Piolo Pascual returns to ABS-CBN after short TV5 stint

by James Patrick Anarcon
Sep 16, 2021
Piolo Pascual is back in ABS-CBN! He is set to do two separate projects: a teleserye with Lovi Poe and a romantic-comedy series with Angelica Panganiban.
PHOTO/S: ABS-CBN

Balik-Kapamilya si Piolo Pascual.

Pagkatapos ng contract signing ng bagong Kapamilyang si Lovi Poe, si Piolo naman ang sumunod na pumirma ng kontrata sa ABS-CBN ngayong Huwebes, September 16.

Present sa contract signing ni Piolo sina ABS-CBN president and CEO Carlo Katigbak, COO of broadcast Cory Vidanes, group CFO Rick Tan, Dreamscape Entertainment head Deo Endrinal, at talent manager ni Piolo na si Lulu Romero.

Piolo Pascual

Continue reading below ↓

Sabi sa post ng ABS-CBN: "Piolo Pascual remains a Kapamilya."

Nakalagay sa caption nito, "The ultimate heartthrob once said he never left and 'see you soon.' Like a true gentleman who honors his word, Piolo Pascual today signed up anew with ABS-CBN, his home network for many years."

Continue reading below ↓

Nakatakdang gumawa ng teleserye si Piolo kasama si Lovi, at isa pang romantic-comedy series katambal si Angelica Panganiban.

Noong October 2020, naging bahagi si Piolo ng TV5 program na Sunday Noontime Live, na idinirek ng dating Star Magic head at ASAP Natin 'To director na si Johnny Manahan.

Nagtapos ang programa noong January 2021.

Noong July 2021, muling nakita si Piolo sa ABS-CBN sa isang AVP ng ASAP Natin 'To, kung saan sinabi niyang siya ay "Kapamilya Forever" at nag-"see you soon" sa mga viewers ng ABS-CBN.

Pagkatapos nito ay nai-post na nakipag-Zoom meeting si Piolo sa executives ng ABS-CBN.

Nabanggit din niya sa isang interview sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News na siya ay babalik sa ABS-CBN.

Sabi pa niya, "At the end of the day, I never left."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Piolo Pascual is back in ABS-CBN! He is set to do two separate projects: a teleserye with Lovi Poe and a romantic-comedy series with Angelica Panganiban.
PHOTO/S: ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results