Walang bahid ng panghuhusga ang pananaw ni Dimples Romana pagdating sa mga artistang lumilipat sa ibang networks.
Kung ang desisyon kasi ay para sa kabutihan at kinabukasan ng artista at ng kanyang pamilya, naiintindihan raw niya niya ito.
Sa phone interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong July 28, 2021, aniya, "Para sa akin, if the opportunity and the growth for you will be there, and, you know, you’ll be able to provide for your family, why not?
"Marami na din tayong mga personal na pinagdadaanan at hindi naman lahat ay malalaman natin, kaya tayo lang mismo ang makakapagdesisyon para sa ating mga pamilya at ang kinabukasan nila."
Isa sa pinakamaingay na network transfer ay ang pagpirma ng kaibigan niyang si Bea Alonzo sa GMA-7 noong July 1.
Magkasama ang dalawa sa grupo nilang Thursday Barkada, na nabuo noong ginawa nila ang pelikulang One More Chance noong 2007. Kagrupo rin nila sina Bea Saw at Janus del Prado.
Natatawa na lang daw si Dimples sa mga netizens na nagko-comment ng, "Wow, friends pa rin kayo," noong nag-post siya ng photos from the barkada's pottery session.
"Ang weird talaga, sabi ko, 'Bakit ganoon? Hindi ko nga alam kung bakit ganoon. Basta para sa akin po at ang aking pamilya, we will never lose respect and love for anyone who chooses to do what they feel is right for their families."
At pinili niyang maging masaya para sa desisyon ni Bea at ng iba pang dating Kapamilya na lumpita na sa ibang network.
Aniya, “... I also know na yung mga kaibigan ko at Kapamilya namin at mga Kapatid ko na nasa ibang networks and station ngayon, I know na ang isa sa mga goals nila ay dalhin ang pagiging Kapamilya nila and make other Kapamilyas proud.
“At the end of the day, ang tagumpay po ng isang Kapamilya ay tagumpay ng lahat. Kaya nga po ako, marami akong mga kakilala na kung hindi man sila nabiyayaan ng panahon at parehong oportunidad, gaya ng iba nilang pamilya ay sadya pong ipinagmamalaki nila kapag ang ibang family members nila ay nagsa-succeed."
Hindi porke't umalis ng Kapamilya network ang isang artista ay matatapos na ang samahan o pagkakaibigan.
Sa pagpapatuloy ng 36-year-old star, “Kagaya po ng pagyakap namin at pagtanggap sa mga Kapuso or Kapatid coming in to the Kapamilya network. I have faith that my Kapamilyas who are also going to the Kapuso or the Kapatid networks are also embraced the same way, di po ba?
"Bago pa po ang pandemya at shutdown, may mga Kapamilya na po kaming lumipat sa ibang networks and also the same din po na may mga Kapuso at Kapatid din pong lumipat sa amin naman sa Kapamilya network.
"Pero hindi naman po titigil ang aming magandang samahan at pagkakaibigan nang dahil sa paglipat na yun.
"I have thankfully remained very good friends with many of our co-actors, staff, crew and directors who used to be with us naman po in ABS. I have the same respect and love for them.
"And I can’t help but be proud of their achievements as well."
