Kung tatanungin si Andrew Gan, tatanggapin pa rin niya ang kanyang asawa o girlfriend kung sakaling madiskubre niyang lesbian pala ito.
Natanong ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya dahil sa kuwento ng pelikulang Upuan, kung saan gumaganap si Andrew bilang si Sean.
Sa pelikula, mag-asawa sina Sean at Cristina, na ginagampanan ni Krista Miller.
Lingid sa kaalaman ni Sean, karelasyon ni Cristina ang kanyang kapwa babae na si Nessie, na ginagampanan naman ni Nika Madrid.
"Baka maki-join pa ako," biro ni Andrew.
“Mas okay, kaysa lalaki. Baka pag lalaki, hindi ko ma-take. Pero pag babae, baka puwede pa,” sabi ng aktor sa mediacon ng Upuan nitong March 7, 2023, na ginanap sa opisina ng AQ Prime sa Roces Avenue.
GL VS BL FILM
Isang GL o Girls Love film ang Upuan ng AQ Prime, at dati ay nakagawa na si Andrew ng isang BL o Boys Love film, ang Limited Edition.
Ano ang pagkakaiba ng dalawa?
“Unang-una, ang Upuan po kasi, ang perspective po talaga nung material is nasa babae talaga. Na dalawang maganda at sexy na babae na nagmamahalan.
“Kasi nasanay tayo na kapagka sinabing lesbian, yung isa nagdadamit na panlalaki, ganun.
“Eto iba po, nasa kanila po yung perspective and support po si guy,” pagtukoy ni Andrew sa male character niya sa Upuan.
Dagdag niya, “Sa BL naman po kasi, dalawang lalaki po na nagmamahalan."
intimate scenes with krista miller
Bilang magkarelasyon ang mga karakter nila, may mainit na love scene sina Andrew at Krista sa Upuan.
Mahirap na hindi tablan ang isang lalaki sa kaseksihan ni Krista, lalo na't intimate scenes ang sinu-shoot nila.
Pero ayon kay Andrew, “Ako po kasi, once na tinablan ka, parang for me, hindi professional, parang hindi mo ni-respect yung co-actor mo.”
Paano niya naiwasang madarang kay Krista, lalo pa nga at unang beses ni Andrew na gumawa ng love scene sa isang babae sa isang proyekto?
“Nag-usap kami ni Krista, actually. Siya kasi mas ano, pagdating sa mga ganyang eksena, siya yung beterana.
“So ako parang, first time ko iyon, so nag-usap kami, ‘Okay lang ba kung ganito? Okay lang ba kung ganyan? Hanggang saan ba?’
“So siya naman, ano e, ‘Go lang! Ikaw ang bahala.’
“Parang ganun. So iba rin ang pinagkakatiwalaan ka ng co-actor mo. Talagang mas nagwu-work yung eksena.
“Saka kung ano yung binibigay mo, tinatanggap lang niya and vice-versa. Kaya mas gumaganda yung eksena.”
Hanggang saan ba ang pagpapaka-daring na ginawa ni Andrew sa Upuan? May makikita ba sa kanya? Nag-plaster ba siya sa mga supposedly ay nude scenes niya?
“Dapat siguro panoorin po niyo,” at tumawa si Andrew. “Panoorin niyo po.”
Against ba o okay lang kay Andrew na walang plaster sa isang intimate na eksena?
“Siyempre ako po, mas gusto ko po naka-plaster to protect myself and to protect rin yung co-actor ko.”
Available for streaming sa AQ Prime app, ang Upuan ay sa direksyon ni Greg Colasito.
