John Lloyd Cruz on manager Maja Salvador: "Parang kapatid ko."

by Jerry Olea
Mar 8, 2022
John Lloyd Cruz, Maja Salvador
John Lloyd Cruz on choosing Maja Salvador and her boyfriend Rambo Nunez to be his managers: "These are my friends... Parang imposibleng hindi nila alam yung nangyayari, kasi, alam mo na they mean well, at gusto ka nilang tulungan. And hindi mo dapat i-decline or talikuran. Kasi, I think, marami silang magagawang maganda."
PHOTO/S: Courtesy of Crown Artist Management

Super happy si John Lloyd Cruz, 38, sa pagma-manage ni Maja Salvador, 33, sa kanyang career simula noong nakaraang taon.

"Nung unang pumasok yung idea na i-consider yung Crown Artist Management, it was a stage in the recent past na medyo… parang pakawala ka sa sarili mo.

"So, parang ang ganda ng timing, and kailangan mo talaga ng tutulong sa ‘yo," pagtatapat ni John Lloyd nitong Marso 6, Linggo, sa Studio 28, BGC, Taguig City.

Hindi kaila sa publiko na mula October 2017 hanggang 2019 ay nag-lie-low si John Lloyd sa showbiz at nagpokus sa kanyang pribadong buhay.

June 2019 nang muling magbalik siya sa paggawa ng endorsements at kasabay noon ay naging abala siya sa piling indie movie projects.

Bago siya sumailalim sa "leave of absence" noong October 2017, siya ay nasa pangangalaga ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN. Homegrown talent siya roon mula 1997 hanggang 2017, o sa loob ng 20 taon.

Continue reading below ↓

ON WORKING WITH GOOD FRIENDS

Hanggang sa noon ngang May 2021, pormal na inilunsad si John Lloyd bilang prime artist ng Crown Artist Management (CAM) na pinamumunuan ng magkasintahang Maja at Rambo Nuñez.

READ: CONFIRMED: John Lloyd Cruz, balik-showbiz sa ilalim ng Crown Artist Management ni Maja Salvador

Ayon kay John Lloyd, "So, these are my friends. Si Maja, parang kapatid ko. Tapos, si Rambo.

"So, parang imposibleng hindi nila alam yung nangyayari, kasi, alam mo na they mean well, at gusto ka nilang tulungan.

"And hindi mo dapat i-decline or talikuran. Kasi, I think, marami silang magagawang maganda."

Close sila ni Maja bilang magkaibigan. Naiba ba ang turingan nila nang maging manager niya ito? Hands on ba si Maja bilang manager? Istrikto?

Pagbibiro ni John Lloyd, "Ano siya, e, pa-Tita Angge na siya! Pa-Tita A na siya…"

Ang tinutukoy ni John Lloyd na Tita Angge o Tita ay ang pumanaw na talent manager na si Cornelia "Angge" Lee. Ilan sa mga artistang alaga noon ni Lee ay sina Sylvia Sanchez, Lotlot de Leon, at Bayani Agbayani.

Continue reading below ↓

Sinakyan ni Maja ang pagbibiro ni John Lloyd, "Sumanib si Tita A sa akin."

Pagkambyo ni John Lloyd, “Hindi. Siguro ang pinakagusto ko, pinakana-appreciate ko about my management is nandiyan sila not to impose on me but to help me.

"To guide you, para maabot yung gusto mong goal."

Marami pang gustong gawin si John Lloyd, at naniniwala siyang matutulungan siya roon ng CAM.

Ilan pa sa mga artistang mina-manage ng magkasintahang Maja at Rambo ay ang career sina Jasmine Curtis-Smith, Miles Ocampo, DJ Loonyo, at iba pa.

Maja Salvador, Miles Ocampo, John Lloyd Cruz, Jasmine Curtis-Smith, DJ Loonyo, and Christine Samson

Continue reading below ↓

Nagdiwang ng unang anibersaryo ang CAM noong Linggo, at dumalo ang pangunahahin nilang artists sa event.

Iyon din ang unang pagkakataong humarap si John Lloyd sa face-to-face presscon kasama ng piling-piling entertainment reporters mula nang siya ay magbalik-showbiz.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Lloyd Cruz on choosing Maja Salvador and her boyfriend Rambo Nunez to be his managers: "These are my friends... Parang imposibleng hindi nila alam yung nangyayari, kasi, alam mo na they mean well, at gusto ka nilang tulungan. And hindi mo dapat i-decline or talikuran. Kasi, I think, marami silang magagawang maganda."
PHOTO/S: Courtesy of Crown Artist Management
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results