GORGY RULA
Tila hindi matutuloy ang pagdidirek ni Louie Ignacio sa rebranded na Eat Bulaga!.
Read: Alden Richards, babalik na sa Eat Bulaga!; Louie Ignacio, bagong direktor ng noontime show
Nang tinanong ng PEP Troika si Direk Louie tungkol dito ay tumanggi siyang sagutin ang tungkol sa isyu ng naturang noontime show dahil wala pa naman daw silang na-finalize.
Nakatsikahan ng PEP Troika si Direk Louie sa pocket presscon ni Ken Chan ng pelikulang Papa Mascot na idinirek niya.
Hindi niya diretsahang masagot ang tanong namin kung matutuloy ba ang pagdidirek niya sa Eat Bulaga!.
Base sa mga sagot ni Direk Louie, parang ayaw niyang gawin dahil sa dami rin naman ng mga ginagawa niya.
Tumutulong si Direk sa promo ng Papa Mascot ng Wide International at meron pa raw siyang Paupahan na nasa Vivamax, at katatapos lang niya ng Litrato ni Ai-Ai delas Alas.
“May dalawa pa kaming pelikula na bago. Okay na okay na ako dun.
“Yung gagawin namin sa Taiwan, medyo malaking project,” nakangiting sagot ni Direk Louie sa tanong namin kung matutuloy na ba ang pagdidirek niya sa isang malaking project.
Sinundan na rin namin ng tanong ko kung ano na ang desisyon niya sa inaalok ng mga anak ni Romeo Jalosjos na magdirek ng Eat Bulaga!.
“I think okay naman sila. Wala pa namang…. malalaman mo kapag may latest na mangyayari.
“So far, happy pa naman ako sa mga ginagawa kong projects. Masaya ako rito sa Papa Mascot. Excited ako dito.
“Masaya pa naman ako kasi I have Tiktoclock my daily show. I have The Clash, saka Sarap Di Ba?.
“Hindi ko nga alam kung papano ko kakayanin. Pero kinakaya ko kasi gusto ko yung mga ginagawa ko,” makahulugan niyang sagot.
Ang latest na narinig namin, may mga nagpapayo raw kay Direk Louie na baka ma-pressure lang siya kung araw-araw siyang magdidirek ng Eat Bulaga!.
JERRY OLEA
Mas gusto pa raw ni Direk Louie na gumagawa ng pelikula dahil dito raw siya nag-e-enjoy.
“Dito kasi ang mga producers ko, ang babait, hindi sila nakikialam. Ang dami rin nilang inputs na nakakatuwa, natututo din ako from them.
“Ang gaganda ng mga kuwento sa inyo, kay Ken ganun din. So, ba’t ka papasok sa mga sakit ng ulong projects kung dito nag-e-enjoy ka, di ba?
“Kasi ang lahat na ginagawa ko, hindi sumasakit ang ulo ko. Kasi pag dumami yung projects mo, sasakit lang ang ulo mo.
“Hindi naman tayo bumabata, di ba? Kung nakaipon man ako ng konting pera, para sa future ng kaligayahan ko naman, di ba?
“Masayang-masaya ako ngayon sa lahat na mga shows na ginagawa ko at pelikula,” sabi pa ni Direk Louie.
Teka! Tuloy pa ba ang pa-presscon ng Eat Bulaga! sa Abril 15?! May rebranding pa bang bubulaga starting April 17?!
Read: Joey de Leon unfazed amid reported rebranding of Eat Bulaga!
NOEL FERRER
Sana, maayos ang mga pag-uusap and all’s well that ends well. Wala namang hindi nadadaan sa mabuting usapan.
Basta kasama tayo sa mga nasanay nang may Eat Bulaga!, nandito lang tayong sumusuporta sa kanila.
