Rated K ni Korina Sanchez, magpapaalam na sa ere pagkatapos ng 16 taon

by Jojo Gabinete
Jul 15, 2020
Rated K ni Korina Sanchez, kabilang sa mga programa ng ABS-CBN Current Affairs department na magpapaalam na sa ere.
PHOTO/S: Screen grab from ABS-CBN

Makalipas ang labing-anim na taong pamamayagpag sa ere, magpapaalam na ang Rated K ni Korina Sanchez.

Bago pa nagkaroon ng announcement ang ABS-CBN management tungkol sa pagbabawas ng mga empleyado ngayong Miyerkoles, July 15, nauna nang isinara ang mga programa ng Current Affairs department ng ABS-CBN.

Kaya marami ang maagang nawalan ng trabaho.

Kabilang ang programa ni Korina sa mga isasara ng News and Current Affairs ng ABS-CBN.

Tiyak na mami-miss ng televiewers ang nakasanayan nilang weekly challenge ni Korina na "Handa na ba kayo?"

Nag-umpisa ang news magazine show ni Korina noong May 2004.

Matagal itong naging karibal ng Kapuso Mo, Jessica Soho ng GMA-7 na nagsimula naman noong November 2004.

Ang malungkot na kapalaran ng Rated K ang diumano’y dahilan ng cryptic Instagram post ni Korina noong July 12.

Mensahe niya: "I believe in miracles. I believe in right winning over wrong. I believe, ABS-CBN will be back."

Continue reading below ↓

Kabilang din sa magpapaalam na sa ere ang early morning show ng ABS-CBN na Umagang Kay Ganda, Matanglawin ni Kim Atienza, Mission Possible ni Julius Babao, Kuha Mo! ni Anthony Taberna, Failon Ngayon ni Ted Failon, S.O.C.O. ni Gus Abelagas, at ang mga documentary show ng Current Affairs department ng ABS-CBN.

RELATED STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rated K ni Korina Sanchez, kabilang sa mga programa ng ABS-CBN Current Affairs department na magpapaalam na sa ere.
PHOTO/S: Screen grab from ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results