PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ken Chan "nakalaya" sa pelikulang Papa Mascot

Yung mga hindi niya magawa sa TV, nagawa niya.
by Rommel Gonzales
Published Apr 27, 2023
Ken Chan as Papa Mascot
Bilang co-producer, masaya si Ken Chan na nagawa niya sa Papa Mascot ang mga hindi pa niya nagagawa sa telebisyon.
PHOTO/S: @akosikenchan on Instagram

Producer na si Ken Chan!

Sa unang pagkakataon ay pinasok ni Ken ang pagiging producer sa pelikulang Papa Mascot, kung saan siya rin ang bidang artista.

Katuwang ni Ken sa nabanggit na proyekto ang Wide International Films nina April Martin at Pauline Mae Publico, at sabi nga niya, And I’m just so proud to say na pinasok po namin ang venture na ito.

"This is our first project, at proud na proud po akong sabihin na I’m part of this project not only as an actor and also as a co-producer.

“And as co-producer, may mga pagkakataon po na nakakapagbigay po kami… yung mga creative juices po namin, pinagsasama-sama po namin kung anuman yung mga materyal na gusto naming gawin, also with Direk Louie Ignacio.

“Kung ano ba yung mga kuwento pa na gusto naming ipakita sa mga viewers, ano pa yung mga kuwento na hindi pa naikukuwento, marami

“Marami kaming gustong mga plano, romantic comedies, horror, action, more dramas, about family, about love.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Abangan niyo po yun, iyon ang dapat niyong abangan.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ken noong Abril 17, Lunes, sa premiere screening ng Papa Masco sa SM Megamall, sa Mandaluyong City.

At sa pelikulang Papa Mascot, na line produced ni Dennis Evangelista, masasabing “nakalaya” na raw si Ken bilang isang aktor.

Bulalas niya, “Bilang isang aktor po masasabi ko po na, ‘Yes!’"

Paliwanag ni Ken, “Nagawa ko po ang gusto kong gawin na hindi ko magawa sa TV, sa mga teleserye, at masaya po ako…

"May mga kaibigan po akong mga aktor na gumagawa ng mga ganitong pelikula po at nakikinig po ako sa kanila.

"Lagi ko pong naririnig ang mga kuwentuhan nila, ‘Ah, ang sarap sa pakiramdam! Grabe, ganito pala yung pakiramdam!’

“Ang sarap na magawa mo ang lahat ng gusto mong sabihin, lahat ng gusto mong ikilos, at ipakita sa pelikula dahil walang limitasyon.”

Walang humpay kung magmura at wala halos tigil sa pagsisigarilyo si Ken sa pelikulang Papa Mascot, mga bagay o eksena na hindi niya nagawa sa teleserye sa telebisyon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pagpapatuloy pa ni Ken, “Pero naiintindihan ko naman po iyon, ganun po talaga ang sistema ng pelikula at ng TV series, may mga kailangan po tayong sundin.

“Pero ako po, masasabi ko na nagawa ko at nakalaya ako doon sa gusto ko pong gawin.

“Pero me, as an actor doing TV series, I am also blessed and thankful dahil talagang de-kalibre din naman po ang mga pino-produce ng GMA Network.

"And I’m just so blessed na nagagawa ko po iyon, in both worlds.”

Ngayong April 26 mapapanood sa mga sinehan ang Papa Mascot kung saan tampok ring mga artista sina Gabby Eigenmann, Miles Ocampo, Erin Rose Espiritu, Sue Prado, Tabs Sumulong, Yian Gabriel, Jordaine Suan, Joe Gruta, JC Parker, at Liza Diño.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bilang co-producer, masaya si Ken Chan na nagawa niya sa Papa Mascot ang mga hindi pa niya nagagawa sa telebisyon.
PHOTO/S: @akosikenchan on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results