Toni Gonzaga officially steps down as Pinoy Big Brother main host

by James Patrick Anarcon
Feb 9, 2022
Toni Gonzaga PBB
Toni Gonzaga on leaving PBB: "It has been my privilege to greet you all with 'Hello Philippines' and 'Hello World' for the last 16 years."
PHOTO/S: @celestinegonzaga on Instagram

Opisyal nang nagpaalam si Toni Gonzaga sa Pinoy Big Brother pagkatapos ng pagsisilbing host nito sa loob ng 16 taon.

Nagsalita na si Toni tungkol sa pag-alis niya sa PBB sa pamamagitan ng isang maikling post sa Instagram ngayong Miyerkules ng hapon, February 9, 2022.

Sabi ni Toni, isang pribilehiyo para sa kanya ang maging host ng PBB at sabihin ang mga katagang "Hello Philippines" at "Hello World."

Ito ang madalas na opening spiel ni Toni simula nang ilunsad ang PBB noong 2005.

Nagpasalamat din siya kay Kuya at sa mga nakasama niya sa paggawa ng programa. Alam din daw niyang ipagpapatuloy ni Bianca Gonzalez at ng iba pang hosts ang legacy ng PBB.

Narito ang kabuuan ng statement ni Toni:

"It has been my greatest honor to host PBB for 16 years.

"From witnessing all my co-hosts transition from housemates to PBB hosts are just some of the best moments in my life sa bahay ni Kuya!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Today, I'm stepping down as your main host. I know Bianca and the rest of the hosts will continue the PBB legacy.

"It has been my privilege to greet you all with 'Hello Philippines' and 'Hello World' for the last 16 years.

"I will forever cherish the memories, big nights and moments in my heart.

"Thank you Kuya for everything.

"This is your angel, now signing off..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Toni Gonzaga statement

Nauna nang lumabas ngayong araw ang balitang hindi na magiging host si Toni ng ongoing season ng Pinoy Big Brother.

Sa isang post ni MJ Felipe, sinabi ng kanyang source na boluntaryong inendorso ni Toni ang pagiging main host ng programa kay Bianca.

Nang magsimulang umere sa ABS-CBN ang PBB ay si Toni na ang nagsilbing isa sa main hosts nito kasama sina Willie Revillame at Mariel Rodriguez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa sampung seasons at 16 editions ng PBB, dalawang beses lang naging absent si Toni.

Una ay sa Pinoy Big Brother: Teen Edition noong season one na umere nang taong 2006. Napagdesisyunan ni Toni na pagsamantalang magpahinga sa paghu-host ng programa subalit bumalik din siya para sa Big Night nito.

Ang sumunod ay ang season ng Pinoy Big Brother: 737 noong 2015. Naumpisahan niya ito subalit kinailangan niyang mag-leave dahil ipinagbubuntis niya noon ang unang anak nila Paul Soriano. Bumalik din siya noong Big Night.

Bukod sa pagiging host ng Pinoy Big Brother, nabigyan din si Toni ng sunud-sunod na break sa paggawa ng teleserye, pelikula, at album simula nang lumipat siya sa ABS-CBN noong 2005.

Ang balitang pag-alis ni Toni sa PBB ay nangyari isang araw pagkatapos ng pinag-usapan niyang paghu-host sa political campaign rally at pag-eendorso ng tambalang Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at Sara Duterte-Carpio.

Nangyari ito sa Philippine Arena kahapon, February 8, 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinakilala rito ni Toni si Marcos Jr. bilang "susunod na presidente" at si Duterte-Carpio bilang "susunod na bise presidente."

Bukod pa rito, si Toni rin ang nagpakilala sa tumatakbong senador na si Rodante Marcoleta.

Bilang Deputy Speaker ng House of the Representatives, kabilang si Marcoleta sa nanguna sa panggigisa sa resource persons mula sa ABS-CBN—lalo na ang pinakamatataas na opisyal nito—sa 12 araw na pagdinig sa franchise renewal application ng Kapamilya network noong 2020.

Isa rin siya sa 70 mga kongresistang bumoto ng "Yes" para tuluyang ibasura ang pag-renew sa prangkisa ng ABS-CBN.

Hindi ikinatuwa ng maraming katrabaho ni Toni sa ABS-CBN ang ginawang paghu-host nito sa rally.

Kabilang dito ang business unit head ng Pinoy Big Brother na si Raymund Dizon.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Toni Gonzaga on leaving PBB: "It has been my privilege to greet you all with 'Hello Philippines' and 'Hello World' for the last 16 years."
PHOTO/S: @celestinegonzaga on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results