Toni Gonzaga criticized by Kapamilya supporters, colleagues for hosting Marcos-Duterte rally; Toni "unbothered"?

by Rachelle Siazon
Feb 9, 2022
Toni Gonzaga, ABS-CBN
ABS-CBN star Toni Gonzaga gets called out for "lack of delicadeza" after hosting Marcos-Duterte campaign rally and endorsing one of the congressmen who voted "yes" to the junking of franchise renewal of her home network of 17 years.

"Ang sakit sa puso."

Tila tinarakan ng sibat ang puso ng ilang Kapamilya supporters at celebrities nang humarap si Toni Gonzaga sa entablado at nanguna bilang host sa political rally ng tambalang Ferdinand Marcos Jr. at Sara Duterte-Carpio.

Si Toni ay kilalang ABS-CBN star at resident host ng ongoing reality search na Pinoy Big Brother.

Home network niya ang ABS-CBN sa loob ng 17 taon, at ito ang nagbigay sa kanya ng sunud-sunod na break sa telebisyon, pelikula, at music industry.

Sa ginanap na political rally sa Philippine Arena nitong Martes, February 8, 2022, ipinakilala si Toni bilang "multi-awarded actress, singer, and TV host" at "ultimate multimedia star."

Siya ang host ng programa ng rally at todo niyang ikinampanya ang "UniTeam" nina Marcos at Duterte.

Ipinakilala niya si Marcos Jr. bilang "susunod na presidente" at si Duterte-Carpio bilang "susunod na bise presidente."

At matapos ipatugtog ang campaign theme na "Bagong Lipunan," todo-sigaw sa pag-cheer si Toni: "Tapos na, may nanalo na, tapos ang laban! Buhay na buhay ang pagmamahal kay Apo Lakay Ferdinand Marcos!"

Continue reading below ↓

Ang tinutukoy ni Toni na "Apo Lakay Ferdinand Marcos" ay ang yumaong diktador na si Ferdinand Marcos Sr., ama ni Marcos Jr.

Bunsod nito ay hindi napigilang maglabas ng saloobin ang Kapamilya supporters at ilang mga katrabaho ni Toni sa tindi ng dismaya nila sa actress-host.

Nag-trend din sa social media ang pangalang "Toni Gonzaga."

Inulan ng batikos si Toni na, ayon sa netizens, ay walang pakundangan sa pag-endorso ng mga pulitikong may kaugnayan sa pagpapasara ng ABS-CBN noong July 2020.

Read: ABS-CBN Corporation franchise renewal timeline; how much income did ABS-CBN lose in 2020?

Kabilang sa senatorial line-up ng UniTeam si Sagip party-list Representative Rodante Marcoleta, na bukas sa pagsasabi sa kanyang mga kampanya na isa siya sa nagpasara sa ABS-CBN.

Si Marcoleta ang isa sa mga gumisa sa resource persons mula sa ABS-CBN, partikular na ang top executives ng network, sa 12 araw na pagdinig ng Kongreso sa franchise renewal application ng Kapamilya network noong 2020.

Continue reading below ↓

Kabilang din siya sa 70 kongresista na bumoto para tuluyang ibasura ang franchise renewal ng dating broadcasting giant.

Naalala pa ng netizens na minsang sinabi ni Toni na hindi nito makakalimutan ang ginawa ng gobyerno sa mga trabahador ng ABS-CBN.

Sa Instagram post niya noong July 2020, sabi ni Toni (published as is): "Everyday ang sakit mag bukas ng viber dahil nagpapaalam na lahat ng mga katrabaho namin samin.

"Sa lahat ng nasa posisyon ngayon, hindi namin makakalimutan ang ginawa nyo sa mga trabahador ng ABSCBN.

"You may have the power now but it will not be forever."

Nag-alay rin ng dasal noon si Toni upang palakasin ang loob ng mga kapwa Kapamilya.

"I believe that no matter who the president is, JESUS is still KING and He is the name above ALL names.

"Lord yakapin mo po lahat ng mga kapamilya namin na nawalan, nasasaktan at nanghihina. We will continue to keep our faith in Christ that He will sustain us during these trying times.

Continue reading below ↓

"Just like the positions of the people in power today, what we are going through will not last forever. Troubles come to pass, they don’t stay.

"Jesus said, when you go through deep waters I will be with you. One day He wipe these tears away and replace it with JOY beyond compare. Babangon tayong lahat muli. #yakapkapamilya"

Read: Toni Gonzaga posts support for ABS-CBN; receives backlash for “contradicting” herself

TONI TAGGED AS "MY AMNESIA GIRL" and "teddie"

Fast forward to February 2022, sinabi ng netizens na kinain ni Toni ang kanyang mga salita.

Sa memes na kalat sa social media, binansagan si Toni na "My Amnesia Girl" na nagkataong titulo ng pelikulang pinagbidahan niya noon.

Ang bilis daw kasi niyang nakalimot.

