Vice Ganda on It’s Showtime airing back on free TV: “Haiiiiikennatweeeeyyytttt!!!!”

by Arniel C. Serato
Oct 9, 2020
Vice Ganda on It's Showtime returning to free TV: "It’s Showtime on A2Z Channel 11 starting tomorrow. Haiiiiikennatweeeeyyytttt!!!! #BetterDays”
PHOTO/S: Courtesy: @praybeytbenjamin on Instagram / A2Z Facebook page

Excited na excited na si Vice Ganda na muling mapanaood sa free-to-air television ang It’s Showtime simula bukas, October 10.

Sa pamamagitan ng blocktime agreement ng ABS-CBN at Zoe Broadcasting Network Inc., mapapanood na sa A2Z Channel 11 ang daily noontime show ng Kapamilya network.

Sabi ni Vice sa kanyang tweet ngayong araw, October 9, "It’s Showtime on A2Z Channel 11 starting tomorrow.

"Haiiiiikennatweeeeyyytttt!!!! #BetterDays"

Ang katagang binitiwan ni Vice ay "I cannot wait" na mas maraming viewers ang makapanood ng show.

Continue reading below ↓

Sa kanyang hiwalay na Instagram post, nagbahagi rin ang 44-year-old comedian ng video plugging para sa It's Showtime.

Nakalagay sa kanyang caption, “Here comes the sun little darling..... #ItsShowtimeOnA2Z #ZoeChannel #BetterDays

Nauna nang nagpahiwatig si Vice ukol sa “better days” noong nakaraang October 2.

Sabi niya, dapat mag-abang-abang ang madlang ipol dahil may magandang balita na dadating sa mga susunod na araw.

Continue reading below ↓

"Madlang pipol" ang tawag sa mga masugid na tagapanood ng Kapamilya noontime show.

Saad pa ni Vice, “Naku, naku, naku! Abang-abang lang kayo diyan, huwag kayong ano sa akin.

“Naku, abang-abang lang kayo diyan. Ay naku, naku, naku!”

Hindi siya nagbigay ng clue noon kung ano ang magandang balitang tinutukoy niya.

Sabi lang niya, “Ayoko na lang talaga magsasalita baka mapagalitan ako, pero naku, naku, naku, abang-abang lang kayo diyan.

“Naku, naku Madlang Pipol, abang-abang and kita-kits.”

OTHER KAPAMILYA SHOWS

Bukod sa It’s Showtime, mapapanood na din simula Linggo, October 11 ang ASAP Natin 'To.

Magkakaroon din ng back-to-back marathon showing ng mga dating episodes ang mga teleseryeng FPJ's Ang Probinsyano, Ang Sa Iyo Ay Akin, at Walang Hanggang Paalam.

Simula sa Lunes, fresh episodes na ang mapapanood ng viewers mula sa mga nasabing teleserye.

Sa mga susunod na araw ay mapapanood na din sa A2Z ang public service program ni Judy Ann Santos na Paano Kita Mapasasalamatan at pati na rin iyong kay Angel Locsin na Iba 'Yan.

Continue reading below ↓

Nakatakda na ring ipalabas sa A2Z Channel ang Magandang Buhay, I Can See Your Voice, at Maalaala Mo Kaya.

Nagpaalam sa free-to-air TV ang Kapamilya network matapos mapaso ang kanilang prangkisa noong May 5, 2020.

Ibinasura din ng Kongreso ang kanilang franchise application noong July 10, 2020 kaya naman nagsara na nang tuluyan ang istasyon sa free TV.

Sa ngayon, sa online, cable, at iWantTFC muna napapanood ang ilang mga natitirang programa ng network.

HOT STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda on It's Showtime returning to free TV: "It’s Showtime on A2Z Channel 11 starting tomorrow. Haiiiiikennatweeeeyyytttt!!!! #BetterDays”
PHOTO/S: Courtesy: @praybeytbenjamin on Instagram / A2Z Facebook page
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results