Jane de Leon suffers wardrobe malfunction at ABS-CBN Christmas special; Joshua Garcia to the rescue

by Bernie V. Franco
Dec 19, 2021
jane de leon joshu garcia
The strap of actress Jane de Leon's dress snapped while performing the closing production number of ABS-CBN's Christmas special this Saturday, December 18, 2021.
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment)

Maraming viewers ang kinilig nang yakapin ni Jane de Leon si Joshua Garcia sa grand finale ng ABS-CBN Christmas special na napanood nitong Sabado ng gabi, December 18, 2021.

Ang hindi alam ng mga manonood, nakaranas pala ng wardrobe malfunction si Jane.

Para sa closing number ng live telecast ng Kapamilya Christmas special, nagtipon-tipon ang naglalakihang ABS-CBN stars.

Kinanta nila ang theme song ng kanilang Christmas station ID na "Andito Tayo Para sa Isa’t Isa."

Kabilang sa mga kumanta sina Jane at Joshua, na magkatambal sa upcoming teleseryeng Darna.

jande de leon joshua garcia

Continue reading below ↓

Sa simula, mapapanood ang dalawa na magkatabi at masayang sumasabay sa kanta.

Maya-maya, nang ipakita na ang end credit, nasa likod na ni Joshua si Jane, habang ang kanang braso ng aktres ay nakaakbay sa may leegan ng kapareha.

Nag-tweet ang netizens ng screenshot ng yakapan ng dalawa, at sinabing kinilig sila.

Pero ibinunyag ni Jane ang tunay na nangyari sa isang tweet.

Tweet niya: “Thank you @iamjoshuagarcia for helping me cover my wardrobe malfunction!”

Napigtas pala ang kanang strap ng green cocktail dress na suot ni Jane.

Ni-like naman ni Joshua ang tweet ng kanyang co-star.

jane de leon tweet

Continue reading below ↓

JANE’S WARDROBE MALFUNCTION

Sa simula ng closing production number, magkatabi sina Jane at Joshua at nakikisabay sa kanta.

Si Sharon Cuneta ang nagbigay ng closing spiel, at saka itinuloy ng Kapamilya stars ang pagkanta.

Habang masaya ang lahat sa pagkanta, makikitang natigilan sina Joshua at Jane, at hinawakan ng aktres ang strap ng kanyang damit.

Tila masinsinan din ang kanilang pag-uusap ni Joshua.

jane de leon wardrobe malfunction

Continue reading below ↓

Patuloy ang pagrolyo ng camera.

Nang i-focus muli ang kamera sa dalawa, makikita si Jane na nasa likod na ni Joshua, habang ang braso ng aktres ay nakalingkis sa may balikat ng aktor.

Makikita rin ang hinlalaki ni Jane sa kanyang dibdib, indikasyong habang patuloy sila sa pagkanta ay hinawakan niya ang nasirang damit para hindi tuluyang mahubaran.

jane de leon joshua garcia

Continue reading below ↓

Sa kabila nito, hindi pa rin napigilang kiligin ng supporters ng dalawa at nagbirong panindigan na nila ang kanilang pagiging sweet.

Pinuri rin nila ang pagiging gentleman ni Joshua.

Ipinahiram pa umano ni Joshua ang kanyang suot-suot na blazer kay Jane matapos ang wardrobe mishap.

Marahil nangyari ang ganitong eksena nang matapos na ang closing production number ng Christmas special.

jane de leon tweet

Continue reading below ↓

jane de leon tweet

jane de leon tweet

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The strap of actress Jane de Leon's dress snapped while performing the closing production number of ABS-CBN's Christmas special this Saturday, December 18, 2021.
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results