Watch Now

Chito Roño fulfills childhood dream to direct Darna: "I got excited like a kid again."

by Melba R. Llanera
Aug 12, 2022
chito rono jane de leon darna
Director Chito Roño on Darna lead star Jane de Leon: "Jane worked hard for this for her role in this series. Ang problema kay Jane, she had to balance being Narda and being Darna. Talagang mahirap. And then, other than Narda, dalawa pang characters—yung bata and yung character na malaki na rin siya. Ang dami talagang roles niya na ginagampanan and it's really a challenge for her as an actress. She did very well."
PHOTO/S: ABS-CBN PR Facebook / Kapamilya Channel YouTube

Bata pa lang ay pangarap na raw ng batikang direktor na si Chito Roño na gawin ang Darna kung kaya't nang ialok sa kanyang idirek ang Kapamilya primetime series na Mars Ravelo's Darna ay hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin ito.

Read: Chito Roño, ididirek ang first two weeks ng Darna TV series; Jane de Leon, naisukat na ang Darna costume

Sa grand presscon ng Darna sa Dolphy Theater noong August 8, 2022, ibinahagi ni Direk Chito na malaking parte ng kanyang kabataan ang iconic Pinay superhero.

"Talagang fan ako ng Darna kahit nung komiks pa. Lahat kami nagbabasa ng komiks.

"Bago pa isinapelikula ni Vilma [Santos] yung pelikula, nabasa ko na sa komiks.

"Kami ng lola ko, laging magkatabi nagbabasa ng komiks.

"Anyway, aside from Darna, I read other Ravelo's plays, yung komiks niya, that's why when it was offered to me, I got excited like a kid again.

"Sabi ko, 'Sige na nga, gagawin ko na.' So, I dared myself to do it, kumbaga, kabataan ko pa pangarap ko na gawin ang Darna. "

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naniniwala si Direk Chito na nakita ng ABS-CBN ang ganda ng materyal kung kaya't kahit dumaan sa maraming pagsubok ang muling pagsasatelebisyon ng Darna, hindi ito binitawan ng network.

"Gusto ko lang sabihin, it took ABS a long time to produce this project series, but because I think they cannot let go, because this is one of the most exciting materials they have.

"I don't blame them for bearing time and difficulties, but I assure you that you willl be enjoying Darna the series," pahayag ng direktor.

Read: ABS-CBN's Darna: Ten years in the making

DIRECTING NEW STARS

Kilala si Direk Chito bilang mahigpit, prangka, at madalas ay pinapagalitan ang mga artista sa set pag nagkakamali.

Ayon sa direktor, ginabayan niya ang mga baguhang cast ng Darna, partikular na sina Jane de Leon, Janella Salvador, at Joshua Garcia, pero bilib daw siya sa husay at propesyunalismo ng mga ito.

"Hindi ko naman sila kilala nung una, e. Like baguhan na artista, parang you guide them intently para hindi sila magkamali nang malaki, and then you let them fit into the roles that they are playing and the characters they are portraying.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Medyo may ganung factor sa kanila, kahit na kina Jane and Janella, kasi it's my first time to work with them, we have to design the character for Darna and Valentina, even Ding and Joshua.

"Everybody had to go through the.process of learning how to deal with their characters.

"Very cooperative, wala naman kaming problema. Everybody is... except for Joshua whom I worked in Regal before, everybody was first time sa akin."

Naidirek ni Chito si Joshua sa horror film na Ang Mga Kaibigan Ni Mama Susan, na hindi pa naipalalabas sa mga sinehan.

Pinuri rin ni Direk Chito ang nakitang passion at pagiging bukas ni Jane na gawin ang lahat para sa karakter nito bilang Narda/Darna.

Read: Jane de Leon reacts to naysayers saying she doesn't deserve Darna role

"Jane worked hard for this for her role in this series," pakli niya.

"Ang problema kay Jane, she had to balance being Narda and being Darna. Talagang mahirap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And then, other than Narda, dalawa pang characters—yung bata and yung character na malaki na rin siya.

"Ang dami talagang roles niya na ginagampanan and it's really a challenge for her as an actress. She did very well.

"Sabi ko, 'As bata, kailangan maikli ang buhok mo.' Siya had no problem, 'Kailangan paputol ka ng buhok.' We encounter actresses na di mo mapuputulan.

"I'm also very pleased na not only she focused, not only she concentrated, she does very well as an actress."

Nagbalik-tanaw rin ang Darna director kung ano ang mga napagdaanan niya noon sa Kapamilya network nang marami pang dapat pagpaalaman at sabihan bago makagawa ng isang desisyon ang isang artista.

Lahad niya, "In the old days, nung may prangkisa pa tayo, hindi mo puwedeng putulan ng buhok kasi may commercial, may image, si Mr. M [Johnny Manahan, former Star Magic chairman emeritus].

"Remember Dekada before, when I shot that torture scene of Piolo, I really decided na pakalbo siya. Nagpaalam kami sa ABS, ayaw pumayag kasi may mga commercials daw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nag-usap kami ni Piolo, right there and then, nagpakalbo kami. Bahala na kung ano ang reaction nila, basta nagawa namin yung eksena."

Ang tinutukoy ni Direk Chito ay ang 2002 film niyang Dekada '70, kung saan si Piolo Pascual ang isa sa mga pangunahing artista.

Pagpapatuloy niya, "Ngayon, ang difference dito sa mga bagong artista, ang character mo bagets, kailangan hindi mahaba ang buhok. For you to look young, you have to have a short hair.

"Walang problema na. Wala ka nang sasagutin kung kanino basta bahala na ang artista. Nagawa niya at nagawa nila yung character for the the role."

Mappaanood ang Darna simula sa Lunes, August 15, sa Kapamilya Channel, TV5, at A2Z kapalit sa timeslot ng FPJ's Ang Probinsyano.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Director Chito Roño on Darna lead star Jane de Leon: "Jane worked hard for this for her role in this series. Ang problema kay Jane, she had to balance being Narda and being Darna. Talagang mahirap. And then, other than Narda, dalawa pang characters—yung bata and yung character na malaki na rin siya. Ang dami talagang roles niya na ginagampanan and it's really a challenge for her as an actress. She did very well."
PHOTO/S: ABS-CBN PR Facebook / Kapamilya Channel YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results