Tinalikuran na ni Andre Paras ang pagiging basketbolista.
Ang mga koponan ng basketball na sinalihan dati ni Andre ay ang Blackwater Bossing sa PBA (Philippine Basketball Association) at ang AMA Titans sa PBA D-League.
Ngayong wala na siyang anumang existing contract sa kahit na anong basketball team, balik-showbiz na siya.
"Yeah, as of now I’m here back home sa GMA.
"And I’m very excited dahil, iyon nga, sa Daig Kayo ng Lola Ko. And then after that, hopefully, for the other upcoming projects, I will be wholeheartedly here with them to learn and to just enjoy my stay po.”
Ama ni Andre ang basketball icon na si Benjie Paras. Ang kapatid naman niyang si Kobe Paras ay aktibo pa rin ngayon sa paglalaro. Masasabing nasa dugo na nila ang basketball.
Pero para kay Andre, kahit na "hard to resist" daw ang basketball ay puwede nilang paghatiang magkapatid ang namanang talento mula sa kanilang ama, na isa ring komedyante.
Kaya may mensahe si Andre sa kapatid na si Kobe: "You know what, Kobe, sa iyo na yung basketball.
"Nahati yung talent ni Dad, so okay, dun na ako sa showbiz and sa pag-aartista and pagiging isang actor, Kobe dun ka na sa basketball."
DREAM PROJECTS
Ngayong desidido siyang mag-focus sa showbiz, ano pa ang mga gusto ni Andre na proyekto o papel na ibigay sana sa kanya ng GMA?
“To be honest, I would just be willing to accept anything. But if you were to ask me yung dream roles ko, I would really love to work with my dad again!
“And it could be for a game show, it could be for a movie or a show.
"Kasi iyon nga po, I think the last time I’ve worked for a long time with my dad was in The Half Sisters [2014 to 2016] nung nag-guest po siya for I guess a month?
“And then after that there are other shows or series na ginawa po namin under GMA also kung saan ako naman ang nag-guest sa show niya."
Bakit niya pangarap na makatrabaho ang amang si Benjie?
Paliwanag ni Andre, “Just being able po to work with him, of course, it doesn’t feel like work, but I get to learn from him as well.
"Kasi my dad is someone na I look up to po when it comes to comedy.
“Ako po, obviously, there’s a lot of work I need to do. So kung may workshop man, of course, kukunin ko iyan. But I still want to better my craft.
“So iyon, I would really love to work with my dad in the future.”
OPEN TO PLAYING KONTRABIDA?
Matapos ang humigit-kumulang isang taong "pagbabakasyon" mula sa showbiz, mapapanood na ulit si Andre sa telebisyon.
Gumaganap ang 26-year-old Kapuso bilang Big Bad Wolf sa "Bida Kontrabida," ang anniversary episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko.
Sabi ni Andre sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Ito yung kumbaga yung first show na ginawa ko since huminto po ako dahil po sumali or nagpa-draft po ako sa PBA."
Kasama niya sa episode sina Jo Berry bilang Rumpelstiltskin, Cai Cortez bilang Sea Witch, at Rufa Mae Quinto bilang Evil Queen.
Sa pagpapatuloy ni Andre, “I’m very thankful dahil, you know, besides the amazing director, the amazing newfound friends ko po sila ate Cai, ate Jo, at ate Pchi [Rufa Mae]."
Aminado naman si Andre na kinabahan siyang magiging "mabigat" ang kanyang unang project ngayong balik-showbiz na siya.
Aniya, "I’m just very dahil just being part of yung show ngayon, nasa title nga, 'Bida Kontrabida,' akala ko magiging mabigat siya kasi kontrabida nga ako.
“First time, if I’m not mistaken, correct me if I’m wrong, but the good thing about it is iyon nga po, it’s very light dahil nga po para sa mga bata po ito.
“It’s, yung feeling na nagiging bata ka ulit, in a way. You feel young kasi iyon nga it’s about, you know, fairy tale, 'tapos Big Bad Wolf pa yung character ko."
Special para kay Andre ang kanyang pagganap bilang Big Bad Wolf dahil naisip niya ang kanyang childhood.
Pagbabahagi niya, “Nung bata ako iyon, yung kinakatakutan ko na character sa fairy tale kasi obviously kontrabida, di ba?
“Then iyon pa yung naging character ko. So for me to overcome my fear nung bata ako dahil sa character, na-enjoy ko naman po.”
Kung siya ang papipiliin, sinong fairy tale character ang nais niya sanang gampanan?
“To be honest, since gusto ko siguro yung mga, I guess yung mga good guys, siguro yung sa Hansel and Gretel na binabasa ko nung bata, I’d still stick with Big Bad Wolf.
"Kasi to be honest, na-enjoy kong maging kontrabida talaga, e. Kasi first time, na-in-love ako sa character kahit light.
"So hopefully sa ibang projects, puwede pang maging kontrabida.”
Ang "Bida Kontrabida" episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko ay apat na Linggong mapapanood—July 10, July 17, 24, at 31—tuwing alas-siyete ng gabi sa GMA-7.
