Watch Now

Apoy sa Langit star Lianne Valentin sets limitations in daring scenes

by Jerry Olea
Jul 7, 2022
lianne valentin apoy sa langit
Lianne Valentin on breakout role as Stella in Apoy Sa Lamgit: “Ito po ang pinaka… I mean, project na sobrang laki for me, ang nabigyan ako ng opportunity ng network na bigyan ng ganitong project. So, very, very ano po talaga, happy.”
PHOTO/S: Jerry Olea

Ang ganda-ganda ni Lianne Valentin nang makatsikahan ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) nitong Hulyo 6, 2022, Miyerkules ng hapon, sa Max’s restaurant ng Robinson’s Magnolia.

“Yung Apoy sa Langit ang nagpapaganda sa akin,” napangiting tugon ng 21-anyos na dalaga.

Nag-aapoy na ganda!

“Yes! Sila ang dahilan kung bakit blooming ako ngayon. Dahil nga mataas ang ratings!” mabining bungisngis ni Lianne.

“Sobra, sobrang saya po sa ratings. As in nung time na nag-6.8 kami, sobrang… shocked na kami and sobrang saya na namin.

“Kasi, nagsimula kami sa mga rating na 4.9, 4.8, 4.5, ganyan, 5.5. So, nung time na nag-6.8, biglang ganun.

“Sobrang gulat na gulat kami sa biglang taas ng rating hanggang sa naging 7.2, 7.4, 7.5 hanggang sa nag-7.8, 7.9 kami.”

Gigil na gigil ang televiewers sa karakter niyang Stella, ang kabit ni Cesar (Zoren Legaspi) sa naturang Kapuso afternoon drama series na idinirek ni Laurice Guillen.

Napatango si Lianne, “Ang dami, sobra! Ang daming nanggigigil kay Stella. Ang daming naiinis sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tawag nga sa akin, Stella na, e. Hindi na Lianne. Nakakatawa, di ba? ‘Stella!’ Stella na daw. Nakakatuwa!”

Read: Lianne Valentin steamy love scenes with Zoren Legaspi in Apoy Sa Langit reaches 12M views

BREAKOUT ROLE

Breakout role ni Lianne ang pagganap na Stella sa Apoy sa Langit.

“Ito po ang pinaka… I mean, project na sobrang laki for me, ang nabigyan ako ng opportunity ng network na bigyan ng ganitong project,” lahad ni Lianne.

“So, very, very ano po talaga, happy.”

Nagsimula si Lianne sa Tropang Potchi sa edad na 9.

“Naging children’s show host ako sa Tropang Potchi and now I’m 21, Stella na daw ako! Hi! Hi! Hi!” pagbungisngis muli ni Lianne.

“Kasabayan ko noon sa Tropang Potchi si Bianca Umali, Sabrina Man, Miggy Jimenez. Sina Julian Trono, Ella Cruz, nakasabay ko nun.”

Tapos ngayon, nag-aapoy na ang pinaggagagawa niya!

“Nagugulat din sila! Nagugulat din sila! Kasi, yun nga… kahit sa mga friends ko, wala akong pinagsabihan,” pagsisiwalat ni Lianne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, family lang, tapos yung network alam, sina Tita Beth [de los Reyes Rivera], sina Direk Manny [Valera] ang may alam.

“Tapos, nung time na pinost ko yung teaser trailer… kasi, ang tagal ko ring hindi nagpo-post nga sa Instagram. “

Hindi nila alam, may kinu-cook ako na project dito. Hi! Hi! Hi! Hi!

“So, nung time na pinost ko, ang daming comments, ang daming messages sa akin na, ‘Oh my gosh, Lianne! Yung role mo, biglang ganito?!’

“Kasi, comedy yung project ko before this, Pepito Manaloto. Very wholesome. Very, very comedy.

“So, nagulat sila nung pinalabas ang teaser trailer na unang-unang ipinakita ay yung mga TV scenes namin ni Kuya Zoren!

“Gulat na gulat talaga sila, and hindi nila ini-expect.”

Kinukuya-kuya niya ang 50-anyos na si Zoren?

“Yes, Kuya Zo talaga! Pero yun nga, parang… nung time na nakita ko siya in person, sabi ko, ‘Parang hindi siya mukhang ano, ah?’ I mean, 50s, ganun…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

LOVE SCENES WITH ZOREN

Kumustang ka-love scene si Kuya Zo?

“Ay naku, very professional po si Kuya Zoren sa mga eksena namin,” pagbuntong-hininga ni Lianne.

“Ahhm, ano talaga, tulungan. Saka nakikisama siya sa amin, ha? Nakiki-youngsters din siya.

“It’s his way of like working din para maging komportable ako, komportable si Mikee [Quintos], si Ate Maricel [Laxa], ganyan.

“So, yun yung way of, like, preparation niya talaga. And pagdating dun sa mga steamy scenes namin, or mga sensitive scenes namin ni Kuya Zo, pinag-uusapan namin talaga, e.

“Yung limitations, yung boundaries, hanggang saan ka puwedeng hawakan, ganyan. So, pinag-uusapan po namin yun.

“And sa mga eksena naming ganun, talagang tinatanong niya ako, ‘Are you OK? Do you feel safe?’ ganyan.

“And sabi ko sa kanya, ‘Yes, Kuya! I feel safe. So, OK sa akin, hanggang dito mo ako hawakan.’ Ganyan.

“Yun yung masaya ako. Kasi, tinutulungan din niya ako sa mga eksena para mapaganda lalo yung mga eksenang ganun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

lianne valentin zoren legaspi

Ready ba siyang mag-level up ng kapangahasan sa pelikula? Sa TV kasi, merong limitations. Sa movies, mas malaya lalo na kung para sa streaming platforms.

“Kung bibigyan pa po ako ng project na sexy, and mature again and daring, tatanggapin ko po,” sabi ni Lianne.

“Pero pagdating dun sa… siguro may mga ano lang. Hanggang saan? Ang kayang ipakita… I can show some skin. I can show some back. I can show some legs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero yung medyo dito na po sa harapan, medyo…”

Walang pa-boobey?

“Wala! Ha! Ha! Ha! Hindi pa kaya! Ha! Ha! Ha! Hindi pa kaya. Yun nga, sabi ko, parang I can go on a little too far, pero not just very, very far,” pag-amin ni Lianne.

“Yun ang sabi ko. Ano pa natin, dagdagan pa natin nang konti. Kung nakita ninyo ang love scenes namin ni Kuya Zo, kaya pang iano…”

Read: Zoren Legaspi "never" discusses steamy scenes in Apoy Sa Langit with Carmina Villarroel

STEAMIEST SCENE

Ano ang pinaka-steamy scene nila ni Kuya Zo, so far?

“Na ano? Nag-apoy ang langit?” natatawang hirit ni Lianne.

“Ha! Ha! Ha! Oh my gosh! Hindi, ano…

“Siguro, yung pinakamahirap na ginawa namin na scene na ganun, is yung first time niya uling bumigay after a year.

“Nung nagpakilala ako, di ba, as anak niya sa ano. Tapos, sine-seduce-seduce ko siya.

“Tapos, nung time na bumigay na siya, yun yung scene. Yun 'yon. Kasi, syinut namin yun nang… syempre dapat, maraming choices pagdating sa editing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Medyo matagal namin siyang syinut. And andun yung parang… from amuy-amoy, from touch-touch ng skin to kiss to for example na parang assumed na… alam mo na yun. Ganyan.

“Yun yung mahirap, kasi medyo matagal. Saka yun pa yung very first na sensitive scene na kinunan namin ni Kuya Zoren.

“So, andun dapat yung talagang todo bigay ka. Kasi, sabi ko, itong eksenang ‘to, hindi madali.

“So, kailangan ng cooperation naming dalawa. Pero nagawa naman namin!”

Todo-bigay sila sa eksenang iyon sa Apoy sa Langit.

Nag-init ba siya? Nag-init ba si Kuya Zo? Pareho silang nag-init? O nanlamig?

Natawa si Lianne, “Ha! Ha! Ha! Ha! Ako, nanlamig ako! Kasi, kinabahan ako, e!”

Hindi siya nag-apoy?

“Hindi! Ako, nanlamig ako. Kasi, sabi ko, kinakabahan ako dahil ito nga yung very, very… yung first time ko, di ba?

“First love scene ko rin. First mature role, first love scene, first kissing scene, first time makatrabaho si Kuya Zoren.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Lahat, first. So, nanginig ako,” pagtatapat pa ni Lianne.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lianne Valentin on breakout role as Stella in Apoy Sa Lamgit: “Ito po ang pinaka… I mean, project na sobrang laki for me, ang nabigyan ako ng opportunity ng network na bigyan ng ganitong project. So, very, very ano po talaga, happy.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results