Watch Now

Maria Laroco to resume showbiz career; happy for The Voice Kids batchmates Lyka, Darren, JK

by Rommel Gonzales
Jul 28, 2022
Maria Laroco now and when she joined THe Vouce Kids
The Voice Kids' alumna Maria Laroco is set to resume her singing career here and abroad.
PHOTO/S: Rommel Gonzales (L); Screen Grab from The Voice KIds

Matapos makilala sa The X Factor UK, sa Philippine showbiz naman susubukan ni Maria Laroco na gumawa ng pangalan.

Nakapag-concert siya sa isang venue sa Quezon City noong February 2020. Pero pagdating ng Marso, nagkaroon ng lockdown sa buong bansa dahil sa unang pananalasa ng COVID-19.

Sa mga panahong iyon, naging abala muna si Maria sa pagsusulat ng mga kanta.

Kuwento ng singer sa Zoom interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong July 11, 2022, “During the pandemic po, I was writing songs. Kasi po I also write songs po for commercials, mga corporate po na mga campaign."

Nagsulat din daw siya ng mga campaign jingles ng presidential candidates na sina President Ferdinand Marcos Jr. at former Manila Mayor Isko Moreno.

At ngayong back-to-work mode na ang entertainment industry, sabi ni Maria, “I’m happy naman din po to try my luck again sa showbiz. Excited po ako.”

WORKING WITH MANAGER RAMS DAVID

Nitong Hunyo ay pumirma si Maria ng kontrata kay Rams David ng Artist Circle Talent Management Services.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

First time nilang nagkakilala noong 2019.

Kuwento ni Maria, “The first time that I met him, matagal din po yata before that, pero nag-guest pa po ako sa Sunday Pinasaya.”

Sabi ni Rams, na kasama ni Maria sa panayam ng PEP.ph via Zoom, nakatanggap siya ng phone call mula sa ama ni Maria.

"Yung dad niya talaga ang kausap ko. Because yung dad niya yung talagang masigasig sa career niya, na very good kasi family niya yung tumutulong sa kanya.

“So nakita ko may talent naman siya. Nakita ko nga na she was well-received in U.K., so sabi ko, let’s try sa Sunday Pinasaya."

Hindi lang talaga pinalad noong panahong iyon dahil sa pandemya.

Dagdag ni Rams, “Kaya lang talagang ang hirap ng time na yun kasi that was the last year of Sunday Pinasaya, e, so we were cut on air.

“And then yung mga planong gagawin niya the following year, which is 2020, nag-start naman yung pandemic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So lahat tayo naapektuhan. So lahat ng plans, including her plans, naapektuhan.”

Ngayong nakaka-recover na ang bansa mula sa COVID-19 pandemic, excited si Maria na ituloy ang mga planong naudlot, tulad ng mga mall shows at tours.

Bulalas ng singer, “I am super excited na yung lockdown po has been lifted already, so free na po halos lahat ng entertainment industry po, na kahit saan na po kasi, puwede na po, e.

“May mga concerts na, wala na pong masyadong social distancing. So excited po ako talaga to try again this year po."

Kasama sa mga plano ni Maria ang makapag-show sa ibang bansa.

Dagdag niya, "This time na kung wala na talaga COVID ay makalipad ulit sa ibang bansa para po, I dunno, maybe compete or have a tour, maganda din naman po, lalo na sa ibang bansa.”

May mga plano rin siyang mag-release ng bagong kanta.

“Opo ngayon po, I am working with songs po na hopefully we could release po, siyempre under my new management Artist Circle,.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hopefully soon po, by the end of the year po or before the year ends.”

maria on joining talent competitions again

Lumaban si Maria sa The X Factor UK Season 15 noong 2018. Umabot siya sa Top 6 sa Girls Category ng British reality TV music competition.

Ayon kay Maria, may possible project sana siya kay Simon Cowell, pero naudlot din dahil sa pandemya.

