Watch Now

Joaquin Domagoso on Cassy Legaspi: "Bagay kami"

by Rommel Gonzales
Apr 18, 2021
On this photo, Team CassQuin, the moniker of Cassy Legaspi and Joaquin Domagoso's fans club, says, "Kilig kami."
PHOTO/S: @teamcassquin on Instagram

Dahil sa tambalan nila sa First Yaya, willing si Joaquin Domagoso na maging "yayo" ni Cassy Legaspi.

"Para lagi ko siyang kasama. Para ako ang gagawa ng pagkain niya, gigising sa kanya. Para lagi akong nakabantay sa kanya," tawa ni Joaquin nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Zoom mediacon ng First Yaya.

Tampok sa First Yaya ang love team nina Joaquin at Cassy, na pinagsama sa unang pagkakataon. Dito ay gumaganap si Joaquin bilang si Jonas, na love interest ni Niña Acosta, na ginagampanan naman ni Cassy.

Kumusta naman ang working relationship nilang dalawa?

"Oh, it's amazing," ang bulalas ni Joaquin. "It's amazing. I love being with Cassy and I know she loves being with me, too. And glad na glad ako na napili kami together.

"Kasi, like ako, feeling ko rin bagay kami."

Masaya raw si Joaquin na kahit ang publiko, sa pagkakaalam niya, ay gusto ang tandem nila ni Cassy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa tingin ba ni Joaquin, pagkatapos ng First Yaya ay maaari na silang "pakawalan" at magbida sa sarili nilang show o teleserye?

"Hopefully po. I really want to stick with Cassy pa."

JOAQUIN DOMAGOSO ON FIRST TELESERYE

Unang teleserye rin ni Joaquin ang First Yaya, na nasa direksyon nina LA Madridejos at Rechie del Carmen.

Kumusta ang experience ni Joaquin sa naturang GMA teleserye?

Kuwento ng baguhang aktor sa PEP.ph, "Well, to be honest po, like, no hiding anything... challenging talaga!

"Kasi iyong sa role ko medyo kailangan ding mag-Tagalog ng like, straight. Straight Tagalog talaga!

"E, ako Inglesero ako.

"And aside from that happy, happy talaga. Happy sa mga kasama ko, happy na sila ang naging kasama ko sa show.

"That's given already because parang... nag-click-click talaga iyong cast natin sa show.

"And I'm very thankful sa mga directors ko, they're really accommodating to me 'coz bago akong actor sa... first time ko kasing mag-show so they're very accommodating nga po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And happy ako na kahit na nagkakamali ako, pinapagbigyan pa rin ako."

Ang First Yaya ay si Sanya Lopez (bilang si Melody Reyes) na yaya o nanny ng mga anak ng Presidente ng bansa na ginagampanan naman ni Gabby Concepcion (bilang Glenn Acosta).

Bukod kina Sanya, Gabby, Cassy at JD ay kasama rin nila sa First Yaya sina Pancho Magno (Conrad Enriquez), Pilar Pilapil (Blesilda Acosta), Gardo Versoza (Congressman Luis Prado), Glenda Garcia (Marni Tupaz), at Sandy Andolong (Edna Reyes).

Nasa First Yaya rin sina Boboy Garovillo (Florencio Reyes), Cai Cortez (Norma), Kakai Bautista (Pepita), Thia Tomalla (Val), Anjo Damiles (Jasper), Clarence Delgado (Nathan Acosta), Thou Reyes (Yessey Reyes) at sina Kiel Rodriguez, Analyn Barro, Jerick Dolormente, Princess Aguilar, Muriel Lomadilla, Nicki Morena, Allen Dizon, Frances Makil-Ignacio at Mikoy Morales.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
On this photo, Team CassQuin, the moniker of Cassy Legaspi and Joaquin Domagoso's fans club, says, "Kilig kami."
PHOTO/S: @teamcassquin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results