Watch Now

'90s star Shirley Fuentes on slapping scene with Raya Sirena teen stars: "Yung mga nanay... nakabantay sa set."

by Ruel J. Mendoza
Apr 18, 2022
Shirley Fuentes, Sofia Pablo
That's Entertainment alumna Shirley Fuentes (left) on comeback project via GMA-7's Raya Sirena: "Ang sarap palang umarte ulit. At ang mga bagets na nakasama ko rito sa show, nakakatuwa sila. Ang gagaling nilang umarte." Raya Sirena top-bills teen actress Sofia Pablo (right).
PHOTO/S: GMA Corporate Affairs

Isa sa may pinakamagandang mukha noong kapanahunan niya sa That's Entertainment ang aktres na si Shirley Fuentes.

Pagkatapos ng matagal na panahong hindi naging aktibo sa paglabas sa TV, nagbabalik siya bilang kontrabida sa seven-part mini-series ng GMA -7at Regal Entertainment Inc. na Raya Sirena.

Sa naganap na Zoom mediacon para sa Raya Sirena, sinabi ng 43-year-old actress na hindi siya madalas tumanggap ng teleserye noon.

Ilan lang daw ang nagawa niyang teleserye noon sa GMA tulad ng Saan Darating Ang Umaga? (2008), Blusang Itim (2011), at lkaw Lang Ang Mamahalin (2011).

Mas nag-concentrate noon si Shirley sa paghu-host niya sa Walang Tulugan with the Master Showman at sa pag-perform sa mga show dito at sa labas ng bansa.

"Hindi talaga ako masyadong nagteteleserye. Parang okey na ako noon hosting and singing.

"But lately, I got busy with our business and with my son. When Kuya Germs passed away, medyo nag-lie low din ako dahil nawala na yung Walang Tulugan," bungad ni Shirley.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pumanaw si German Moreno noong January 2016.

Read: Master Showman German "Kuya Germs" Moreno dies at 82

Patuloy niya hinggil sa kanyang pagbabalik showbiz: "I would like to thank sina Sir Joey Abacan at si Direk Crisanto Aquino na naisip nila akong isama sa Raya Sirena.

"Sinabi ko sa kanila na gusto kong maging kontrabida naman at iyon ang ibinigay nila sa aking role."

Hanga si Shirley sa teen love team nina Sofia Pablo at Allen Ansay na mga bida sa Raya Sirena.

"Ang sarap palang umarte ulit. At ang mga bagets na nakasama ko rito sa show, nakakatuwa sila.

"Ang gagaling nilang umarte. At nakakakilig itong sina Sofia at Allen. Parang gusto kong ma-in love ulit!" tawa pa niya.

Raya Sirena, Allen Ansay, Sofia Pablo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

THEN AND NOW

Iba nga raw ang pagtrabaho ngayon ng GenZ stars kumpara sa working habits nina Shirley noong kapanahunan nila.

Kuwento ng That's Entertainment alumna: "Kami kasi noon, parang naglalaro lang kami. Hindi kami ganun kaseryoso sa trabaho namin noon.

"Ngayon kasi, bago ka mag-artista, nawu-workshop ka muna and they see to it na prepared ka nang pasukin ang showbiz.

"Itong mga bagets ngayon, sa edad nila, they are very professional. Nakakatuwa rin na they are supported by a big TV network and they have people like Sir Joey and the people at Regal na sinusuportahan sila sa careers nila. Mararamdaman mo na pinu-push talaga sila to succeed.

"Para sa tulad ko, panibagong showbiz ito for me. Malayo sa showbiz na nakagisnan ko noon."

Medyo nakaramdam daw ng pagkailang si Shirley sa muling pagharap niya sa kamera bilang aktres.

"Medyo lang naman. One thing is mahahaba na ang mga lines na kailangan na i-memorize mo for the scenes. Then playing a kontrabida for the first time, naiilang akong saktan ang mga bagets.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yung mga nanay kasi nila, nakabantay sa set, kaya kailangan medyo kontrolado ang mga gagawin ko sa kanila. I miss acting, pero ayoko namang makasakit ng kasama ko.

"Kaya si Direk Cris, malaki ang tulong niya sa pag-motivate ng character ko sa Raya Sirena."

Shirley Fuentes

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SHIRLEY FUENTES'S BODY OF WORK

Taong 1989 nang pasukin ni Shirley Fuentes ang showbiz at una siyang lumabas sa mga pelikulang Dear Diary at Estudyante Blues ng Viva Films.

Na-launch siya sa 1992 teen sex-comedy ng Regal Films na First Time... Like A Virgin! kunsaan na-introduce din sina Sunshine Cruz, Karla Estrada, at Jackie Forster.

Naging paboritong leading lady si Shirley ng '90s action stars at lumabas siya sa mga pelikulang Bukas... Tatakpan Ka Ng Diyaryo, Rosang Tatoo, Sgt. Lando Liwanag, Vengador: Batas ng Api, Victor Meneses: Dugong Kriminal, Buenaventura Daang: Bad Boys Gang, Dalawa Laban Sa Mundo: Ang Siga at ang Beauty, Silang Matatapang Walang Atras Sa Laban, at Hatulan: Bilibid Boys 2.

Kasama rin siya sa Laglag Barya Gang, Gabriel Lorenzo: Berdugo, Ben Balasador: Akin ang Huling Alas, at Birador.

Naging suki rin si Shirley sa paglabas sa comedy films tulad ng Hulihin: Probinsiyanong Mandurukot, Mama's Boys, Ano Ba Yan 2, at Bikini Watch.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagbida naman siya sa Tomboy: The Movie noong 1995.

Naging recording artist din si Shirley noong 1995, at pinost niya sa kanyang Instagram account ang kanyang naging album under Alpha Records na may titulong Shirley Fuentes: You Will Always Be.

"The Album that launched the legendary singles "Sayang na Sayang" and "You will always be" Original piece by yours truly. Available at Spotify," caption pa niya.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
That's Entertainment alumna Shirley Fuentes (left) on comeback project via GMA-7's Raya Sirena: "Ang sarap palang umarte ulit. At ang mga bagets na nakasama ko rito sa show, nakakatuwa sila. Ang gagaling nilang umarte." Raya Sirena top-bills teen actress Sofia Pablo (right).
PHOTO/S: GMA Corporate Affairs
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results