Kuwento niya, “Sa totoo lang po si Simon Cowell before, we had a phone call, di ba? It was aired po, e, pero hindi po siya sinama dun sa final cut po na ipinalabas. So meron pong part doon na sinabi niya sa akin na he wants me to join again sa The X Factor.

“'Tapos yung next po sa teaser nila, parang The X Factor na band po, girl band. And then nagkaroon din po sila ng next season na parang celebrity po.

“'Tapos po yung next po nun, nagka-COVID po so parang kinansel po nila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sasali pa ba siya sa mga talent competitions?

Sagot ng singer, "I’m gonna try my luck po sa U.S. po or sa Britain’s Got Talent, which is o-audition-an ko po dapat before pero nag-expire na po yung visa ko.”

At natawa si Maria.

Paano kapag nakapasa siya sa mga balak niyang salihan overseas? Paano ang career niya dito sa Pilipinas na nagsisimula muli?

“Siyempre it’s really important din po to have a career in the Philippines kasi unang-una po, dito din po talaga ako nag-start.”

Nag-umpisa ang career ni Maria nang mapasama siya sa team ni Lea Salonga sa The Voice Kids Philippines noong 2014.

Ka-batch ni Maria sina Darren Espanto, Juan Karlos Labajo, at ang season winner na si Lyca Gairanod.

Aniya, “Dun po talaga ako nag-start po dito sa showbiz industry dito sa Philippines. So it’s still important po and a big thing for me to be known here in the Philippines po.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ang nararamdaman niya kapag nakikita niya sina Lyca, Darren, at JK na visible pa rin sa TV?

“Siyempre, I am very happy po for everyone’s success, at siyempre magkakaiba naman po talaga kami ng journey. So I am happy po sa kung nasaan na din po sila ngayon.

"At siyempre, I am also hoping po that for myself, na sana ay makarating din po ako sa limelight na yun, and finally makuha ko na rin po yung break ko na inaantay ko.”

Birong-totoo namin kay Maria, iba ang level niya sa tatlo dahil nakasali si Maria sa The X Factor UK at hinangaan ni Simon Cowell, na isang icon sa music industry.

Ngiti lamang ang isinagot ng dalaga.

MARIA TO GUEST IN RACHEL ALEJANDRO'S CONCERT

Sa July 30 ay special guest si Maria sa Rachel Alejandro Live In Concert sa Winford Manila Resort & Casino Ballroom. Ang venue ay nasa likod ng SM San Lazaro, sa Consuelo St., Sta. Cruz, Manila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod kay Maria ay guest din ni Rachel si Lance "The Crooner" Carlos.

Homecoming concert ba ito ni Rachel?

Sabi ni Maria, “Actually po yung first po yata nilang concert ito sa Manila, parang ganun po.

"May tinapos lang po yata siyang mga shows po sa U.S. dahil nagtu-tour nga po siya. And then this one po, ito po yung concert niya dito sa Philippines."

Kuwento ni Maria, dapat ay noong 2020 pa ang concert na ito ni Rachel, pero na-cancel ito dahil sa pandemic.

Dagdag niya, “I was supposed fly also to the U.S. 'tsaka sa U.K. po for a tour, pero lahat po kasi yun na-cancel po dahil sa pandemic.

“So ngayon po, tinuloy po ulit yung concert po with Ms. Rachel this July 30 na po.”

Ang concert ay sa direksiyon ni Vergel Sto. Domingo at produced ng VCSD Productions.

Ang concert ticket prices ay PHP1,500 (VIP), PHP1,000 (Gold), at PHP700 (Silver).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para sa ticket inquiry at reservation, maaaring tumawag sa 0927-2978027 or 0917-6250328.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Voice Kids' alumna Maria Laroco is set to resume her singing career here and abroad.
PHOTO/S: Rommel Gonzales (L); Screen Grab from The Voice KIds
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results