iba… ang pinakamaganda sa lahat, si Alma Moreno.

“Nung araw na hindi pa siya mataba, ibang klase talaga yung Alma Moreno. Ang ganda!

“Pero kung ako ang tatanungin mo, ang pinakamagandang babae sa akin, si Vilma Santos.

“Ang ganda ng mukha. Magandang babae. Kasi kita ko sa personal lahat.”

DOING ACTION SCENES WITH ACTION STARS

Ibinahagi ni Telly kung paano gawin ang action scenes noon kasama ang action stars.

“Tuwang-tuwa sa akin si Manager, e. Pag nagsusuntukan kami, tapos naaalala ko nung bagong dating ako, e, sabi ko, ‘Manager, patama naman ako. E, ang laki-laki ko hindi ako makatama sa iyo.’

“Kasi suwerte ang makatama kay Fernando Poe, sa totoo lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Magaling mag-routine si Fernando Poe talaga. Totoo iyon.

“’Tsaka si Lito Lapid ganoon din. Ganoon kagagaling sila,” lahad ni Telly.

Pinag-iisipan daw nilang maigi para magmukhang makatotohanan ang action scenes.

Aniya pa tungkol sa pagsuntok ni FPJ, “Daplis. Si Fernando Poe, pag sumuntok, malapit na malapit, e.

“Kapag tinamaan ka ni Manager, ako, pag nakalabit ako ni Manager na ganun,” muwestra ni Telly sa kanyang labi, “limanlibo kaagad iyon.”

Sinasabihan daw siya ni FPJ noon na ilayo ang mukha nito pag suntukan sa eksena at baka matamaan ito.

Sagot naman daw ni Telly, “Manager, nagpapatama ako para [may bayad].”

Sagot daw ni FPJ, “Hindi, diyan ka lang. Ako na bahala sa iyo.”

Telly Babasa FPJ

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Telly, kapag hindi sinasadyang natamaan ni Fernando Poe Jr. ang isang "goon" sa fight scenes binibigyan niya ito ng PHP5,000.

Isa pa raw si Robin Padilla na “daplis” pagdating sa suntukan sa mga eksena.

“Talagang dikit, daplis na daplis si Robin Padilla. Kung sumuntok, malapit na malapit.”

Hindi rin daw malilimutan ni Telly nang makatrabaho niya si Manny Pacquiao sa 2001 movie na Basagan ng Mukha.

Lahad niya, “Nakakatakot si Manny, hindi pa siya marunong mag-routine noon.

“Talagang ang suntok ni Senador, talagang nanunugod ng mukha.

“Talagang patatamaan ka talaga, kasi boxer, e. Saka ayaw nun nang malayo. Gusto niya dikit.”

Bilang panghuli sa vlog, hiniling kay Telly na magbigay ng pahayag tungkol sa sarili.

Sabi ng kilalang kontrabida, “Telly Babasa. Ako po yung kontrabada.

“Lahat po ng bida natin nung araw, nung panahon ko, lahat sila gustong-gusto akong gulpuhin.

“Telly Babasa, ang kontrabida sa local Tagalog movies.”

Telly babasa

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Telly (2nd row, center) at ang mga naging kaibigan niya sa showbiz: (1st row) Jeric Raval at King Gutierrez; (2nd row) Rambo at Dan Alvaro

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Telly Babasa has been known for portraying kontrabida roles in action movies and has worked with some of the biggest action stars in local showbiz, including Fernando Poe Jr..
PHOTO/S: Main Photo: YouTube (Robatology)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results