Bugoy Drilon gets emotional as he returns to It’s Showtime stage after alleged silent ban

by Arniel C. Serato
Feb 10, 2021
Bugoy Drilon is finally back on ABS-CBN: "Sobrang happy po. Sa sobrang happy ko po, naiyak na ako. Na-miss ko po kayo.”
PHOTO/S: It's Showtime Facebook

Napaiyak si Bugoy Drilon nang magtanggal siya ng maskara sa "Hide and Sing" segment ng It’s Showtime ngayong Miyerkules, February 10.

Si Bugoy ang mystery celebrity singer sa segment ng Kapamilya noontime show ngayong araw.

Matagumpay na nahulaan ng Celebrity TAGOhula na sina Gillian Vicencio at Belle Mariano, co-stars sa Four Sisters and a Wedding, na si Bugoy ang mystery celebrity.

Pagbati pa ni Bugoy, “Hello Madlang Pipol, I’m so happy to be with you.”

Sigaw nina Vice Ganda, Kim Chiu, at ilan pang hosts, na-miss daw nila si Bugoy.

Sabi pa nila, “Yeah, welcome back.”

Dito na naiyak si Bugoy.

Mensahe niya, “Sobrang happy po. Sa sobrang happy ko po, naiyak na ako. Na-miss ko po kayo.”

Pag-amin pa ni Bugoy, nanginginig siya sa dressing room bago pa siya sumalang sa entablado.

“It’s nice po to be back,” sambit niya.

Sabi naman ni Vice, “Ang saya, andidito ka ulit.”

Continue reading below ↓

bugoy drilon as Celebrity Tagohula in It's Showtime

LEAKED CONVERSATION LEADING TO SILENT BAN?

Hunyo noong nakaraang taon, ibinunyag ni Daryl Ong na “banned” na umano siya sa ABS-CBN matapos mag-leak ang isang audio conversation nila ni Bugoy tungkol sa nakabinbing renewal noon ng ABS-CBN franchise.

Nangyari raw ito sa airport habang naghihintay sila ng kanilang flight patungong Iloilo kung saan may show ang grupo nilang BuDaKhel.

Continue reading below ↓

Ang BuDaKhel ay ang singing group nina Daryl, Bugoy, at Michael "Khel" Pangilinan.

Huling dumating si Daryl sa airport, at nadatnan daw niyang nag-uusap sina Bugoy at Michael tungkol sa investment sa stocks.

Kasama raw sa umpukan sa isang table ang "isang babeng dating nagwo-work sa ABS" at isang lalaki na hindi raw kilala ni Daryl.

Kuwento ni Daryl noon, "Yung babae na dating nagwo-work sa ABS, nag-butt in siya.

"Na-bring up niya yung current situation ng ABS that time regarding the franchise issue.

"So sabi niya, medyo pa-saracastic yung biro niya, 'Bakit di ka mag-invest sa ABS? Ayan o, bagsak yung presyo nila sa stocks dahil meron silang kinakaharap na krisis.'

"Dun nagsimula yung topic about franchise issue."

Sa pagkakataong ito daw ay nabanggit ni Bugoy ang tungkol sa online petition sa change.org, na layong makalikom ng "one million signatures for ABS-CBN franchise renewal."

Umabot na daw sa 200,000 signatures ang nalikom nang nagpapasimuno ng signature campaign noong February 2020, mula sa ABS-CBN supporters.

Continue reading below ↓

Nakita rin daw ni Daryl ang nasabing petisyon sa Facebook.

Dagdag pa ni Daryl: "Sabi ni Bugoy na, '60,000 na lang kulang para mabuo yung one million.'

"Ako naman, nakita ko rin yun. Ang pagkakakita ko naman, 60,000 pa lang yung nagsa-sign.

"Sabi ko kay Bugs, 'Hindi 60,000 na lang. Sixty thousand pa lang. At anong petsa na?'"

Ang pagkakaintindi raw noon ni Daryl na may deadline sa paglikom ng signatures.

At tingin niya, hindi kakayanin ang one million signatures na tina-target sa petition.

Sabi pa niya, "Tapos, nagdadag ako ng comment, 'Naku, malabo na 'yan. mahirap na 'yan. Kalaban pa man din nila ang gobyerno. Si Presidente ba naman ang kalaban. So, malabo na 'yan.'"

Dun na raw natapos ang usapan nila ukol sa ABS-CBN franchise.

Hindi raw akalain ni Daryl na ni-record pala ng lalaking kasama nila sa table ang usapan nila tungkol sa online petition.

Nakarating daw ito sa top management ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Dito na lumabas na "banned" na si Daryl sa network.

May nagsasabing dawit din daw si Bugoy pero mariin niya itong itinanggi sa panayam sa kanya noong August 2020.

Saad nito, "Wala po akong sinunog na tulay."

Mula noon, sa Wowowin: Tutok to Win ng GMA na laging napapanood si Bugoy pati sina Daryl at Michael.

HOT STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bugoy Drilon is finally back on ABS-CBN: "Sobrang happy po. Sa sobrang happy ko po, naiyak na ako. Na-miss ko po kayo.”
PHOTO/S: It's Showtime Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results