Rob Gomez, sinigurong may ibubuga ang A Girl and a Guy bukod sa frontal nudity at love scenes

by Jojo Gabinete
Nov 4, 2021
man in sando and woman in bikini
Rob Gomez on how he and Alexa Miro breathed life to the love story in A Girl and A Guy: "It was unique, it was raw, it’s too real. I think the viewers grasped the moral lesson of the film rather than focusing on the intimate ones."
PHOTO/S: Instagram

Unang gumawa ng ingay ang A Girl and a Guy nang ipalabas ito sa Upstream.ph noong June 24, 2021.

Pero lalong naging maingay ang launching movie nina Rob Gomez at Alexa Miro nang mag-umpisa ang streaming nito sa Netflix noong October 28, 2021.

Tungkol sa pakikipagrelasyon ng millennials ang kuwento ng erotic movie ng direktor na si Erik Matti na hindi nawawala sa Top 10 content ng Netflix Philippines.

Sa kasalukuyan, pangalawa ang A Girl and a Guy sa Top 10 content ng nabanggit na streaming site.

a girl and a guy netflix

Tuwang-tuwa at lubos ang pasasalamat ni Rob, na hindi makapaniwala sa Netflix success ng pelikula nila.

"It’s a good feeling, absolutely. To receive good comments on my performance and appreciation towards the first movie I did is nonetheless flattering.

"I am very happy for the cast and crew of our movie, seeing all of our hard work take stage on one of the biggest platforms of film today.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I’m thankful to everyone who engaged themselves for two hours of a rollercoaster ride with A Girl and a Guy," pahayag ni Rob sa panayam sa kanya ng Cabinet Files ngayong Huwebes ng hapon, November 4.

Nakatulong sa Netflix streaming ng A Girl and a Guy ang mga komento sa social media ng manonood na nabigla sa mga love scene at frontal nudity scene. Pero pinuri nila ang magagandang aral na matututunan tungkol sa pakikipagrelasyon na itinuturo ng pelikula ni Matti.

Para sa iba, ang A Girl and a Guy ang pinakamapangahas na Filipino movie ng 2021.

"Hindi pretensyoso ang A Girl and a Guy,” ang sagot ni Rob nang hingin namin ang kanyang reaksiyon tungkol sa popularidad sa Netflix ng pelikula nila ni Alexa.

"It’s one of the firsts of its kind in a long time. The film wasn’t pretentious and very well-directed by Direk Erik.

"It was unique, it was raw, it’s too real. I think the viewers grasped the moral lesson of the film rather than focusing on the intimate ones."

Masaya si Rob sa magandang feedback ng mga nakapanood na ng pelikula sa Netflix.

"Besides, Netflix is way more accessible. Bukod sa mga kilala ko, marami rin po ang ibang nakapanood na hindi ko kakilala at nakakataba ng puso ang bawat tao na nagme-mention sa akin tungkol sa aming pelikula.

"Maski sa mga social media, marami akong nabasang magagandang reactions. Everything was good to great."

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rob Gomez on how he and Alexa Miro breathed life to the love story in A Girl and A Guy: "It was unique, it was raw, it’s too real. I think the viewers grasped the moral lesson of the film rather than focusing on the intimate ones."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results