Coleen Garcia "so proud" of husband Billy Crawford's standing ovation in France

by Khryzztine Joy Baylon
Sep 11, 2022
Billy Crawford and Faive Hautot in Danse avec les stars
Billy Crawford gets emotional after his amazing performance with dance partner Fauve Hautot in Danse avec les stars (Dance with the Stars).
PHOTO/S: Screen Grab from Danse avec les stars on YouTube

Nakakuha ng standing ovation at apat na buzz ang actor-performer na si Billy Crawford at ang kanyang partner na si Fauve Hautot sa Danse avec les stars (Dance with the Stars).

"Bravo" at "extraordinaire" ang ilan sa mga comments na tinuran ng mga hurado na sina French ballet dancer Marie-Agnès Gillot, French singer-songwriter and YouTuber Bilal Hassani, Paris Ballet Opera star François Alu, at dancer/choreographer Chris Marques.

Ginanap ang pilot telecast sa Television Francaise 1(FT1) ng Season 12 ng sikat na dance television show sa Frances noong Biyernes ng gabi, September 9, 2022 [Sabado, September 10, sa Pilipinas].

Read: Billy Crawford, umani ng papuri sa unang salang niya sa Dancing With The Stars

Sa saliw na tugtuging "Watermelon Sugar" ni Harry Styles, ipinakita ni Billy ang kanyang talento sa pagsasayaw.

Puring-puri ang mga netizens, lalo na ang mga Pinoy na kadalasang nakikita si Billy sa bansa bilang host.

Siyempre, ang kanyang number one fan ay ang kanyang misis na si Coleen Garcia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa isang post sa Instagram nitong Sabado, September 10, 2022, proud na ibinahagi ng aktres ang emotional moment ni Billy matapos makakuha ng srave reviews after ng perfromance nila ni Fauve, na isang French dancer at choreographer.

Caption ni Coleen (published as is), "So proud!!!! [heart emoji] Congratulations @billycrawford & @fauvehautot!

"You guys are amazing! [fire emoji]"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpost din ang dance partner ni Billy na si Fauve sa Instagram ng polaroid photo nila ni Pinoy performer, kalakip ang pasasalamat.

Caption niya (published as is), "Polaroid of a first day of rehearsal, Season 12 @billycrawford.

"Great pleasure to dance with you and learn to discover you @dals_tf1 [Danse avec les stars].

"Thank you all! Have a great weekend!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong August 22, 2022 ay tumulak si Billy sa France para sa para sa Augustiennes festival ng Fos-sur-Mer, kung saan naging mainit ang pagtanggap sa kanya ng bansang itinuring niyang pangalawang tahanan.

Read: Billy Crawford, mainit ang pagtanggap sa pagbabalik niya sa France

Samantala, sa comments section ng post ni Coleen ay bumuhos ang suporta at papuri ng kanyang mga kaibigan at kapwa celebrities.

Billy Crawford

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Billy Crawford

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Billy Crawford gets emotional after his amazing performance with dance partner Fauve Hautot in Danse avec les stars (Dance with the Stars).
PHOTO/S: Screen Grab from Danse avec les stars on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results