PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tonton Gutierrez reunites with wife Glydel Mercado in Kapuso project

Pero ang role ni Tonton, bayaw ng karakter ni Glydel.
by Rommel Gonzales
Published Aug 7, 2021
Sa "I Will Survive: The Lynlin Enriquez Dumoran Story" episode ng Magpakailanman, nagkatrabahong muli ang mag-asawang Tonton Gutierrez at Glydel Mercado.
PHOTO/S: @glydelmercado on Instagram

Nakatrabaho muli ni Tonton Gutierrez ang asawang si Glydel Mercado sa episode ng Magpakailanman na ipapalabas mamayang alas otso ng gabi, August 7, 2021.

Pero hindi sila mag-asawa sa unang bahagi ng kuwento kundi magbayaw/maghipag.

Kumusta ang kanilang mga eksena, hindi ba sila nailang o natawa?

"Well, hindi naman," at natawa si Tonton.

"Siyempre kailangang isantabi namin yung pagiging mag-asawa namin. Kapag binasa na namin yung script, kailangan isapuso na namin, isaisip na namin yung role na kailangan naming gampanan. So hindi, hindi naman kami nailang.

"Although it was really fun doing some scenes again, working with my wife Glydel, kasi matagal na panahon na kaming hindi nagkatrabaho together so we enjoyed doing MPK," personal na kuwento ni Tonton sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng telepono nitong Huwebes ng hapon, August 5.

Ang episode na pinamagatang "I Will Survive: The Lynlin Enriquez Dumoran Story" ay tungkol sa mga pagsubok na pinagdaanan ni Lynlin (Glydel), na sa simula ay asawa siya ni Waldo (Kiel Rodriguez), na kapatid naman ni Eddie (Tonton).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makakasama rin ng real-life couple sina Jeniffer Maravilla at Jeremy Sabido.

TONTON AND GLYDEL ARE FULLY VACCINATED

Malakas na ang loob ng dalawa na magtrabaho dahil pareho na silang bakunado laban sa COVID-19.

"Yes! We are fully vaccinated, kaming dalawa ni Glydel at yung panganay naming anak na si Aneeza..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ang mensahe nila sa mga taong ayaw magpabakuna?

"Alam niyo, kanya-kanyang opinyon iyan, e! Kasi maraming tao ang natatakot sa bakuna. Na baka masama ang epekto, ganyan.

"Sa akin lang naman ang iniisip ko, e, kung may masamang epekto ang bakuna, kung kunwari ang iniisip nila, e, nakakamatay, e, di sana marami nang namatay, kasama na kami," at tumawa si Tonton.

"No, but seriously, importante yung bakuna, it will save your life, your family's lives.

"Huwag nang matakot, magpabakuna na para sa ikabubuti ng sarili mo at ng lahat."

Pabor ba si Tonton na ituloy ang lock in taping kahit matapos na ang pandemya?

"It all really depends on the production, 'no? Kami naman very flexible. Kung kailangan talagang ituloy yung ganun na may lock in, payag naman din kami."

Sa katunayan, late 2020 ay halos isang buwang hindi nagkita ang mag-asawa dahil nasa lock-in taping si Glydel for Bagong Umaga at nasa Walang Hanggang Paalam naman si Tonton. Parehong under ABS-CBN ang dalawang series.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero okay rin daw kung halimbawang puwede nang mag-uwian ulit.

"Kung hindi rin naman, kung wala na, back to yung dating gawi na after taping uwian okay lang din naman kami. So we're very flexible, walang problema."

Sa kabila ng health risk ng pagtatrabaho ngayong pandemya, hindi hihindian ni Tonton ang oportunidad na magkaroon ng income.

Aniya, "Alam mo, mahirap man itong sitwasyon natin ngayon na pandemya, but kailangan nating magtrabaho, everybody has to work.

"It's a sacrifice, it's a risk that you have to take, but ayaw man natin pero kailangan nating magtrabaho para kumita para sa pamilya, para sa kabuhayan, di ba?

"Iyon, iyon ang nagkumbinse sa amin para tanggapin itong proyektong ito sa kabila ng pandemya."

Ano ang una nilang gagawin kapag tapos na ang pandemya at puwede nang lumabas?

"I guess fly out of the country. Iyon ang unang-una probably naming gustong gawin. To go out of the country para mapasyal naman yung mga bata since sila yung halos hindi nakakalabas, sila yung more on stay at home.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kami naman since nagtatrabaho, nakakalabas-labas naman kami, so mas nakakaawa yung mga bata dahil hindi sila nakakalabas because of the restrictions.

"So out of the country is our top priority."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa "I Will Survive: The Lynlin Enriquez Dumoran Story" episode ng Magpakailanman, nagkatrabahong muli ang mag-asawang Tonton Gutierrez at Glydel Mercado.
PHOTO/S: @glydelmercado on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results