Walang regrets si Andrea Garcia sa paghuhubad at pakikipagharutan sa mga pelikula at serye ng Vivamax.
Paano ba siya napadpad doon?
“Makapal po kasi ang mukha ko,” lahad ni Andrea sa mediacon ng pelikulang Sandwich nitong Mayo 10, 2023, Miyerkules ng gabi, sa Secret Garden ng Center Stage Productions, Barangka Drive, Mandaluyong City.
“Minessage ko si Kuya John Navarro, yung RM [road manager] ko, sa Instagram lang.
“Tapos sabi ko, ‘Hi po, gusto kong mag-Viva,’ ganyan. Hindi ko alam na yung Vivamax, sexy pala. Pati ako, nabigla. Ha! Ha! Ha! Ha!
“Nung unang punta ko sa Viva, nag-offer sila kung willing ako na mag-movie. Sabi ko, ‘Yes.’
“Nung tinanong sa akin kung willing kang magpa-sexy, sabi ko, ‘Yeah.’ ‘Are you willing to show boobs?’ ‘Boobs? Talaga?’
“Pinag-isipan ko pero pumayag din naman ako.”
Sina Kat Dovey, Luke Selby, at Nico Locco ang mga pangunahing tauhan sa Sandwich.
Maikli lang ang papel ni Andrea pero markado. Nakipag-threesome si Andrea kina Kat at Luke, na co-stars niya before sa pelikulang Alapaap.
Read: Kat Dovey at Andrea Garcia, payag makipag-threesome in real life
BAPTISM OF FIRE
Baptism of fire ng boobey ni Andrea ang seryeng Iskandalo, na idinirek ni Roman Perez Jr.
“Si Direk Roman, isa sa pinakamagaling na direktor na nakatrabaho ko. Sobrang alam niya yung restrictions, so it was a good experience,” sambit ng 22-anyos na Vivamax star.
“Dahil sa kanya, tinuluy-tuloy ko na.”
Iniyakan ba niya ang first time na pagbubuyangyang ng kanyang mayamang dibdib?
Mabilis na tugon ni Andrea, “Ay! No! Natuwa pa nga ako. ‘Ay! Ang ganda ng boobs ko diyan!’ Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”
Natural ba ang kanyang hinaharap?
“Natural, very natural.”
Iyong iba kasi, nagpapa-silicone injection.
“Actually, nasanay nga yata kasi ang mga Pilipino sa may silicone. Yung sa akin, natural. Feeling yata nila, may gravity. Ha! Ha! Ha!” paghalakhak muli ng dalaga.
In fairness, ang lola niyang si Marissa Delgado, noon pa man ay malusog ang boobs. Hindi pa uso noon ang pagpapalaki ng dibdib. Talagang gifted!
“Yes… opo.”
"WORLD TOUR"
Maliban sa Iskandalo at Alapaap, nagpakitang-gilas ang alindog ni Andrea sa mga pelikulang Pabuya at Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili, at sa mga seryeng High (School) On Sex at Secrets of A Nympho.
Isa siya sa limang bida ng seryeng Lovely Ladies Dormitory, along with Hershey de Leon, Tiffany Grey, Yen Durano, and Julia Victoria.
Scandalicious ang isang eksena niya roon kung saan nagpasasa sa kanya si Yuki Sakamoto, at may mga kasabayan silang nagkakaldagan.
“Sabi kasi ng Viva, ito yung first lead talaga. So todo-todo na raw.”
Read: Sexy stars Andrea Garcia at Julia Victoria, keber sa mga artistang di type lumabas sa Vivamax
Pagkatapos ng Lovely Ladies Dormitory ay nagpahinga muna si Andrea ng tatlo o apat na buwan.
“Nag-world tour po, charot!” pagbungisngis ni Andrea.
“No, I’ve been travelling, huminga muna ako. Nag-travel ako sa India, Thailand, Indonesia, Singapore.
“Huminga lang, nag-refresh. Pero yesterday, I was at Viva, and good news naman. We’ve agreed to a lot more films this year…
“Ready na ako for more daring roles, and bigger roles.”
Bakit siya nagpahinga? Na-burn out ba siya?
“Hindi naman po. Actually, kasi parang si Luke, pag nagpapa-sexy ka kasi, mapupunta ka sa point na ano, e,” pagtatapat ni Andrea.
“‘Gusto ko ba ito?’ Ganyan, ‘Gusto ko bang magpaseksi?’ Noong nag-isip-isip naman ako, ang sagot ay oo, todo na ‘to. Ha! Ha! Ha!”
ON GRANDMOM MARISSA DELGADO
Ano ang sabi ng kanyang Grandma Marissa sa Vivamax projects niya?
Natawa muli si Andrea, “Ha! Ha! Ha! Oh my God, may text siya sa akin sa phone ko. Sabi niya, ‘I watch all your interviews. You did really well. Ang ganda mo at ang galing mong magsalita.’
