Korina Sanchez on being a new Kapatid: “I’m very happy, I’m honored.”

by Arniel C. Serato
Oct 7, 2020
Korina Sanchez looks forward to working with other TV5 news personalities: "So many, everybody in the News, in the industry, is my friend, everyone.”
PHOTO/S: Courtesy: News5 on Facebook

Isa nang certified Kapatid ang veteran broadcaster na si Korina Sanchez.

Pumirma siya ng kontrata ngayong araw, October 7, sa Brightlight Productions ni former Negros Occidental Congressman Albee Benitez, na magpo-produce ng kanyang show na ipalalabas sa TV5.

Sa kanyang unang panayam bilang kabahagi ng TV5 network, sinabi ni Korina na “happy day” ang araw na ito.

Inilabas ang nasabing panayam sa Facebook page ng News5.

Continue reading below ↓

Sabi ng batikang brodkaster, “I’m very happy, I’m honored.

“Alam mo na, siyempre, pero those are the usual words. But of course, I mean it and it’s a happy day today.”

Masaya rin daw si Korina malapit na siya muling mapanood sa free TV.

Ilang buwan kasing sa social media lamang napanood ang Rated K, ang kanyang weekly magazine show sa ABS-CBN.

Nagpaalam sa ere ang kanyang programa, na tumagal sa ere ng halos 16 taon, matapos magsara ang ABS-CBN.

Rated Korina na ang magiging pamagat nito sa TV5 ngayong Oktubre.

Saad ng 56-year-old broadcaster, “Well, you know, it hasn’t really been that long so that’s why I feel very, very blessed that I didn’t have to wait for so long for me to come out again on free TV.

“As people know, I’ve been producing in Facebook, digitally, pero iba pa rin siyempre if you’re on free TV.”

Dagdag niya, “I know many friends who are in TV5, which is like having family again.

Continue reading below ↓

“Familiar faces, people I worked with all these years in journalism and in broadcasting.

“So, parang tuloy lang ang ligaya.”

WHAT TO LOOK FORWARD TO?

Ano ba ang aabangan sa kanya bilang bagong Kapatid?

Sabi ni Korina, “Well, maraming nangulila dahil nawalan ng tahanan ang Rated K from before.

“So, it’s practically... it’s the same thing, probably even better because I’m a lot more active now.

“There’s no politics in my life now so I can concentrate, like, going all over the country again.”

Nakatakdang lumipad papuntang Cebu si Korina para sa isang napakagandang istorya raw para sa pilot episode ng Rated Korina.

Sinu-sino ang mga gusto niyang makatrabaho sa mga TV5 news personalities?

Nakangiting sagot ni Korina, “Oh, so many, everybody in the News, in the industry, is my friend, everyone.”

Naging bahagi ng Kapamilya network si Korina sa loob ng halos tatlong dekada.

Ilan sa mga naging programa ni Korina sa ABS-CBN ay ang Hoy Gising! (1992-1997), Balitang K (1996-2001), Bandila (2006-2009), The World Tonight (weekend, 1987-1995), TV Patrol (1995-1996, 2001-2004, 2010-2015), Morning Girls with Kris and Korina (2003-2004, at Rated K (2004-2020).

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Korina Sanchez looks forward to working with other TV5 news personalities: "So many, everybody in the News, in the industry, is my friend, everyone.”
PHOTO/S: Courtesy: News5 on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results