Toni Gonzaga, My Amnesia Girl, #PHElections2022

Continue reading below ↓

Toni Gonzaga, My Amnesia Girl, #PHElections2022

Toni Gonzaga, My Amnesia Girl, #PHElections2022

Continue reading below ↓

Pati ang pangalan niyang "Teddie" sa pelikulang Four Sisters And A Wedding ay nag-trend sa Twitter.

Tandang-tanda pa kasi ng netizens ang eksena sa pelikula kunsaan nabuking si Toni na nagsinungaling siya sa pamilya at pineke lamang ang diploma ng masteral degree sa Spain dahil ayaw niyang aminin ang tunay na trabaho niya roon.

Toni Gonzaga

Continue reading below ↓

Toni Gonzaga

Ayon sa netizens, naka-relate si Toni bilang Teddie kay Marcos Jr. na nabatikos dahil nakasaad sa 2015 resumé nito sa Senate website na ito ay nagtagpos ng “Bachelor of Arts (BA) degree in Political Science, Philosophy and Economics” sa Oxford University sa England.

Nang matanong ng media noon, hindi rin nililinaw ni Marcos Jr. kung totoong hindi nito natapos ang kurso niya roon.

Continue reading below ↓

Pero noong October 2021, napag-alaman mula sa Oxford na walang "full graduate diploma" si Marcos Jr. sa nabanggit na BA degree, kundi isa lamang "special diploma" para sa Social Studies. Hindi raw natapos ni Marcos Jr. ang pag-aaral niya roon.

Ngunit hanggang ngayon ay pinaninindigan ni Marcos Jr. na nagtapos siya ng degree sa Oxford.

TONI IRKS ABS-CBN COLLEAGUES AND FELLOW KAPAMILYA

Kung dismayado ang netizens na hindi pabor sa mga iniendorsong kandidato ni Toni para sa 2022 elections, mas lalong nalungkot ang ilang mga katrabaho o kasama sa network ng actress-host.

Ilan sa ABS-CBN personalities na hindi naiwasang mapa-react nang makita si Toni sa UniTeam political rally ay ang TV Patrol segment anchor Marc Logan, writer-comedian Alex Calleja, at aktres na si Dionne Monsanto.

Ang iba sa kanila ay hindi diretsahang pinangalanan si Toni, pero mahihinuhang si Toni ang pinatatamaan dahil nag-tweet sila sa kasagsagan ng pag-trend ng actress-host sa social media.

Continue reading below ↓

Naalala ni Marc ang simpatiya noon ni Toni sa mga libu-libong empleyado ng ABS-CBN na natanggal sa trabaho nang magsara ang maraming departamento sa network dala ng pagkawala ng prangkisa.

Toni Gonzaga

Nagpahaging naman si Alex na hindi man lang daw naisip ni Toni ang conflict of interest sa pag-introduce sa kongresista na "nagpasara ng kumpanya niya."

Continue reading below ↓

Ongoing din kasi ang Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 kunsaan host si Toni.

Toni Gonzaga, Alex Calleja

"Ang bait ng ABS-CBN!" saad pa ni Alex.

Ni-like ni Edu Manzano ang post na iyon ni Alex.

Alex Calleja, Toni Gonzaga

Continue reading below ↓

Sabi ni Dionne Monsanto, "Binuild up ng bongga only to betray you like that."

Dionne Monsanto, Toni Gonzaga

Ang iba pang taga-ABS-CBN ay hindi rin napigilang mapakuwestiyon kung sumagi ba sa isip ni Toni ang "delikadesa" bago ito nag-endorso ng mga kandidatong bahagi ng UniTeam.

ABS-CBN, Toni Gonzaga, #PHElections2022, Ferdinand Marcos Jr., Sara Duterte

Continue reading below ↓

ABS-CBN, Toni Gonzaga, #PHElections2022, Ferdinand Marcos Jr., Sara Duterte

ABS-CBN, Toni Gonzaga, #PHElections2022, Ferdinand Marcos Jr., Sara Duterte

Continue reading below ↓

ABS-CBN, Toni Gonzaga, #PHElections2022, Ferdinand Marcos Jr., Sara Duterte

Si Raymund Dizon, na isang business unit head sa ABS-CBN na may hawak sa Pinoy Big Brother, ay hindi rin napigilang maglabas ng sama ng loob kay Toni.

Toni Gonzaga

Continue reading below ↓

Pati ang mga dating empleyado ng ABS-CBN ay nagulat sa tahasang pagkampi ni Toni sa mga pulitikong naging daan kung bakit hindi nabigyan ng prangkisa ang Kapamilya network.

Kabilang na rito ang dating TV Patrol segment reporter na si Gretchen Ho at radio host na si DJ Cha Cha.

Gretchen Ho, Toni Gonzaga

DJ Cha Cha, Toni Gonzaga

Continue reading below ↓

Tingin pa ng ibang dating ABS-CBN employees, mabuting "mag-voluntary exit" si Toni sa ABS-CBN kung mayroon itong "konting delicadeza."

