PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Andrew Gan reveals shocking "requirement" to get projects in showbiz

Says no shortcut: "Gusto ko dumaan sa proseso."
by Rommel Gonzales
Published Feb 17, 2023
Andrew Gan
Andrew Gan believes that talent will help him attract project: "Kung hindi okay yung performance mo, hindi ka nagde-deliver, hindi ka pa rin kukunin at the end of the day."
PHOTO/S: Rommel Gonzales

Bading na bestfriend ni Rhian Ramos ang papel ni Andrew Gan sa pelikulang Ikaw At Ako.

Marga ang karakter ni Rhian, habang Rhea naman ang kay Andrew, na ang bungad na kuwento ay, "Hindi pa ako gumanap na loud na gay, kasi di ba before nagkaroon ako ng BL [Boy's Love], pero parang hindi naman ako loud na gay, e. Medyo pa-men."

Ang BL series na tinutukoy ni Andrew ay ang Limited Edition (2021). For his upcoming movie, ladlad talaga si Rhea.

Dugtong ni Andrew, "...medyo out of my comfort zone kaya talagang pinag-aralan ko yung mga simpleng nuances.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktor sa shooting ng pelikulang Ikaw At Ako noong January 23, 2023, sa Quezon City.

Nakatrabaho na raw dati ni Andrew si Rhian sa Wish Ko lang, at first time naman niyang makasama sa isang proyekto si Paolo Contis, na male lead sa Ikaw At Ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya tungkol sa main cast, “It’s an honor na maka-work sila kasi, like ng sabi ko, si Paolo is a golden boy.

"Like, bata pa lang ako napapanood ko na sila, nag-aaral pa lang ako Rhian Ramos na iyan, Paolo Contis na iyan, plus may Sir Ronaldo Valdez tayo, tapos may Ms. Boots Anson Roa pa tayo.”

ANDREW GAN ON PLAYING RHEA

Sino ang peg niya sa kanyang bading role?

“Actually, yung mga kaibigan natin sa industriya, sila yung kumbaga parang lahat ng mga simpleng nuances nila, pinagsama-sama ko, ganun.”

Nag-cross dress ba si Andrew sa Ikaw At Ako?

“Hindi, hindi, pero dati nag-cross dress ako sa isang series sa IWant TV, sa Mga Batang Poz, way back 2019.”

Sa BL series niya dati, may torrid kissing at bed scenes sila ng co-star niyang si Jomari Angeles. Meron din ba siya sa pelikula?

“Wala po, and itong film naman is ang theme niya is medyo rom-com naman siya, so hindi naman siya sexy.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ano namang klase ng close friendship ang meron sina Rhea at Marga sa pelikula?

“Naku ayokong sabihin kasi maano yung twist,” at tumawa si Andrew.

Siya ba ang iniiyakan ni Marga kapag may mga problema?

“Parang ganun, and pag may mga mahihirap na decisions siya sa buhay, parang kay Rhea siya lumalapit.”

“Ang maganda kasi sa role ng bestfriend is pag yung mahahalagang, mga importanteng eksena, laging nandun si Rhea for Marga.”

ANDREW GAN ON GAY FRIENDS

In real life, paano siyang kaibigan? Siya ba yung mas madalas humingi ng advice or siya yung nagbibigay ng advice?

“Hangga’t maari na kaya ko, ayokong masyadong sine-share, ayoko kasing maging burden sa mga tao.

"So siguro dun ako sa mas nagbibigay ng advice based on my own experience, ganun.”

May bestfriend ba si Andrew na bading?

“Mga close na gay po.”

Pag may mga bading na nilalandi siya, paano niya ito naha-handle?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siguro ang masasabi ko sa kanila, ang kaya kong i-offer is pagiging totoong tao, kasi you know naman, di ba, dito sa mundo, may mga hindi totoo, may mga totoo.

"So ako, iyon lang ang kaya kong i-offer, na totoo talaga ako. If kailangan mo ng kaibigan, kailangan mo ng kausap, totoo ako.”

Paano yung may iba silang “kailangan” kay Andrew?

“Depende… joke lang,” ang tumatawang biro ni Andrew.

ANDREW GAN ON INDECENT PROPOSALS IN SHOWBIZ

Pag may offer, nililigawan siya, ano ang ginagawa niya? Na gusto siya at yayayain siyang mag-dinner?

“Okay lang naman dinner, kaibigan, ganun. Pero para sa akin kasi, anong sense na araw-araw, every project na ginagawa ko gusto ko nag-i-improve ako, gusto ko naggu-grow ako, kung bibigay lang din naman ako. I mean kung hindi ako dadaan sa proseso."

Malayo ang tinakbo ng sagot ni Andrew, pero ang gusto niyang tukuyin ay yung pagtanggap ng mga indecent proposals kapalit ng project.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pagpapatuloy niya, "So ako naniniwala ako sa talent ko, every ano maggo-grow ako, so hindi ako into...gusto ko dumaan sa proseso.”

Nagulat ba siya nang pagpasok niya sa showbiz, naglipana ang mga indecent proposals?

“Nung una, oo, nung una meron talagang nagsasabi, ‘O bago ka maging ano, bago ka maging isang ganap na artista kailangan mo munang dumaan dito, ganyan.’

"So from there, parang nagkaroon ako ng, ‘A, bakit ganun sa showbiz?’ Parang requirement pala, ganun.”

Ayon kay Andrew, talent, and not necessarily connections, ang ang makapagbibigay sa kanya ng projects.

“Para sa akin, at the end of the day, craft pa rin, kung gawin mo man yun, pero hindi ka naman ready, kung hindi ka… kung hindi okay yung performance mo, hindi ka nagde-deliver, hindi ka pa rin kukunin at the end of the day. Iyon pa rin yung mas nagtatagal, yung craft pa rin talaga.”

Bukod sa pag-aartista ay businessman si Andrew. Siya ang may-ari ng Releaf Massage and Nail Spa sa Karuhatan sa Valenzuela City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang TEAM (Tyronne Escalante Artist Management) ni Tyronne James Escalante, na manager nina Jane de Leon at Kelvin Miranda ang namamahala sa career ni Andrew ngayon.

Bago ito ay sina Rams David at Leo Dominguez ang tumulong sa karera ni Andrew bilang artista.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andrew Gan believes that talent will help him attract project: "Kung hindi okay yung performance mo, hindi ka nagde-deliver, hindi ka pa rin kukunin at the end of the day."
PHOTO/S: Rommel Gonzales
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results