Former PBB housemate Nina Jose explains why she cannot make showbiz comeback

Former PBB Teen Edition 1 housemate Nina Jose is open to becoming a producer in the future. She is now married to Bayambang, Pangasinan mayor Cezar Quiambao.


Inamin ng former Pinoy Big Brother Teen Edition 1 housemate Nina Jose na nami-miss niya ang showbusiness.

Ito ay dahil pinili niya na manatili sa tabi ng kanyang mister na at mayor ng Bayambang, Pangasinan na si Cezar Quiambao at ng kanilang three-year-old son na si Antonio.

"Sometimes po nami-miss ko ang showbiz. Pero I’m very contented with my life right now, at ayaw pa po ng asawa ko na mag-showbiz ako ulit,” pag-amin ni Nina.

Nakausap namin si Nina kasama ang ilang entertainment writers and bloggers sa Bayambang, Pangasinan kamakailan.

Pagpapatuloy ni Nina, “Pero, pagpo-produce behind-the-scenes gusto ko po. Maybe one day, yun ang tahakin ko.”

Kung matuloy na makapag-produce siya ng pelikula, anong genre ang gusto niya?

“Magandang project na may values at kakaiba. I will grab it.

“Actually, I've been searching for a storyline, para din maaliw-aliw ako.”

Sa Bayambang ba ang location ng shooting na ipo-produce niyang pelikula kung sakali?

“Kung puwede,” sagot niya.

“But not necessarily. I'm open to everywhere, pero kung dito sa Bayambang, why not?”

Is it true na ipinasyal niya si Kim Chiu sa Bayambang?

“Ah, oo,” pagre-recall ni Nina.

“That was Christmas time, two years ago.

“Every Christmas kasi we have the Paskuhan sa Plaza.

“We'll, we were just having dinner, [kasama ko] sina Kim and my other PBB housemates sa batch ko. They haven't been there.

“It was the first time that we got together after ten years. Kaya sabi ko, 'Tara, punta tayo sa town ko.'

“They all drove here. They had early 3 a.m. breakfast here. They enjoyed naman. Masaya lang kami, simple lang.”

Tatlong beses ikinasal si Nina kay Mayor Cezar.

“First, in L.A. [Los Angeles, USA]. Second, sa huwes. And third, in our wedding with the whole family talaga in St. Vincent's Parish.

“That's why sobrang na-ga-guide niya yung husband ko buong life.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(Read: Former PBB Teen housemate Niña Jose now married to a billionaire politician from Pangasinan)

(Read: Former PBB housemate Niña Jose weds billionaire Pangasinan mayor for the second time)


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN