Watch Now

Dominic Roco on new Kapuso Xian Lim: "Akala ko mahirap makasama."

by Rommel Gonzales
Apr 19, 2022
Dominic Roco, Xian Lim, False Positive
Dominic Roco (left) on False Positive co-star Xian Lim (right): "Alam niyang corny jokes niya pero itutuloy niya pa rin just to make everyone happy. Yung to please everyone. And hindi siya pilit, yung natural lang sa kanya."
PHOTO/S: Dominic Roco Facebook / @chinitaprincess via @xianlimm Instagram

Hindi inasahan ni Dominic Roco na makakasundo niya ang bagong Kapuso na si Xian Lim.

Bago pa sila magkakilala, inakala niyang magiging mailap si Xian sa lock-in taping ng Kapuso prime-time series na False Positive.

Hanggang sa naging roommates sila rito.

"Surprisingly, I really enjoy the company of Xian. Before kasi naisip ko na leading man siya ng Dos, mahirap kausap. Yung akala ko mahirap siyang kasama.

"Tapos nung nakasama ko siya unang beses, 'Ah, parang malaking bata lang ‘to ah,'" paglalarawan ni Dominic ng first impression niya kay Xian.

Nakita raw niya kung gaano ito kagaan katrabaho.

Sabi pa ni Dominic tungkol kay Xian: "Alam niyang corny jokes niya pero itutuloy niya pa rin just to make everyone happy. Yung to please everyone.

"And hindi siya pilit, yung natural lang sa kanya.

"Very, very kind person."

Si Xian ay homegrown star ng ABS-CBN. Sa kasalukuyan ay isa siyang freelancer na nasa pangangalaga ng talent management na Viva Artists Agency.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At ang False Positive ang unang umere nitong proyekto sa GMA-7.

May advice ba si Dominic kay Xian bilang matagal nang Kapuso si Dominic?

"I don’t really think that I gave him mga advice, pero we had a lot of conversations regarding our careers, what’s happening in the industry," saad ni Dominic.

"And iyon yung nagustuhan ko kay Xian kasi I got to talk to him na personalan talaga, yung alam mo na hindi siya plastic.

"Kaya mas gusto ko yung ganitong lock-in settings kasi you get to know the people you work around better."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dominic via Zoom noong April 13, 2022, Miyerkules, sa mediacon ng False Positive, ang bagong serye ng GMA-7 na mapapanood simula May 2 kapalit ng Widows’ Web.

DOMINIC ON BEING A SOLID KAPUSO

Maituturing na isang loyal Kapuso si Dominic dahil halos buong showbiz career niya sa telebisyon ay sa GMA-7 siya napapanood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I think more than ten years na po akong Kapuso," pahayag ni Dominic.

Sa tanong namin kay Dominic kung bakit siya solid Kapuso, ito ang sagot niya: "For me, ever since my parents or everyone told me na loyalty will get you somewhere.

"And I hope with what I’m doing is, ayun, I mean I’m loyal to something."

Si Dominoc ay anak ng beteranong aktor na si Bembol Roco.

Isang OB Gynecologist ang role ni Dominic sa False Positive.

Pangatlong beses na niyang gumanap bilang isang doktor kaya hindi masasabing bagong papel ito para sa kanya.

Kakaiba nga lamang ito sa mga ginampanan na niya dati dahil sa False Positive ay doktor siya ng isang lalaking buntis na ginagampanan naman ni Xian.

"First time ko rin as an OB Gyn na doctor," saad ni Dominic.

Hindi na raw nagkaroon ng chance si Dominic na mag-research at mag-prepare for his role sa False Positive.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sa totoo po, hindi ko masyado siya pinaghandaan kasi I got the call just three days before the start of lock-in. 'You have work. This is what you’ll do, this is who you are.'

"So I had no time to prepare, so hindi ko po puwedeng sabihin na pinaghandaan ko talaga."

Umasa na lamang siya sa guidance ng writers at sa direktor ng show na si Irene Villamor.

"Kumbaga, nagtiwala na lang po sa writers and sa script," ani Dominic.

ADVANTAGES OF LOCK-IN TAPING

Pangalawang lock-in na trabaho ni Dominic ang False Positive. Kumusta ang kanyang experience?

Sagot ng 33-year-old actor, "For me, honestly, I prefer this type of work style, yung naka-lock in kasi you get to bond with everyone on the set. Not only with the actors, everyone from the crew, the directors.

"Hindi pabagu-bago yung script kalagitnaan ng show. From the start, you get to read the script, you get to know the ending, hindi siya puwedeng magbago.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So for me, I really enjoyed it and I prefer it like this sana. Minus the COVID. Pero sana ganito yung pa-lock-in-lock-in."

Katambal ni Xian sa False Positive si Glaiza de Castro.

Bahagi ng cast members sina Herlene Budol, Buboy Villar, Tonton Gutierrez, Yvette Sanchez, Luis Hontiveros, Rochelle Pangilinan, Alma Concepcion, Dianne dela Fuente, at ang beteranang aktres na si Nova Villa.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dominic Roco (left) on False Positive co-star Xian Lim (right): "Alam niyang corny jokes niya pero itutuloy niya pa rin just to make everyone happy. Yung to please everyone. And hindi siya pilit, yung natural lang sa kanya."
PHOTO/S: Dominic Roco Facebook / @chinitaprincess via @xianlimm Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results