JERRY OLEA
Enero 14, 2021 nang mabalitaan nating papasok si Jane de Leon sa FPJ’s Ang Probinsyano.
Ayon sa kampo ni Jane, “Sa Marso pa ide-develop ang Darna: The TV Series.”
Mahaba ang papel ni Jane sa mga pakikipagsapalaran ni Cardo Dalisay (Coco Martin).
Noong Hulyo 2, inihayag ng ABS-CBN na e-exit na si Jane sa FPJ’s Ang Probinsyano para paghandaan ang lock-in shooting ng Darna: The TV Series sa Nobyembre.
Naulinigan natin kapagkuwan na ang master director na si Chito S. Roño ang magdidirek ng first two weeks ng fantaserye. Kahit nasa Samar si Direk Chito ay panay-panay ang virtual meeting niya kaugnay sa pre-production.
Nitong Oktubre 2, Sabado, ibinalita ng ABS-CBN na halo-halo ang emosyong nararamdaman ni Jane ngayong matutuloy na ang kanyang pagda-Darna.
“Kinikilig ako na excited na kinakabahan sa totoo lang. Iba pa rin ang pakiramdam kapag malapit na kasi malapit na talaga kaming magsimula,” ani Jane sa eksklusibong panayam sa TV Patrol.
Naisukat na ni Jane ang Darna costume.
Aniya, “Naiyak ako, yung feeling na nilalagay na sa akin yung headdress. Nagpapasalamat ako kay Lord na matutuloy na.”
Ngayong Oktubre 4, Lunes ng hapon, kinumpirma ng ABS-CBN na magdidirek si Chito S. Roño ng Darna: The TV Series.
Ayon pa sa ABS-CBN, “Magsisimula na ang taping ng programa sa Nobyembre kasama ang ‘master director’ na si Chito na nasa likod ng mga matagumpay na programa ng ABS-CBN na Imortal, Lastikman, at Spirits at nagbabalik-telebisyon ngayon pagkatapos ng halos isang dekada para sa isa sa pinakamalaking proyekto ng Kapamilya network sa 2022.
“Bitbit niya ang natatanging galing sa visual effects production at pagkukuwentong may kurot sa puso na aabangan sa makabagong adaptation ng karakter na binuo ni Mars Ravelo, na ang ika-115 kaarawan ay gugunitain sa darating na Oktubre 9.”
Ang 2013 serye na Maria Mercedes starring Jessy Mendiola ang huling TV project ni Direk Chito.
Kabilang sa mga pelikula niya ang Narito Ang Puso Ko (1992), Minsan Lang Kita Iibigin (1994), Dahas (1995), Curacha, Ang Babaeng Walang Pahinga (1998), at Bata, Bata… Pa’no Ka Ginawa? (1998).
Siya rin ang nagdirek ng mga pelikulang Dekada ‘70 (2002), Feng Shui (2004), Sukob (2006), Caregiver (2008), Shake, Rattle & Roll 14 (2012), Etiquette for Mistresses (2015), Signal Rock (2018), at iba pa.
Sino kaya ang magpapatuloy sa pagdidirek ng Darna: The TV Series umpisa sa third week?
GORGY RULA
Hindi ko alam kung anong meron sa project na ito na ang bagal ng usad.
Nung sinimulan ito at hawak pa ni Direk Erik Matti, inabot ng mga problema nung teaser pa lang ang na-shoot nila.
Nagkaroon ng aksidente sa isa sa talents doon, at ang alam kong Darna body talent doon na si Ambra Gutierrez ay nasangkot naman sa sexual assault case sa U.S. producer na si Harvey Weisntein.
Dalangin kong suwerte ang dala ni Direk Chito Roño na higit sa lahat ay mas concern ko ang kalusugan niya.
Good luck sa Darna, at sana ay tuloy na tuloy na ang paglipad nito. Hanggang kailan pa kaya ang kontrata nito sa Ravelo family?
NOEL FERRER
From Erik Matti to Jerold Tarrog, now it’s Chito Roño at the helm for the first two weeks of Darna: The TV series.
Nang ilatag sa amin for the nth time ang project na ito with my talent Iza Calzado,na naging staple na sa role niya as the original Darna, ang dami na talagang pinagdaanan at revisions dito.
Ngayong si Chito Roño na ang direktor, expect really masterfully crafted and executed scenes na may kurot sa puso.
Bukas, October 5, ang unang meeting nila, reading, at training.
Nagpa-RT PCR tests na sila kahapon. So, tuloy na tuloy na ang paglipad ng Darna sa ABS-CBN Primetime Bida!!!
Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
