Derek Ramsay reveals he parted ways with GMA-7: "We have respect for one another."

by Melba R. Llanera
Sep 15, 2022
Derek Ramsay
Derek Ramsay on parting ways with GMA-7: "It's not, like, I have anything against them or they have something against me, wala, none of that. They really see how happy I am with my life and they see my priorities really have changed."
PHOTO/S: Noel Orsal / Pat Dy via @ramsayderek07 Instagram

Kinumpirma ni Derek Ramsay na wala na siyang exclusive contract sa GMA Network.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Derek via Zoom, at dito niya ibinahagi na naging maayos ang pag-uusap nila ng GMA bosses.

Naintindihan daw ng mga ito ang desisyon niyang magpokus sa buhay may-pamilya.

Pahayag ni Derek: "Sa GMA contract ko, out na ako sa GMA contract ko. I was able to part ways with GMA. I had one and a half years more.

"GMA understood and really respected my wishes na, for now, ayoko na.

"Nakakatuwa kasi they granted that. They cut na my contract short and we both have much respect for one another.

"Yeah, that's where I am now."

April 2019 nang pumirma ng kontrata si Derek para maging Kapuso, at pinayagan siyang mapaiksi ang kasunduan nila ng network.

Mula nang pumirma siya ng kontrata sa GMA-7 ay isang teleserye lang ang nagawa ng aktor, ang The Better Woman, na umere mula July-September 2019.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagsapit ng pandemya, pinili ni Derek na hindi gumawa ng proyekto alang-alang sa kalusugan ng kanyang pamilya.

Noong January 2022, nasabi pa ni Derek sa PEP.ph na nagkasundo sila ng GMA-7 na i-freeze ang kontrata niya habang hindi siya nagbabalik-taping.

Read: Derek Ramsay, GMA Network mutually agree to freeze actor's exclusive contract

DID DEREK BUY OUT HIS CONTRACT?

Karamihan sa mga artistang hindi natatapos ang kontrata sa isang istasyon o film outfit ay nababalitang bina-buyout ang nalalabing panahon na dapat ay ilalagi pa nila sa naturang kumpanya.

Tinanong ng PEP.ph si Derek tungkol dito, pero umiwas itong magbigay ng detalye dahil pribado raw iyon.

Paliwanag niya: "I'm not allowed to talk about it, but what I can say is we have respect with one another. Talagang they understood my position.

"It's not, like, I have anything against them or they have something against me, wala, none of that.

"They really see how happy I am with my life and they see my priorities really have changed."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpakasal si Derek kay Ellen Adarna noong December 11, 2021. Bukas siya sa publiko na parang anak na ang turing niya kay Elias, anak ni Ellen sa ex-boyfriend na si John Lloyd.

Nasa pangangalaga rin ni Derek ang anak niya sa kanyang first wife na si Mary Christine Jolly, si Austin Ramsay.

"I have my family and that's what I really want to take care of. It's not just me anymore, I have Ellen, I have Elias.

"Yung respeto namin sa isa't isa is there but the details, I cannot disclose that," tukoy ni Derek sa pagtatapos ng kontrata niya sa GMA.

IS DEREK QUITTING SHOWBIZ?

Ibinahagi rin ni Derek sa PEP.ph na pagnenegosyo ang pinagkakaabalahan niya ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, "I'm looking at my new career. I want to build homes, to build vacation homes, that's what I'm passionate about now."

Ngayong tapos na ang kontrata sa GMA at may bagong karerang tinatahak, nangangahulugan ba itong tuluyan niyang tatalikuran ang showbiz?

Sagot ni Derek: "Siguro if I find the right script for a movie. I love my craft, it's just everything comes with a territory. Very, very tiring, very taxing.

"I always said to you na pag nagpakasal na ako, hindi ko na yata kaya na mag-focus sa showbiz career ko kasi ang focus ko mapupunta sa pamilya ko.

"Ayan, I'm standing with what I said before, but I'm not closing the door. Maybe one day, when I find the right script, but for now, this is what's making me happy."

Kumpara sa hectic schedule ng pag-aartista, mas hawak ni Derek ang oras sa pagnenegosyo.

Paliwanag niya, "Actually, kaya nga today magkakasama kaming lahat. Nagpunta kami ng Calatagan para makita yung lupa na gusto naming i-develop for vacation homes to rent out.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I'm enjoying trying to find my new path, my new career.

"But if the right script comes along, I won't be away too much from my family, malamang gagawin ko yun.

"But for now, my priority is my family."

Isa si Derek sa mga artista ng GMA na hindi nakadalo sa katatapos na first thanksgiving gala night ng network.

Ayon sa aktor, pinadalhan siya ng imbitasyon para sa event pero may kasabay itong mahalagang okasyon sa kanilang pamilya.

"Nung gala night kasi birthday ng papa ko. Pinadalhan ako ng invitation.

"But it was the same day of the birthday of my father. May plano na kami para sa tatay ko," simpleng saad ni Derek.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derek Ramsay on parting ways with GMA-7: "It's not, like, I have anything against them or they have something against me, wala, none of that. They really see how happy I am with my life and they see my priorities really have changed."
PHOTO/S: Noel Orsal / Pat Dy via @ramsayderek07 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results