Korina Sanchez confirms exit from ABS-CBN: “Nawala na ang prangkisa eh…”

by Arniel C. Serato
Aug 17, 2020
Korina Sanchez' Rated K continues to broadcast on Facebook, now renamed to Rated Korina Digital.
PHOTO/S: Courtesy: @korina on Instagram

Kinumpirma ni Korina Sanchez na lilisanin na niya ang ABS-CBN matapos ang lagpas tatlong dekadang pagtatrabaho rito.

Sa isang komento ng netizen sa kanyang Instagram post kahapon, August 16, sinagot ni Korina ang tanong kung aalis na siya ng ABS-CBN.

Tanong ng netizen, “Is that true? Iiwan monapo ang ABS-CBN?”

Diretsahang tugon ng 55-year-old veteran broadcaster, “Nawala na ang prangkisa eh…”

Continue reading below ↓

May 4, 2020 nang mapaso ang legislative franchise ng ABS-CBN.

Kinabukasan, May 5, naghain ng cease and desist order ang National Telecommunications Commission (NTC) sa ABS-CBN upang ihinto ang kanilang pagsahimpapawid.

Makalipas ng limang araw, bumalik sa digital broadcast ang network sa pamamagitan ng ABS-CBN TV Plus, gamit ang prangkisa ng AMCARA Broadcasting Network, ang sister station nila.

Ngunit, napagdisketahan ito sa hearing ng House Committee on Legislative Franchises katuwang ang Committee on Public Accountability.

Dala na rin ng pressure mula sa House, naglabas ang NTC ng alias cease and desist order upang itigil na rin ng TV Plus ang kanilang digital broadcast.

Noon ngang June 30, tuluyan nang nagpaalam sa ere ang ABS-CBN.

Ang masaklap pa rito, ibinasura din ng Kongreso ang franchise application ng broadcasting giant noong nakaraang July 10, 2020 sa botong 70-11.

Malinaw naman sa bayan ang posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa prangkisa ng ABS-CBN dahil makailang ulit itong inanunsiyo ng pangulo sa kanyang public speeches at media appearances.

Hinding-hindi raw niya papayagang magkaprangkisa pa ang network na pagmamay-ari ng mga Lopez, na tinawag niyang "oligarchy."

Continue reading below ↓

IS KORINA TRANSFERRING TO TV5?

Noong nakaraang Biyernes, August 14, may nagtanong na rin kay Korina kung TV5 ba ang napupusuan niyang lipatan.

Sagot ni Korina sa nagtanong, “Abangan ang susunod na kabanata. Salamat sa pagmamahal.”

Sa kanyang post sa Instagram kahapon, ito rin ang nilagay na hinala ng ilan. Baka raw sa TV5 ang destinasyon ng TV anchor/host/reporter.

Continue reading below ↓

Samantala, nagpapatuloy ang broadcast ng kanyang programang Rated K sa ABS-CBN, sa Facebook, kung saan binago na ang titulo nito at ginawang Rated Korina Digital.

Nagtanong ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ilang TV5 insiders, pero ayon sa mga ito, wala pang ingay sa loob tungkol sa maaring paglipat ni Korina sa Kapatid network.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Korina Sanchez' Rated K continues to broadcast on Facebook, now renamed to Rated Korina Digital.
PHOTO/S: Courtesy: @korina on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results