Dominic Ochoa asks permission from ABS-CBN before joining this GMA-7 series

by Rommel Gonzales
Sep 6, 2022
Dominic Ochoa in Abot Kamay Na Pangarap in GMA-7
After 25 years of being a certified Kapamilya, Dominic Ochoa agrees to star in GMA-7's newest afternoon drama series Abot Kamay Na Pangarap.

Sa tinagal-tagal ni Dominic Ochoa sa showbiz, ngayon lamang siya mapapanood sa isang teleserye sa GMA-7, at ito ay sa pamamagitan ng Abot Kamay Na Pangarap.

Read: Dominic Ochoa stars in first GMA-7 project after 25 years with ABS-CBN

Mga guestings lamang ang nagawa niya sa Kapuso Network sa mga nakalipas na mga taon.

"I first guested sa TGIS in 1996, if I’m not mistaken," saad ng aktor.

Bukod doon ay nakapag-guest din siya, kasama si Mylene Dizon, sa isang show ng yumaong direktor na si Soxy Topacio.

Dagdag ni Dominic, "But other than that, ito yung pagbubukas ng pintuan ulit."

Sa Abot Kamay Na Pangarap, regular cast member si Dominic na gumaganap bilang Michael, na may pagtingin sa karakter ni Carmina Villarroel.

Saad niya, "You know, very thankful ‘no, na it came sa tamang oras yung pagtawag sa akin, pag-alok sa akin nitong role.

"And hindi rin naging mahirap para sa akin na magdesisyon na umoo dahil nakatrabaho ko na yung direktor [L.A. Madridejos] pati yung PM [production manager].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And for the people naman na katrabaho ko ngayon na first time, they made it easy for me to bond and relate with them.

"From the production, from the bosses, and the artists of GMA, napakainit ng kanilang pagtanggap sa akin dito!"

Dominic Ochoa and Carmina Villarroel in Abot Kamay Na Pangarap

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dominic sa mediacon via Zoom ng Abot Kamay Na Pangarap, noong August 31, 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ON DOMINIC'S TALK WITH ABS-CBN BOSSES

Ayon pa kay Dominic, maayos siyang nagpaalam sa ABS-CBN na gagawa siya ng proyekto sa GMA-7.

Taong 1997 nang magsimula siya sa ABS-CBN sa defunct youth-oriented show na Gimik.

Huli siyang napanood sa guest appearances niya sa Kapamilya series na 2 Good 2 Be True at Darna.

Lahad ni Dominic, "When they called me about this, kasi parang kakatapos ko lang rin ng show dun sa kabila. So, I actually asked them also, nagpaalam tayo kung pupuwede tayong gumawa.

"Kasi if there’s something naman na nakalinya or may naka-lineup sa atin, pupuwede ko namang hintayin.

"But they approved of itong pag-guest natin sa GMA."

Sa mga sumunod na salita ni Dominic ay ipinahiwatig niya ang kawalan ng prangkisa ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And I’m very thankful na ang ganda kasi nung nangyayari. Alam naman natin na yung sitwasyon ‘no, but I’m very thankful na may bayanihan na nangyayari sa mga networks ngayon.

"Na, alam mo yun, kumukuha sila ng artista from the other network, yung maluwang ba.

"Ang ganda nung... for me ha, I’m very excited na makapagtrabaho sa, kumbaga, sa GMA, makatrabaho ka ng mga panibagong artista. It’s something that I look forward to."

Dominic Ochoa in Abot Kamay Na Pangarap

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ON working with GMA-7 people

Ramdam naman ni Dominic ang mainit na pagtanggap sa kanya sa GMA-7.

Aniya: "Yung kasi, it’s the usual, I’ve been there [ABS-CBN] for [25] years. So, yung excitement ko na to meet new actors, to meet the production of GMA, yung mga direktor.

"Naninibago ako, pero iyon nga, gaya ng sinabi ko, ang ganda ng pagtanggap.

"It made it easier for me. Kumbaga, naka-relaks ako agad."

Tila bukas din si Dominic sa posibilidad na gumawa ulit ng proyekto sa GMA-7.

“Iyon nga yung sinasabi ko sa aming EP na si Ms. Joy ‘no, alam niya yun kung bakit but I always tell her na, ‘Huwag niyo akong sanayin, baka mawili ako,’ iyon ang sinasabi ko parati.

“So, ibig sabihin, ang ganda nung relasyon namin, agad-agad! Basta iyon na yun, alam niyo na yun!” at tumawa si Dominic.

Ang executive producer o EP na tinutukoy ni Dominic ay si Joy Lumboy-Pili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Abot Kamay Na Pangarap ay mula sa direksiyon ni L.A. Madridejos at mapapanood mula Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA Afternoon Prime.

Sa unang araw pa lamang ng pag-ere nito ay umani na ang serye ng papuri mula sa mga netizens at televiewers.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After 25 years of being a certified Kapamilya, Dominic Ochoa agrees to star in GMA-7's newest afternoon drama series Abot Kamay Na Pangarap.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results