Ang Mano Po Legacy: The Family Fortune ang unang television series project ni Rob Gomez, pero hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na mapapanood siya sa GMA-7.
Mainstay noon si Rob sa Walang Tulugan with The Master Showman, ang Saturday late-night musical variety show ng pumanaw na star builder na si German Moreno.
Short-lived ang kanyang showbiz career dahil pinagtuunan niya ng pansin ang pag-aaral.
Pamangkin si Rob ni Gary Estrada at apo siya ng aktor na si George Estregan.
Hindi na naabutan ni Rob ang kanyang Lolo George dahil namatay ito noong August 1988 at isinilang siya noong 1998.
Ang A Guy & A Girl, ang pelikula ng director na si Erik Matti ang launching movie ni Rob, at dito napansin ang kanyang acting talent kaya isinama siya ni Regal Entertainment Inc.producer Roselle Monteverde sa cast ng television version ng Mano Po.
Sinabi ni Roselle na masuwerte si Rob dahil maganda at markado ang karakter ng 23-year-old actor sa Mano Po.
Co-stars ni Rob sa Mano Po sina David Licauco, David Chua, Nikki Co, Dustin Yu at Darwin Yun.
At nang banggitin ng writer na ito kay Roselle na may Chinese blood ang male cast ng drama series na joint venture ng Regal at ng GMA-7, sinabi niya na si Rob lang ang hindi Chinese.
Nagulat si Roselle nang malaman niyang half-Chinese si Rob dahil Chinese ang ama nito, at Gomez ang ginagamit niya na screen surname bilang tribute sa kanyang ina, si Kate Gomez, ang former actress na nakababatang kapatid ni Gary.
Ayon kay Rob, nagkataon lang at hindi sinadya na may lahing Intsik ang male cast ng Mano Po, pero culture wise, nakatulong umano ito sa project na pinagbibidahan nila.
"Masaya po ang taping! I am learning so much from everyone,” ang sabi ni Rob sa interview sa kanya ng Cabinet Files.
"The feeling is very warm when I step inside the set. I’m having a fun experience and meeting great people in the industry, from the cast to the crew. I love them all.”
Sa darating na Lunes, January 3, 2022, at 9:35 p.m., ang premiere telecast ng Mano Po Legacy: The Family Fortune, ang opening salvo para sa 2022 ng GMA-7 at ng Regal Entertainment Inc.