ABS-CBN, Toni Gonzaga

Jerry Ignacio, Toni Gonzaga

Continue reading below ↓

ABS-CBN, Toni Gonzaga, #PHElections2022, Ferdinand Marcos Jr., Sara Duterte

IS THIS TONI'S REACTION TO THE CRITICISMS AGAINST HER?

Sa kasagsagan ng pag-trend niya sa Twitter, kapansin-pansin ang pag-repost ni Toni ng suporta sa kanya ng netizens na kaisa niya sa mga ineendorso niyang mga kandidato.

Toni Gonzaga

Continue reading below ↓

May tumawag kay Toni na "UNBOTHERED." na malinaw na tumutukoy sa batikos na inani niya mula sa netizens at katrabaho niya na dismayado sa kanya.

Ni-repost din ito ni Toni sa kanyang Instagram Stories. Kalakip noon ang screenshot na siya ay trending sa Twitter.

Toni Gonzaga

Malinaw na pinaninindigan ni Toni ang pagsuporta sa mga kandidato ng UniTeam dahil ipinost din niya sa Instagram Stories ang video ng mga taong dumalo sa campaign rally.

Continue reading below ↓

At nito ngang Miyerkules, February 9, 2022, inulat ng ABS-CBN entertainment news reporter na si MJ Felipe na hindi na bahagi si Toni ng Kapamilya reality show na Pinoy Big Brother.

Ayon sa source ni Felipe, walang pormal na resignation si Toni, pero inendorso raw nitong maging main host ng reality show si Bianca Gonzalez.

Hiningan naman ng PEP.ph ang pamunuan ng ABS-CBN ng opisyal na pahayag hinggil sa pag-alis ni Toni sa programa. Agad naman itong ilalathala sa oras na makuha namin ito.

TONI AND PAUL'S SUPPORT FOR MARCOS-DUTERTE TEAMUP

Ang mag-asawang Toni at Paul Soriano ay kinuhang ninong si Marcos Jr. sa kanilang kasal noong 2015.

Hindi na rin naman nagulat ang ibang netizens sa pag-endorso ni Toni kay Marcos Jr., dahil noong tumakbo si Marcos Jr. bilang bise presidente sa 2016 elections, sumama rin ang mag-asawang Toni at Paul sa campaign rally nito.

Noon lamang September 2021, inulan ng batikos si Toni dahil sa anila'y "propaganda, whitewashing attempt, at misleading information" na ipinakalat sa pag-guest ni Marcos Jr. sa YouTube vlog ng actress-host.

Continue reading below ↓

Ipinagtaka ng mga dismayadong netizens kung bakit sa loob ng higit 28-minute interview ni Toni kay Marcos Jr., hindi inusisa ng TV host-actress-singer ang mahahalagang isyumng ay kinalaman sa pamilya Marcos.

Bukod kay Marcos Jr., hindi rin kaila sa publiko na isa si Toni sa mga artistang kilalang supporters ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Isa siya sa mga artistang dumalo sa dinner kasama ang Pangulo noong May 7, 2019. Kasama ni Toni noon si Paul at ang kapatid na si Alex Gonzaga.

Sa isang report ng ABS-CBN News, quoted si Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar sa pagsasabi na ang dinner ay “thanksgiving for artists who support the President.”

Hindi itinanggi ni Toni ang pagsasabing supporter siya ng Pangulo.

Nito namang 2022, ang mister ni Toni na si Paul ay una nang naghayag ng suporta sa UniTeam ng tambalang Ferdinand Marcos Jr. at Sara Duterte-Carpio. Si Sara, na incumbent mayor ng Davao City, ay anak ni Pangulong Duterte.

Continue reading below ↓

Si Paul ang gumawa ng campaign video ng UniTeam, at bukas siya sa pagsuporta sa tambalang Marcos-Duterte para sa 2022 elections.

Napag-alaman ng PEP.ph sa insiders na isa si Paul sa mga industry people na hinihikayat maging bahagi ng Advanced Media Broadcasting System (AMBS), na pag-aari ng dating senador at business tycoon na si Manny Villar.

Ang AMBS ay ginawaran ng National Telecommunications Commission (NTC) ng "provisional authority" para gamitin ang channel frequencies (Channel 2 at Channel 16) na dating ginamit ng ABS-CBN.

Si Villar at ang pamilya nito ay kilalang kaalyado ng administrasyong Duterte.

Ang isa sa mga anak ni Manny Villar na si Las Piñas City Representative Camille Villar ay isa rin sa 70 kongresista na bumoto para sa tuluyang pagpatay sa prangkisa ng ABS-CBN.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ABS-CBN star Toni Gonzaga gets called out for "lack of delicadeza" after hosting Marcos-Duterte campaign rally and endorsing one of the congressmen who voted "yes" to the junking of franchise renewal of her home network of 17 years.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results