Former ABS-CBN broadcaster Anthony Taberna inks contract with ALLTV

by Arniel C. Serato
Sep 6, 2022
Anthony Taberna TV comeback via ALLTV
Broadcast journalist Anthony Taberna grateful to ALLTV for trusting him: "Ngayon lang ako nagkaroon ng signing ceremony sa buong buhay ko. Ganito pala pakiramdam.”
PHOTO/S: Courtesy: Anthony Taberna on Facebook

Pumirma ng kontrata sa ALLTV (AMBS 2) ang veteran at dating ABS-CBN broadcaster na si Anthony Taberna ngayong hapon ng Martes, September 6, 2022.

Ang contract signing ni Anthony ay dinaluhan ng top executives ng ALLTV, sa pangunguna ng may-ari ng network na si former Senate President Manny Villar at anak nitong si Senator Mark Villar, at ni AMBS President Maribeth Tolentino.

Anthony Taberna ALLTV contract signing

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Habang pupimirma ng kanyang kontrata, pabirong hiningi ni Anthony kay Tolentino ang ballpen na ginamit niya.

Sabi ng broadcaster, “Mahal ‘tong ballpen na ‘to, Ma’am. Puwede bang itago natin ‘tong ballpen na ‘to?

"Ngayon lang ako nagkaroon ng signing ceremony sa buong buhay ko. Ganito pala pakiramdam.”

Matapos magkapirmahan, masayang winelcome ni Tolentino si Taberna sa istasyon nila.

Sabi nito, “We are so proud that we have you in our family.”

Malaki naman ang pasasalamat ni Anthony sa AMBS dahil sa pagtitiwala nito sa kanya.

Malaking bagay raw ito dahil sa darating na September 8 ay ipagdiriwang niya ang kanyang ika-30 taon sa broadcast industry.

Sa pagtatapos ng kanyang Facebook live, sinabi ni Anthony na malapit na siyang mapanood muli sa free-TV.

Aniya, “Alam niyo na kung saan ako susundan. Pero hindi pa ngayong araw na ito.

“Sa September 13, meron po tayong launching sa ALLTV Talk. Magugulat kayo kung sino pa ang mga kasama. Magugulat kayo, abangan niyo po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ito po ay sa free TV po masusubaybayan kaya kahit saang sulok kayo ng Pilipinas kayo naroroon, masusubaybayan niyo po ang mga palabas na magbibigay sa inyo ng tamang impormasyon.

“Ang atin naman laging layunin, e, to inform nang tama, to educate lalo po sa mga kabataan, at pangatlo, to entertain. Gusto namin, kumpleto yun.”

Patuloy pa rin ang programa nina Anthony at Gerry Baja sa DZRH na Dos Por Dos.

Unang pumirma si Willie Revillame sa AMBS 2, na ngayon ay tatawagin nang ALLTV.

Watch: Willie Revillame signs with AMBS, announces return of Wowowin to free TV

Sinundan siya nina Toni Gonzaga at Paul Soriano.

Read: Toni Gonzaga and husband Paul Soriano sign up with AMBS 2

Sabi naman ni Willie sa Facebook at YouTube live ng Wowowin kagabi, September 5, iaanunsiyo niya ang pangalan ng news personalities at mga artistang dating Kapamilya at Kapuso na magiging bahagi ng mga programa ng ALLTV sa September 13.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kagulat-gulat daw ito dahil hindi inaasahang lilipat sila sa magbubukas na broadcast network ng mga Villar.

Read: Sinu-sino ang mga dating Kapamilya at Kapuso stars and news personalities na lilipat sa ALLTV (AMBS 2)?

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Broadcast journalist Anthony Taberna grateful to ALLTV for trusting him: "Ngayon lang ako nagkaroon ng signing ceremony sa buong buhay ko. Ganito pala pakiramdam.”
PHOTO/S: Courtesy: Anthony Taberna on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results