Carlo San Juan: From Mr. Pogi winner to tricycle driver to Sparkle artist

by Rommel Gonzales
Sep 17, 2022
Carlo San Juan on Magpakailanman
Mr. Pogi winner Carlo San Juan is headlining Magpakailanman, which features his life story. The episode will be aired on September 17, 2022, at 8:15 p.m.
PHOTO/S: PR

Tampok sa latest episode ng Magpakailanman ang kuwento ng buhay ni Carlo San Juan.

Unang nakilala si Carlo nang manalo siya sa "Mr. Pogi" segment ng Eat Bulaga! noong 2019. Ngayon, isa na siyang exclusive contract artist ng GMA Network at Sparkle.

Carlo San Juan Mr Pogi winner in Eat Bulaga

Sa email interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nagkuwento si Carlo tungkol sa pagbibidahan niyang episode na pinamagatang "Ang Driver Na Mr. Pogi: The Carlo San Juan Story."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “Natuwa ako kasi magkakaroon na ako ng pagkakataon na mai-share ang story ko na sana’y makapagbigay-aral at pag-asa sa mga katulad ko ring nangangarap.”

life before showbiz

Nagbalik-tanaw din si Carlo tungkol sa kanyang mga naging karanasan bago siya nagkaroon ng oportunidad pasukin ang showbiz.

Naging tricycle driver si Carlo, na taga-San Pedro, Laguna.

Paglalahad niya, “Noong college ako, naka-isa’t kalahating taon din ako [sa pagiging tricycle driver].

“Ang ruta ko ay dito lamang sa lugar namin. Nakaka-eight hundred pesos ako sa isang araw.

“Mula 6 a.m., magpapahinga at magtatanghalian ng mga 1 p.m. 'tapos pasada ulit hanggang 8 p.m.

"Bukod pa yung pa-extra-extra ko na pagmamaneho ng kotse ng iba.”

Mayroon din daw siyang karanasan na hindi niya makakalimutan habang namamasada ng tricycle.

Sabi ni Carlo, “Muntik na akong mabangga dahil muntik na akong makatulog habang namamasada dahil sa pagod.”

Ikinuwento rin ni Carlo sa PEP.ph ang kanyang pagiging athletic scholar hanggang sa maka-graduate ng college.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagtuloy niya, “Naging athletic scholar ako kasi inaral ko ang volleyball para makapasa sa scholarship ng San Pedro of Business Administration.

“Scholar po ako hanggang sa maka-graduate. Bachelor of Science in Information Technology.”

joining mr. pogi

Bakit siya sumali sa "Mr. Pogi"?

Aniya, “Sinali ako ng handler ko na si Nay Tuesday Belo na naka-discover at nagtiwala sa akin.

"Kaya laking pasasalamat ko sa kanya na pinilit niya akong mag-audition sa 'Mr. Pogi' na nakapagpabago sa buhay ko.”

Carlo San Juan Mr Pogi winner in Eat Bulaga

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nanalo si Carlo sa male pageant noong 2019, pero sa sumunod na taon, tumama ang pandemya.

Bumalik tuloy siya sa pamamasada ng tricycle noong mga panahong iyon.

Paliwanag niya, “Bumalik ako sa pagta-tricycle dahil pinag-isipan ko po na iyon ang pinakamainam na pagkakitaan nung panahon ng pandemic.

“Kasi kakaunti lang ang lumalabas, wala silang masakyan.

“At kakaunti lang din ang namamasada ng mga panahong iyon. Kaya hindi na rin namin pinamasada si Papa kasi baka magkasakit. Kaya naisipan kong ako na lang."

Tanong ng writer na ito, hindi ba siya nahiya na Mr. Pogi na siya 'tapos bumalik siya sa pagiging tricycle driver?

Sagot ni Carlo, “Walang kaso sa akin iyon.

“Pinagmamalaki ko yung napanalunan ko, pero hindi ako nahihiya kung saan ako nanggaling.”

future in showbiz

Ngayong exclusive contract artist na siya ng GMA Network at Sparkle, naka-focus si Carlo sa kanyang future sa showbiz.

“Bukod sa mag-iisang taon na ko sa Daddy’s Gurl at kadalasang nag-ge-guest sa mga shows, nabigyan ako ng pagkakataon na maging part ng isang teleserye, sa Mano Po Legacy: The Flower Sisters."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pangarap din daw ni Carlo ang maging leading man sa isang drama series, at iniidolo niya bilang actor si Ken Chan.

Sabi ni Carlo tungkol kay Ken, “Kaya niyang gampanan ang mga binibigay sa kanya na mga role at magaling niyang nagagawa.”

Kung palarin naman siyang magkaroon ng sarili niyang drama series, gusto niyang maging leading lady si Bianca Umali.

Aniya, "Nagkatrabaho na kami sa isang anthology. At dun ay nakita ko na hindi lang ganda ang meron si Bianca, nakita ko kung gaano siya kahusay.”

Dahil maganda ang takbo ng kanyang showbiz career, tuluyan na bang tatalikuran ni Carlo ang pamamasada ng tricycle?

Paglinaw niya, “Hindi naman sa pagtatalikod, pero kung hindi man ako palarin sa pag-aartista ko, wala namang masama kung babalikan ko ang pagta-tricycle.”

Sa kanyang mga pinagdaanan sa buhay, may mahalagang aral na natutunan si Carlo.

“Natutunan ko sa mga naranasan ko sa buhay, lalo na sa mga tao na nakasama ko, na hindi masama na mangarap nang mataas basta’t gugustuhin mo lang pagtrabahuhan ito, at handa kang ibigay ang lahat sa abot ng kakayanan mo habang nakakapit ka sa pagtitiwala mo sa Diyos.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Magpakailanman episode na "Ang Driver Na Mr. Pogi: The Carlo San Juan Story" ay sa direksiyon ni Neal Del Rosario, sa panulat ni Vienuel Ello, at pananaliksik ni Angel Launo.

Makakasama ni Carlo sina Irma Adlawan bilang Loida, Alan Paule bilang Jun, Prince Stefan bilang Tuesday, Jay Arcilla bilang Shawn, Jeremy Sabido bilang Renz, AR Angel as Lara, at Cheska Fausto as Joy.

Mapapanood ang latest episode ng Magpakailanman sa Sabado, September 17, 2022, 8:15 ng gabi sa GMA-7.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mr. Pogi winner Carlo San Juan is headlining Magpakailanman, which features his life story. The episode will be aired on September 17, 2022, at 8:15 p.m.
PHOTO/S: PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results