PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

John Lloyd Cruz sitcom on GMA-7 to have a second season

John Lloyd-Bea movie sa Star Cinema, tuloy pa ba?
by PEP Troika
Published Mar 7, 2022
john lloyd cruz
John Lloyd Cruz on pssoible drama series with GMA-7: "Meron silang dalawang pinitch. Hindi ko alam kung ano yung uunahin. Kung may lumabas mang script, kung alin man dun, yun siguro ang mababasa ko rin. Siguro, we will see it from there. Mahirap mag-decide, e, hangga’t hindi pa nakikita yung actual script."
PHOTO/S: Crown Artist Management

JERRY OLEA

Ratsada sa ratings ang Sunday sitcom ni John Lloyd Cruz na Happy ToGetHer na nag-umpisa sa GMA-7 bago magtapos ang 2021.

Tumatak ang guesting dito nina Jasmine Curtis-Smith, Julie Anne San Jose, at Faith da Silva.

Sa first anniversary celebration ng Crown Artist Management nitong Marso 6, 2022, Linggo, sa Studio 28, BGC, Taguig City, kinumpirmang may second season ang sitcom ni Lloydie.

Ibinalita ring magkakasama sina John Lloyd at Jasmine sa isang pelikula na nakatakdang kunan sa Mayo.

Passion project ito ni John Lloyd, at excited siyang makatrabaho sa movie si Jasmine na kinabiliban niya ang husay bilang aktres.

Matutuloy pa ba yung reunion movie sana nila ni Bea Alonzo for ABS-CBN Star Cinema, yung No Goodbyes na ini-announce noong Disyembre 2020?

No Goodbyes? Ahhm, I’m not sure may alam ako dun sa No Goodbyes,” tugon ng premyadong aktor.

“Kasi, yung title… ahhm, ang dami nang schedule na mga na-set. So, I’m not sure gusto ko pang mag… unless meron talagang sched na pinag-usapan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kung sino yung collaborators mo, yung talagang merong official na pinag-uusapan, like a script maybe.

“Then siguro, puwede na nating i-set kung OK, kung pwedeng gawin. Otherwise, ang hirap na magdepende sa ano, e, sa sasabihin lang na, ‘OK, meron kang gagawin.’

“Kasi, parang ang ending mo is naghihintay ka kung kelan mangyayari yun. So, parang yun ang nag-i-impose sa sarili mong time.

“I’d rather go for projects na alam mong puwedeng mangyari.”

Marami ang naghihintay kung kailan maggi-guest si Bea sa Happy ToGetHer.

Napangiti si John Lloyd, “Oo nga, e! Inaantay ko nga ang episode na yun. Di pa siya nangyayari… pero siguro, sa right timing, sana mangyari pa rin.”

Maliban kay John Lloyd, present sa first anniv celebration ng Crown Artist Management (CAM) ang iba pa nilang artists na hina-handle.

Andoon sina Jasmine Curtis-Smith, Miles Ocampo, DJ Loonyo, Christine Samson, Gino Santos, Guel Espina, Jessie Salvador, Lauren Reid, Andrei Suleik, at Patti Ang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Crown Artist Management ay pinamumunuan ng magkasintahang Maja Salvador at Rambo Nuñez.

GORGY RULA

Sa totoo lang, kung ikukumpara kay Bea Alonzo, sa aking tingin ay mas mainit si John Lloyd sa Kapuso loyalists.

Nakikita naman iyon sa consistent na magandang ratings ng Happy ToGetHer. Kaya dapat talagang may isa pa siyang magandang project, at sana isang drama series.

Nakipag-meeting siya sa GMA execs at writers, pero wala pang napagdesisyunan kung alin ang gagawin niya.

“Meron silang dalawang pinitch. Hindi ko alam kung ano yung uunahin,” pakli ng aktor.

“Kung may lumabas mang script, kung alin man dun, yun siguro ang mababasa ko rin. Siguro, we will see it from there. Mahirap mag-decide, e, hangga’t hindi pa nakikita yung actual script.

“Sana magkaroon. Kasi, sayang naman. I’m sure maraming magagawa,” dagdag niyang pahayag.

Wala rin siyang maibigay na komento kung sino ang gusto niyang makasama, pero lumalabas ang pangalan ni Marian Rivera na posibleng makasama niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sisimulan na ni Bea ang Start-Up Ph kasama si Alden Richards. Posible kayang ang GMA Primetime Queen naman ang maka-partner ni John Lloyd?

“Depende siguro sa… like, meron silang isang pinitch specifically para sa aming dalawa dito sa isang pangalan na ‘to…. so, depende kung sinong naiisip nila for that specific role.

“Kung sino man yun, baka dun. Yun ang ating makakatrabaho,” safe na sagot ni John Lloyd.

Sana nga, pumirma na siya ng exclusive contract sa GMA-7 para maituring na siya talagang Kapuso actor.

NOEL FERRER

I trust John Lloyd Cruz as an artist to really choose his projects well.

Aside from his sitcom, at yung mga gagawin pa niyang pelikula, meron pa siyang nakabangkong Lav Diaz-Ricky Lee project na Servando Magdamag.

Meron pa akong narinig na kasama si Lloydie sa isang play project na gagawin pa sa Berlin soon kaya nakaka-excite ang iba’t iba pang puwedeng gawin ni JLC as an actor as he continues to explore new grounds.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Congratulations sa Crown Artist Management sa kanilang 1st Anniversary. May you be able to help more artists in fulfilling their natural passion.

But moreso, may you help our ailing industry get back in its feet again!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Lloyd Cruz on pssoible drama series with GMA-7: "Meron silang dalawang pinitch. Hindi ko alam kung ano yung uunahin. Kung may lumabas mang script, kung alin man dun, yun siguro ang mababasa ko rin. Siguro, we will see it from there. Mahirap mag-decide, e, hangga’t hindi pa nakikita yung actual script."
PHOTO/S: Crown Artist Management
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results