Watch Now

Xian Lim, aminadong kinakabahan sa pagpapalabas ng una niyang teleserye sa GMA-7

by Jojo Gabinete
Apr 18, 2022
xian lim false positive
Xian Lim on False Positive, his first teleserye on GMA-7: “I think the best way to communicate a message is through something light, through something na parang mapapatawa namin sila. But at the end of the day, meron silang take away. They can learn something from this whole project."
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

May nararamdaman nang kaba si Xian Lim dahil sigurado nang mapapanood sa GMA -7 simula sa May 2, 2022 ang kanyang unang drama series sa Kapuso Network, ang False Positive.

Pinagbibidahan nila ito ni Glaiza de Castro.

Ang Love. Die. Repeat ang dapat sanang unang proyekto ni Xian sa GMA-7, pero pansamantalang inihinto ang taping nito dahil sa pagbubuntis ng kanyang leading lady na si Jennylyn Mercado.

Read: Love. Die. Repeat on hold dahil sa pagbubuntis ni Jennylyn Mercado

Strangely, isang lalakeng nagbuntis ang role ni Xian sa False Positive.

Sa kagustuhan ni Xian na huwag mabigo ang mga nagtiwala sa kanya para siya ang maging kapareha ni Glaiza, pinag-aralan niyang mabuti ang karakter na ginampanan.

“I’m so grateful sa network, sa GMA, sa buong Kapuso family.

"I don’t want to let them down and I remember, gumigising talaga ako nang maaga para lang magtanong.

"I don’t want to cause any delays na okay, baka mali yung gawin ko. Baka hindi magustuhan ni Direk [Irene Villamor].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"There is that pressure definitely, pero tinanggap kong mahirap at gagawin ko ang best ko hanggang sa ma-good take ni Direk," pahayag ni Xian sa media conference ng False Positive na nangyari ngayong Lunes ng gabi, April 18, 2022.

Inirerekomenda ni Xian sa lahat na panoorin at tangkilikin ang unang drama series niya sa GMA-7 dahil sa mga aral na matututunan dito.

“Ang bigat-bigat na. Ang dami-dami nang nangyayari sa mundo.

“I think the best way to communicate a message is through something light, through something na parang mapapatawa namin sila.

"But at the end of the day, meron silang take away. They can learn something from this whole project,” dagdag na pahayag ni Xian.

Dahil tungkol sa pakikipagrelasyon ang kuwento ng False Positive, hindi naiwasang hindi tanungin si Xian tungkol sa showbiz career ng kanyang girlfriend, ang Kapamilya actress-host na si Kim Chiu.

Ayon kay Xian, “Yung sa amin kasi ni Kim, since we’re both in the entertainment industry, we already accepted the fact na marami kaming makakatrabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Marami kaming projects na gagawin individually and also together, parang hindi naman namin kino-close yung doors.

"But basically, yung usapan talaga namin, we want to grow individually and we want to grow together as a couple.

“Kumbaga, puwede naman pagsabayin, and I think we’ve been around long enough to witness a relationship come and go and pinag-uusapan namin.

“Malaking bagay rin na nakakaligtaan ng mga couple is assurance. You assure your partner na 'I’m here to stay and I’m here to love you no matter what.'

“Sa dami-dami ng mga nangyayari ngayon, it’s a noisy world, mahirap magpaapekto, we do that.

"We assure each other and we work on our relationship just like everyone," pahayag ni Xian.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Xian Lim on False Positive, his first teleserye on GMA-7: “I think the best way to communicate a message is through something light, through something na parang mapapatawa namin sila. But at the end of the day, meron silang take away. They can learn something from this whole project."
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results