Miguel Tanfelix napa-"wow" nang sabihang napamahal na sa kanya si Ysabel Ortega

by Rommel Gonzales
Sep 4, 2022
Miguel Tanfelix
Miguel Tanfelix, hindi itinangging napapamahal siya sa kanyang What We Could Be leading lady na si Ysabel Ortega.
PHOTO/S: @migueltanfelix on Instagram

"Turning point" daw para kay Miguel Tanfelix ang seryeng What We Could Be.

“Definitely, para sa akin, definitely!

“Ang tagal ko nang nawala rin sa TV, before pandemic pa ako last na lumabas sa TV. And ang dami nang nangyari. Nagkaroon na ng pandemic, ilang taon na ang nakalipas.

"So, ito yung parang transition period to a young adult na mga characters na magagampanan ko in the future.

“So yes, this is a big turning point for my career,” deklarasyon pa ni Miguel.

Ipinapakilala ng Sparkle at GMA-7 si Miguel bilang leading man at hindi heartthrob. Senyales ba ito ng landas na kanyang tatahakin bilang aktor?

“Ahh, hopefully, hopefully. Kasi mahirap naman kung mga mid-twenties ka na, umabot ka ng late twenties, di ba, ano ka pa rin, tween di ba,” at natawa si Miguel.

“So yes, very important sa akin itong project na ito dahil yun nga, una, sa turning point sa career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And at the same time, yung character na gagampanan ko dito, bago siya sa lahat ng ginampanan kong character, very mature, pinaka-mature sa lahat.

"So makakatulong siya sa career ko. And wala, nag-enjoy ako overall.

“Para kong naisip na sobrang, hindi ako na-pressure sa fact na turning point ito sa career ko.”

Gumaganap sa What We Could Be si Miguel bilang si Franco at si Ysabel Ortega bilang si Cynthia.

ON LEADING LADY YSABEL ORTEGA

Samantala, vocal si Miguel Tanfelix sa pagsasabing si Ysabel ang dahilan kung bakit siya excited para sa seryeng What We Could Be.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nag-open up si Miguel tungkol sa kanyang co-star.

"Bukod nga po sa ito yung first lead role niya, kumbaga ito yung launch niya sa GMA, yung tiwala ko kay Ysabel hindi po nawala yun ever since nagkakilala kami, nagka-work kami sa Voltes V."

Maraming magandang masasabi si Miguel tungkol kay Ysabel, na nakatrabaho niya sa dalawang GMA projects: ang upcoming live-action adaptation ng Voltes V at ang bagong serye What We Could Be.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagpapatuloy ng aktor, “Nakakita ako ng malaking potential sa kanya and hindi lang po yung talent, yung pagiging mapagkumbaba niya.

“Isa po yun sa mga hinahanap kong traits na kapag nakita ko sa tao, na kahit gaano sila kasikat, alam kong magiging humble pa rin po sila.

“And yes, naniniwala ako sa talent ni Ysabel, sa kakayanan niya."

Madalas na magkasama sina Miguel at Ysabel sa taping, na kadalasan pa nga ay lock-in kaya walang uwian at mas personal ang bonding.

Walang relasyong inaamin ang dalawa, pero base sa kilos nila, hindi lang ordinaryong pagkakaibigan ang namamagitan sa kanila.

Mas lumalim ba o mas tumindi ang kung anumang ugnayan mayroon sina Miguel at Ysabel?

“Feeling ko ganun naman po yun. Pag every day kayong magkasama, every day kang may matututunan sa tao, every day mas mapapalapit ka sa kanya.”

At every day ring napamahal si Ysabel sa kanya?

“Wow,” ang tumatawa at tila kinikilig na reaksiyon ni Miguel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasa serye rin sina Yasser Marta bilang Lucas, Soliman Cruz bilang Tirso, Aleck Bovick bilang Melba, Pamela Prinster bilang Criselda, Hailey Mendez bilang Vera, Lia Salvador bilang Eloisa, Bimbo Bautista bilang Gabby, EJ Jallorina bilang Ate V, Joel Saracho bilang Mang Tonyo, Art Acuña bilang Bruno, Vince Crisostomo bilang Justin, Joyce Ann Burton bilang Helen, at si Celeste Legaspi bilang Lola Leonora.

Sa direksyon ni Jeffrey Jeturian, napapanood ang What We Could Be weeknights ika-8:50 ng gabi sa GMA at sa GTV mula Lunes hanggang Huwebes 11:30-12:15AM at Biyrenes, 11 p.m. to 11:45 p.m.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miguel Tanfelix, hindi itinangging napapamahal siya sa kanyang What We Could Be leading lady na si Ysabel Ortega.
PHOTO/S: @migueltanfelix on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results