“So she’s really proud sa pinasok ko… Sobrang happy siya and proud sa pagpasok ko sa Viva.”
Alam niya na nagpapa-sexy rin noon ang kanyang grandma?
“Yes! And I’m following her footsteps!”
Si Marissa ang unang Pinay na nag-pose sa magasing Playboy, sa “Best of the Orient Girls” ng international Playboy noong Disyembre 1968.
“Sabi ko nga, kung may Playboy pa rin, baka ako na ang nag-cover.”
Ano naman ang reaksiyon ng tatay niyang si Kevin Delgado?
“Ay! Pinapalayas ako ng bansa! Ha! Ha! Ha! Promise! After nung lumabas yung Iskandalo, finile na niya yung green card ko. Pinag-a-Amerika na ako ni Tatay,” sabi ni Andrea.
Ang younger brother niyang si Jet Delgado, hanggang butt exposure lang ang kaya. Minabuti raw nitong tumigil na sa pag-aartista at mag-concentrate sa pagmomodelo.
At noong inaaway ng ex-girlfriend nitong si Ryssi Avila, si Andrea ang numero unong tagapagtanggol ni Jed.
“Ayun, kaya ako nagpahinga, charot!” pagbungisngis na naman ni Andrea.
“Hindi… I feel like sa side ko naman, sinong ate ang hindi ipagtatanggol ang kanyang kapatid? Di ba?
“Kahit galit na yung buong mundo, basta huwag lang yung pamilya.”
Nagkaayos na ba si Jed at ang ex-girlfriend nito sa kanilang isyu?
“I know that they still talk.”
LAUNCHING MOVIE
Pinangakuan si Andrea ng Viva na bibigyan na siya ng pelikula na siya ang pinakabida.
“I think next month, may planong something. Open ako sa kahit anong solo film, kahit anong genre yan, kahit anong level ng sexiness,” pagsisiwalat ni Andrea.
Anu-ano ang mga advice sa kanya ni Grandma Marissa kaugnay sa pag-aartista?
“Actually dati pang plano yung showbiz, hindi lang talaga plano ang pagpapa-sexy,” salaysay ni Andrea.
“Pero nung nagpa-sexy naman ako, ang dami niyang advice, kahit sa acting. Tinuruan niya ako kung paano yung mabuti, and pagdating sa lahat ng magdya-judge daw, deadma. Art of Deadma!
“Si Grandma ang nag-enrol sa amin sa acting workshops mula bata pa lang kami. I think na-expose ako kahit noong mga six, seven years old ako.
“Ini-enrol niya kami sa lahat, singing, dancing. Sobrang very supportive siya.”
Gusto rin ba niya iyong mga ganoong workshop, o napilitan lang siya?
“Ay! Very! It’s a passion of mine,” saad ni Andrea, na nagtapos ng senior high sa St. Scholastica’s College.
Kung hindi siya nag-artista, ano sanang career o larangan ang gusto niyang tahakin?
“I wanted to be a diplomat. Yeah, tapos up to now, parang pangarap ko pa rin. Either diplomat o lawyer ang gusto ko,” sabi ni Andrea.
“E, hindi ko alam kung seseryosohin pa ba ako bilang diplomat ngayon. Ha! Ha! Ha! Ha!”
DREAM LEADING MAN
Sino sa mga aktor ang gusto niyang makatambal?
Napangiti nang pilya si Andrea, “Ahhmm sasabihin ko sana si Marco [Gumabao], kaso baka magalit si Cristine [Reyes]! Ha! Ha! Ha! Ha!
“So at this point, hindi naman ako choosy, kahit sino na.”
May boyfriend ba siya ngayon?
“Hanapan niyo po ako. Ha! Ha! Ha! Ha!”
For sure, maraming nanliligaw o nagpaparamdam sa kanya?!
“Mahaba ang pila, nasa EDSA na. Ha! Ha! Ha! Ha! Wala naman po actually, hindi ako nag-e-entertain ngayon.
“Kasi baka doon magulo ang buhay ko.”
E, ang mga DOM (dirty old man), meron bang umaali-aligid?
“Oh my God! Ahhmm I feel hindi mawawala yun sa industriyang pinasok namin. So, oo na agad ang isasagot ko diyan.
“Pero nasaan na ba ang mga baby boy? Ha! Ha! Ha! Ha!”
Ayaw niya sa mga DOM? Maraming pera ang mga iyon!
“Ayoko po. May pera na ako, charot! Ha! Ha! Ha! Ha! So, huwag na sa DOM.”
Sana, magsama sila ni Grandma Marissa sa isang pelikula! Pareho silang may pagka-comedienne!
“Actually, parang sabi ko, ba’t ako nag-sexy? Puwede naman ako sa comedy,” mabining pahayag ni Andrea.
“Nabanggit ko nga, gusto ko, sabi ko kay boss, na sana magkasama kami ni Grandma.”
