Zoren Legaspi will miss the set of Apoy Sa Langit: "Dito, nakikipag-usap ako, nakikihalubilo ako."

by Rommel Gonzales
Sep 3, 2022
Zoren Legaspi with Apoy Sa Langit co-stars Maricel Laxa and Lianne Valentin
Zoren Legaspi with Apoy sa Langit co-stars Maricel Laxa (L) and Lianne Valentin.
PHOTO/S: @zoren_legaspi on Instagram

Bilang si Cesar, karakter ni Zoren Legaspi sa Apoy Sa Langit, sino sa dalawang babae ang mami-miss niya?

Misis ni Cesar si Gemma (played by Maricel Laxa) at mistress naman niya si Stella (played by Lianne Valentin) sa nabanggit na highest-rating at most-viewed drama series ng GMA-7 sa taong ito.

Wala siyang pinili.

Ang seryosong sagot ng aktor sa biro ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal): “Marami kasing kuwento sa, alam mo almost half a year kaming magkakasama, e, so maraming kuwento talaga, kulang yung isang Zoom meeting natin.

“Marami akong puwedeng isagot, pero ang napili kong isagot is mami-miss ko yung how, kung paano ako."

Aminado siya na sa set niya ito naipakita kung sino si Zoren off-cam.

Sa pagpapatuloy ng Kapuso star, "Kasi, okay, may mga transition yung mga characters namin and also yung mga personal namin.

“Kasi medyo, I mean I totally open up with this group.

“Nakita nila kung paano ako ka-kengkoy, they saw me na parang, ‘Wala naman pala itong si Zoren, madaldal lang, he’s all bark but he doesn’t bite!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“You know, ‘A, ganun lang pala yung init ng ulo niyan, nag-iinit-initan lang pala ng ulo iyan.’

“So nakita nila yun. I don’t normally show kung sino talaga ako. I always have a wall when I’m working. With this group, kaya siguro ako nag-enjoy because it was totally me.

“Kung ano yung nakita nila dun sa set, it was Zoren, it was really me. Wala akong itinago."

Dati kasi, nasa sasakyan lang daw si Zoren kapag wala siyang eksena.

Aniya, “Kahit sa mga ibang shows, you know, after a scene, I go back to my van and stay there.

"And then they will call me, and I go back, perform, and then I go back in.

“Pero dito, nakikipag-usap ako, nakikihalubilo ako, lumalabas ako pag day-off kasi pag day-off sa kabilang show, hindi niyo ako makikita, nandun lang din ako sa kabila.

“You know, I’ll be on the phone talking to someone, pero dito bihira ako na nasa phone, lagi ako with them talking, with Lianne, sila Mikee, ayan sila Maricel, si Mariz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yeah mami-miss ko yung for just being myself and not trying to pretend na ito ako.

“So iyon lang, it’s gonna be, you know, it’s emotional, it’s very emotional for me dahil bihira akong magkaroon ng connection sa mga katrabaho ko sa industriya.

“And it’s also, mahirap magkaroon ng connection with the production and artista, at the same time. Pero iyon yung nangyari sa akin dito sa show na ito.

“Nagkaroon ako ng connection sa lahat ng production at sa lahat din ng artista, connected ako.”

Ang mga co-stars na tinutukoy ni Zoren na nagkaroon siya ng connection bukod kina Lianne at Maricel ay sina Mikee Quintos bilang si Ning, Mariz Ricketts bilang si Blessie, Carlos Siguion-Reyna bilang si Edong, Dave Bornea bilang si Tony, Coleen Paz bilang si Patring, Celine Fajardo as Iyah, Patricia Ismael as Lucy at Mio Maranan bilang si Toto.

Ang Apoy Sa Langit ay sa direksyon ni Laurice Guillen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipapalabas ang final episode nito sa September 3, 2022.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Zoren Legaspi with Apoy sa Langit co-stars Maricel Laxa (L) and Lianne Valentin.
PHOTO/S: @zoren_legaspi on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results