Ysabel Ortega grateful to GMA-7 for "first lead" role

by Rommel Gonzales
Sep 4, 2022
Ysabel Ortega
Ysabel Ortega openly expresses her gratitude to her home network for giving her her first big break via the teleserye What We Could Be. She also acknowledges the efforts of her leading man Miguel Tanfelix for guiding and caring for her during their shoots.
PHOTO/S: @ysabel_ortega on Instagram

Lumalalim ang pagkakaibigan nina Ysabel Ortega at Miguel Tanfelix.

Pinagbibidahan nila ngayon ang Kapuso serye na What We Could Be, at magkatrabaho rin sila sa live-action adaptation ng Voltes V.

Ayon kay Ysabel, sobrang laking tulong ni Miguel sa kanya, lalo't ang huli ay dati nang artista sa showbiz simula pagkabata.

Lahad niya, "Alam naman natin na magaling na actor si Miguel.

"And I feel like ang dami ko ring natutunan sa kanya professionally, sa set, and sobrang grateful ako kasi napaka-supportive niya when it comes to scenes."

Hindi maiiwasang maging malapit sila sa isa't isa dahil halos araw-araw silang nagkikita sa mga taping ng What We Could Be at Voltes V.

Paliwanag ng aktres sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "You know, puyat kami, pero at the same time, you know, we’re there for each other.

“Nagbibigay kami ng energy, kung may kailangan ng coffee ng isang tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"You know, it’s the little things. Na really, I felt like it was teamwork talaga para matawid namin na ma-shoot yung What We Could Be, confidently and proudly. And, at the same time, continuing to shoot our other series [Voltes V].

“So I feel like iyon, yung camaraderie namin, yung teamwork namin, mas nakalalim talaga yun sa relationship, sa working relationship namin,” dagdag niya.

Kung anumang work ethic ang naumpisahan nila sa Voltes V, nadala raw nila ito sa kanilang tambalan sa What We Could Be.

Sabi pa niya, “Even in Voltes V pa lang, talagang na-familiarize na namin yung isa’t isa when it comes to our work ethic.

"And I feel like dito namin sa What We Could Be na-execute talaga. Kasi of course, ang dami naming scenes together and nagtutulungan kami and tinutulungan niya ako."

Aminado naman si Ysabel na nakakaramdam siya ng pressure bilang isang newbie actress na ngayon ay may lead role sa serye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagpapatuloy niya, “And I’m just so grateful. Siyempre kasi, you know, there’s a lot of pressure din for me. Of course, one to be paired with Miguel at bilang baguhan lang ako.

“And at the same time, I'm here to be one of the leads sa show na ito, and sobrang laking tulong sa akin na may support system ako, which is Miguel.

“So iyon po, so grateful and so happy."

TURNING POINT IN CAREER

Samantala, malaking tulong daw ang What We Could Be sa career ni Ysabel sa showbiz.

Aniya, “Definitely, I think this is a turning point po para sa career ko especially since this is going to be my first lead.

"And yung Voltes V kasi, it’s going to be airing next year pa. So this is really, technically, my very first time to be given a show."

Bago naging Kapuso, naging Kapamilya muna si Ysabel mula 2015 hanggang 2018.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Huli siyang nakita sa GMA-7 bago pa nag-umpisa ang pandemya, at yun ang pinakaunang show niya sa Kapuso network.

“So I feel like, you know, I’m just so grateful.

"Kasi I feel like this isn’t just me, you know, turning a leaf professionally sa career ko, but as well as yung relationship ko with GMA.

"And, of course, I’m so grateful na nabigyan nila ako ng opportunity to star in this show," pagpapasalamat niya.

Nakaka-pressure man na maging bida sa What We Could Be, sobrang proud si Ysabel sa nagawang serye.

Pagmamalaki niya, “Sobrang laking tulong din ng mga co-actors ko. Yung family ko dito sa show na ito, yung mga iba ko pang co-actors really were a big help talaga.

“So I think it’s a turning point and it’s definitely very exciting for me.”

Gumaganap sa What We Could Be si Ysabel bilang si Cynthia at si Miguel bilang si Franco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasa serye rin sina Yasser Marta bilang Lucas, Soliman Cruz bilang Tirso, Aleck Bovick bilang Melba, Pamela Prinster bilang Criselda, Hailey Mendez bilang Vera, Lia Salvador bilang Eloisa, Bimbo Bautista bilang Gabby, EJ Jallorina bilang Ate V, Joel Saracho bilang Mang Tonyo, Art Acuña bilang Bruno, Vince Crisostomo bilang Justin, Joyce Ann Burton bilang Helen, at si Celeste Legaspi bilang Lola Leonora.

Sa direksyon ni Jeffrey Jeturian, napapanood ang What We Could Be weeknights ika-8:50 ng gabi sa GMA at sa GTV mula Lunes hanggang Huwebes 11:30-12:15AM at Biyernes, 11pm-11:45pm.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ysabel Ortega openly expresses her gratitude to her home network for giving her her first big break via the teleserye What We Could Be. She also acknowledges the efforts of her leading man Miguel Tanfelix for guiding and caring for her during their shoots.
PHOTO/S: @ysabel_ortega on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results