PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega win P1.9M in The Wall Philippines

What We Could Be nina Miguel at Ysabel, suwertehin din kaya sa ratings?
by PEP Troika
Published Aug 29, 2022
miguel ysabel the wall philippines
Tumataginting na P1,995,042 ang napanalunang jackpot prize ng magka-love team na sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega sa August 28, 2022 episode ng Kapuso game show na The Wall Philippines.
PHOTO/S: @migueltanfelix_ on Instagram

GORGY RULA

Bongga ang pilot episode ng The Wall Philippines nung Linggo, August 28, 2022, dahil ang laki ng panalo ng YsaGuel love team nina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega.

Tumataginting na P1,995,042 ang napanalunan nilang jackpot prize!

miguel ysabel the wall philippines

Noong nakaraang mediacon ng The Wall Ph, sinabi ni Billy na isa sa mga Kapuso stars na naglaro ay si Miguel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Billy, may something si Miguel na hindi lang niya ma-explain nang mabuti kaya mas mabuting panoorin na lang daw ang paglaro nila ni Ysabel.

Read: Billy Crawford, bukas gumawa ng programa sa GMA Network

Ipinakita ni Miguel ang magandang diskarte sa paglalaro nang nasa isolation na si Ysabel para sagutin ang random questions.

Ang suwerte ng love team nila dahil nag-promote lang sila sa game show ni Billy para sa What We Could Be, ang laki pa ng napanalunan nilang jackpot.

Inaasahang itutuloy na ito sa sisimulan nilang feel-good drama series na What We Could Be na magsisimula na ngayong Agosto 29, Lunes gabi, pagkatapos ng Lolong.

Ang ilang bahagi ng napanalunan nila ay ibibigay nila sa Kapuso Foundation, at ang iba ay itatago muna nila sa bangko.

Text ni Miguel sa PEP Troika, “First of all, we want to give back to God the glory for winning, so Ysabel and I decided to give part of our winnings from The Wall to Kapuso Foundation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sana, makatulong ito sa mga proyekto nila para sa mga nangangailangan.

“Second, is we want to put of it sa investment. We want to save but at the same time we want to see how our money will grow for our future.

“Lastly, we want to go back to traveling. Hopefully, we can travel this year individually or together with family friends. Coz, that’s what I’ve been missing since the pandemic started.”

Sabi rin sa amin ng ina ni Ysabel na si Michelle Ortega, ibabangko ng kanyang anak ang napanalunan sa naturang game show.

Pero papayag kaya si Michelle na mag-travel ang anak niya kasama si Miguel?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NOEL FERRER

Sabi nina Ysabel at Miguel, ang suwerte nila na sila ang pinili ng Quantum Films para sa first collaboration nito sa GMA-7.

Ani Ysabel, “It’s exciting to be a part of this, because it’s new for everyone talaga, e, and it’s new for us.

“It’s really exciting how this show came to be talaga.”

Lahad ni Miguel, “Excited ako sa kalalabasan ng ginawa namin. Kasi ang Quantum, kilala sa mga films na ginagawa nila.

“Ako, wala ako masyadong exposure sa mga movies na nagawa. So, excited ako kung paano namin gagawin. Kung paano sila mag-adapt sa series. Kung paano mag-taping ng series.

“Okay naman, masaya naman at maraming learnings yung ginawa naming taping.”

JERRY OLEA

Nagtapos ang Love You, Stranger nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos noong Agosto 11, Huwebes. Ito sana ang papalitan ng What We Could Be nina Ysabel at Miguel umpisa Agosto 15, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-agam-agam tayo sa petsang inilaan sa pilot episode ng kanilang tandem dahil sakop pa iyon ng Ghost Month.

Ayon sa source ng PEP Troika, nagkaaberya sa Start Up Ph nina Bea Alonzo at Alden Richards na siya sanang pamalit sa Bolera ni Kylie Padilla.

Kaya ayun, K-drama ang ipinalit sa Love You Stranger, at ito nang What We Could Be ang isasalpak sa timeslot ng Bolera umpisa Agosto 29, Lunes — na tapos na ang Ghost Month.

Suwerte ng tambalang YsaGel! Ka-back-to-back ng Lolong ni Ruru Madrid! E, di ba… si Miguel ang dating ka-love team ni Bianca Umali, at itong si Bianca ay fours years na palang karelasyon ni Ruru!!!

Read: Ruru Madrid on relationship with Bianca Umali: “It's not that gusto naming ilihim ito sa mga tao.”

Of course, natitiyak nating magwawagi sa ratings ang What We Could Be kumpara sa mga kasabayan nito. Ang aantabayanan natin ay kung papantay man lang ba ito sa ratings ng Bolera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Umaariba na nang lubos sa ratings ang Lolong, at sabi ng isang mega-friend natin ay hindi magkamayaw ang mga Davaoeño kay Ruru nang makisaya ito recently sa Kadayawan Festival.

Teka!!! Ang pralala ay ipapalabas na this September ang Start-Up Ph nina Bea at Alden. Matatapos na ba ang Lolong at papalitan ng Start Up Ph, or what?!?!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tumataginting na P1,995,042 ang napanalunang jackpot prize ng magka-love team na sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega sa August 28, 2022 episode ng Kapuso game show na The Wall Philippines.
PHOTO/S: @migueltanfelix_ on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results