Watch Now

Zoren Legaspi "never" discusses steamy scenes in Apoy Sa Langit with Carmina Villarroel

by Rommel Gonzales
Jul 7, 2022
Zoren Legaspi in Apoy sa Langit
Zoren Legaspi answers "never" when asked if Carmina Villarroel ever gets jealous of his steamy scenes in Apoy sa Langit. He says they also do not discuss it.
PHOTO/S: @zoren_legaspi on Instagram

Nag-viral ang steamy love scene nina Zoren Legaspi at Lianne Valentin sa Apoy Sa Langit.

Nitong last week ng June, naka-12 million views ito sa YouTube two days matapos itong i-release.

Ano ang reaksiyon ng 50-year-old actor dito?

Sinagot ng aktor via e-mail ang tanong na ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, July 5, 2022.

Ikinagulat daw niya ang reaksiyon ng netizens, “We have no idea that it will go viral. Moreso sa napakabilis ng pag-viral niya."

ZOREN ON PORTRAYING THE ROLE OF UNFAITHFUL

Sa Apoy Sa Langit ay gumaganap si Zoren bilang si Cesar at mistress naman niya si Stella na ginagampanan ni Lianne.

Alam ng lahat kung gaano ka-faithful at ka-loyal na mister ni Zoren sa misis niyang si Carmina Villarroel, kaya tinanong rin siya ng PEP.ph, paano niya ginagawang kapani-paniwala ang pag-portray sa karakter ng isang nagtataksil sa asawa?

Tugon ni Zoren, “Iyan ang pangunahing trabaho ng artista, ang magkunwari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So pag killer ang role, dapat nakapatay ka? It boils down to creativity and fully understanding of the scenario.”

Sumagi ba sa isip ni Zoren na baka magselos si Carmina sa mga intimate na eksena nila ni Lianne o pinag-uusapan ba nila ang mga eksenang ito sa Apoy Sa Langit?

“Never po,” simpleng sagot ni Zoren.

Ano ang maipapayo ni Zoren sa mga tulad niyang mister para manatiling loyal at honest sa kanilang misis at kung paano umiwas sa tukso?

“Ang tukso ay araw-araw nandiyan iyan in different forms. Hindi lalayo iyan, gaya nga sabi ng kanta, 'O tukso, layuaan mo ako.'

Ano na ang pinakagrabeng nagawa ni Zoren nang dahil sa pag-ibig?

“’Yung surprise wedding po namin.”

Isang grande at pabulosong wedding ceremonies ang ipinang-sorpresa ni Zoren kay Carmina noong November 15, 2012.

Paano ide-describe ni Zoren ang kanyang sarili bilang isang asawa?

“hhhhmmmmmm flexible.”

Ano ang sikreto ng matibay at tumatagal na pagmamahalan nila ni Carmina?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Understanding and accepting your partner for what he or she is.”

Samantala, nasa cast rin ng Apoy Sa Langit sina Maricel Laxa bilang si Gemma, Mikee Quintos bilang si Ning; Mariz Ricketts bilang si Blessie; Carlos Siguion Reyna bilang si Edong; Dave Bornea bilang si Anthony; Coleen Paz bilang si Patring; Celine Fajardo bilang si Iyah; Patricia Ismael bilang si Lucy, at Mio Maranan bilang si Toto.

Ang Apoy Sa Langit ay sa direksiyon ni Laurice Guillen.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Zoren Legaspi answers "never" when asked if Carmina Villarroel ever gets jealous of his steamy scenes in Apoy sa Langit. He says they also do not discuss it.
PHOTO/S: @zoren_legaspi on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results