Sa 2022, baka matuloy na ang paglipad ni Callie, ang panganay na anak nina Dimples Romana at Boyet Ahmee, sa Gold Coast, Australia.
Bago nagkapandemya, planado nang doon siya magkokolehiyo, at kukuha ng kurso sa pagkapiloto.
At dahil first time na mapapalayo ang dalaga sa pamilya, at mamumuhay nang independent sa ibang bansa, panay ang bilin ni Dimples sa unica hija.
TEACHING GOOD HYGIENE HABITS TO KIDS
Kahit nga ang pagtu-toothbrush ay sinisuguro ng aktres na hindi makaligtaan ito ni Callie, maging ang anak na si Alonzo. Hindi raw sila dapat magka-ideya na puwedeng hindi gawin ito.
"We make sure that we don’t treat them as kid. When we give ng mga facts na alam nila, like personal hygiene, ito ay mga bagay na hindi ipinapakiusap.
“Kumbaga, sa mga anak ko, napakasimple ng pagtu-toothbrush, di ba minsan yung iba, papakiusapan mo pa na mag-toothbrush ka?
"But when you think about it, when we teach our children this way, it will give them a notion na option yun. Na puwedeng hindi na lang gawin. Na puwedeng hindi ka mag-toothbrush kasi pinapakiusapan lang ako.
"So ang dating sa bata, puwedeng hindi.”
Kapag personal hygiene ng mga anak, hindi siya dapat pakiusap but more of “it’s a fact” na kailangan nilang gawin.
Sa kanyang panganay na mag-i-18 years old this 2021, more on health, rather than beauty, ang mga ginagamit niyang rason.
"With Callie, it’s not about looking good, it’s more about internal," ang sabi ng Kapamilya star.
"Halimbawa sa toothbrush, hindi ka nag-toothbrush, you can have problem with your stomach."
Pati feminine hygiene ay hindi kinakalimutan ni Dimples.
Ang eksplika niya kay Callie, “If you don’t properly wash, you don’t always look out and have check-up, and you don’t use a correct balanced for feminine wash, you can have different kind of illnesses, bacteria.
“Kasi, ano iyan, e, lumalabas ang toxins natin. And we tell them that there is a science with our personal hygiene at hindi lang ito dahil nakasanayan ng mga taong gawin yun,” lahad niya.
TAKING ADVANTAGE OF THE PANDEMIC TO TEACH HER KIDS
Sinasamantala ni Dimples ang panahong ito na magkasama sila parati ni Callie sa bahay ipara ma-train ito at maituro ang mga dapat niyang ituro.
"...there’s a pandemic, we’re always home, ito ang pinaka-perfect opportunity na turuan natin ang mga anak natin.
"Kumbaga ngayon, halos lahat ng mga magulang, hands-on, di ba? Dati kasi, dahil busy sa work, hindi mo masabing hands-on ka.
"Pero ngayon na we work from home, we can say na we’re a hands-on parents and yun, si Callie, dahil siguro aalis siya, sinasabi ko na, ‘Ate, you have to get yourself a system.'”
Pero ayaw maging makulit at paulit-ulit ni Dimples.
Aniya, “Kapag pinagsasabihan ko si Callie, 'You know, Callie, don’t let me speak to you this way na papaalalahanan pa kita, kasi nakakahiya sa iyo, 17 ka na.'
"Gusto ko, kapag ganitong edad, kahit papaano, lahat ng mga nakita mo na over time ay ma-absorb mo na.
"But you know in fairness to Callie, hindi siya yung tipo ng batang uulit-ulitin mo yung lesson sa kanya. [Isang beses] lang talaga siya, at saka ayaw rin niya ng nakikinig nang paulit-ulit.”
Silang mag-ina ang napiling celebrity endorsers ng feminine wash na pH Care, at nagsimula ang partnership nila with the brand ngayong pandemic.
Naging daan raw ito para ma-discuss niya sa anak ang mga awkward topics. And she encourages fellow moms to do the same.
“I think, itong sa pH Care, it really paved way for Callie and I to talk about things that are really necessary, that we don’t really talk about.
"Minsan nagkakahiyaan na pag-usapan, pero ang totoo, dapat pag-usapan, lalo siya, aalis siya."
May website na inilunsad ang pH Care kung saan ang mga topics gaya ng feminine health ay inilatag in a fun way. Check out phcaretolearn.com.ph
GIVING CALLIE HER WINGS
Between Dimples and Boyet, mas nasa mindset na ng aktres na si Callie ay nasa bagong chapter na ng kanyang buhay
"And tayo, alam naman natin na ang roots ng mga anak natin ay nasa tahanan natin.
"But we also need to give them wings, you know.
"When they leave the house, there’s no guarantee naman they will still want to come back.
"Ako, pinagdarasal ko na lang na after niyang mag-college, whatever she decides on. I think, mas si Boyet pa ang hindi open,” natawa niyang sabi.
Si Callie ba ay handa nang maging independent?
"Sobrang clingy" pa raw niya, pero alam ni Dimples na madali siyang makaka-adjust.
Aniya, "Siyempre, tatlong taon din yun. Mag-iiba at mag-iiba ang pananaw niya.”
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dimples through a phone interview noong July 28, 2021.
